CHAPTER 85: X'S FILE

33 8 0
                                    

Pinindot ko 'yung continue na nasa baba ng notes. Tsaka lumitaw 'yung iba't ibang klase ng codes. Mag series of numbers and letter na hindi mabasa kasi parang pinagtripan lang s'yang pindutin.

"What the hell is that." Rune said. "Ang sakit sa mata." Reklamo n'ya.

"Looks like different kinds of algorithm codes and ciphers." Gwyn said.

Tama s'ya.

"Pero saan naman natin gagamitin 'yan? Paano tayo makakasigurado na may kinalaman nga 'yan sa binabalak ng Codex?" Takang tanong ni Rune.

"Just memorize it and stop complaining Rune." I said.

Kinuha ko naman 'yung phone ko tsaka kinuhanan ng litrato 'yung screen. Mas okay nang prepared para in case na may mangyari e magkakaroon kami ng ideya kahit papaano.

"How the fvck should I keep letters and numbers like that inside my head." Reklamo n'ya ulit.

"Gusto mo Rune siksik ko sa ulo mo buong monitor?" Banta ni Gwyn.

Kahit ganito 'yung sitwasyon namin e hindi naiwasang mapatawa ni Rune, samantalang lihim naman akong napangiti dahil do'n.

"Kung tumahimik ka d'yan at inumpisahan mo nang ifamiliarize 'yung mga nakalagay sa screen edi may napala ka pa." Dagdag ni Gwyn na mas ikinalakas ng pagtawa ni Rune.

Mf

"Nagawa mo pang tumawa, imbes na umiiyak ka ngayon."

"Nagpapatawa ka e."

"Kita mong seryoso ako, napipikon na ako kasi kanina ka pa reklamo nang reklamo d'yan e." Halata nga sa boses n'ya.

Natawa parin si Rune. "Nabawasan na 'yung panggigisa sa akin ni Ascen ikaw naman ngayon 'yung pumalit." Tumatawang sabi n'ya.

Napansin ko rin kasing naging comfortable na sa amin si Gwyn. Nahalata ko na nu'ng sabay sabay kaming kumakain dito sa bahay nila Rune. Tsaka nu'ng mga nakaraang araw lagi nang binabantaang netong si Gwyn si Rune kada may katangahan s'yang sasabihin o itatanong. Kahit sino naman mapipikon talaga sa kan'ya e. Halos buong buhay ko si Rune lang kasama ko, at sa mahabang panahon na 'yon, puro paninita lang ginagawa ko sa kan'ya. Ayaw paawat kahit suntukin ko na e.

"Stop laughing and let's dive the web." Sabi ko.

Tumigil naman s'ya tsaka sumandal sa inuupan kong gaming chair. Naramdaman ko ring mas lumapit si Gwyn para makita 'yung screen.

Gaya nang nakasanayan naming gawin kapag nagda dive sa dark web, inumpisahan ko nang mag decrypt ng napakaraming secured layers. Hanggang sa marating na namin 'yung kahuli hulihang file ng Codex na matagal na naming gustong buksan.

"Humanda kayo, we no have the key." Rune said.

I clicked the blank bar and entered the password which is xodec. Kung tutuusin ang dali lang ng password pero wala man lang nakahula.

Mabilis na nag flicker 'yung screen na inabot din ng isang minuto. Bago may lumitaw na symbols, letters and numbers habang nagiglitch. Tapos maya't maya ay biglang nag black.

At pagkabukas ay agad na lumitaw 'yung identities or profiles ng bawat members kasama si prof Lenard.

"Skxll huh?" Basa ni Rune sa codename ng prof. "Baho ng codename, halatang hindi pinag isipan." Pansin n'ya.

Kumuha naman ako ng empty usb sa drawer at pinasak sa pc. Pagkatapos ay kinopya ko na lahat ng profiles na naro'n.

As we dived deeper, marami pa kaming natuklasan. Iba't ibang uri ng illegal things 'yung nandito. Pati 'yung mga ginawa nilang crimes na naka document mismo sa mga pictures. Puro walang buhay nang katawan, mga drugs, at kung ano ano pang hindi namin dapat nakikita. May mga transactions din sila ng pagnanakaw sa mga companies at pang iscam sa kanila. Pati mga bata nandito rin, at ginagawa nilang subjects sa mga illegal nilang ginagawa.

"They're cruel." Gwyn said. "I cant imagine they do such things." She added.

"Well, this is dark web Gwyn, this is what they do here." Rune said.

Nakita rin namin 'yung mga codes na kinopya ni Xen tsaka inilagay sa file. Pero wala ngang nakalagay dito na panggagamitan no'n.

Mas naging determinado akong ilure sila ngayong may matibay na kaming evidence. Kakasuhan nalang namin sila at matatapos na 'yung masama nilang gawain.

"I think kahit 'yung leader nalang 'yung ilure natin sa kanila e susuko na 'yung iba." Sabi ni Rune.

"Can be." Sang ayon ko. "Pero hindi pa dapat tayo pakampante ngayon, hindi pa natin alam kung ano 'yung tinutukoy ni Xen na binabalak nilang gawin. Mas mahalaga 'yung safety natin ngayon." Dagdag ko.

"Kaya dapat maunahan natin sila. Dapat bago pa sila kumilos e mailure na natin sila sa mga pulis para hindi na sila makagawa pa ng krimen." Sabi pa ni Rune.

"So we going to just show this to the police and let them arrest the members?" Gwyn asked.

"Yep." Rune.

"No." I said.

"Why no?" Rune asked.

"We still have to gather more informations." I answered.

"Huh? But we have all the informations." He said.

"Alam ko, pero wag muna nating agarin, wag muna tayong padalos dalos sa mga kilos natin." Sabi ko. "Mahirap na Rune, what if inaabangan nalang talaga nilang idemanda natin sila? Paano kung may nakaabang na trap sa atin? We don't know." Dagdag ko.

Bumuntong hininga s'ya. "Yeah you're right." Sang ayon n'ya. "So maybe we still need to investigate physically about that Lenard guy."

Tumango ako.

Bago namin s'ya ilure dapat makakuha pa kami ng infos sa university mismo. Dapat hindi lang s'ya sa buong dark web mapahiya, kung hindi pati na rin sa school. Para maging aware sila sa kung gaano s'ya kasamang professor in disguise. Tsaka sure din akong marami na s'yang kamaliang nagawa sa university knowing na sangkot s'ya sa mga crimes na nangyari nu'ng mga nakaraan. At gusto kong tuklasin lahat 'yon. Iseset aside muna namin 'tong nakuha naming informations sa Codex at magfofocus sa personal n'yang buhay. Gusto ko ring alamin kung anong mga kahinaan n'ya para mas maging madali ang lahat.

Sobrang nababahala ako ngayon, hindi ko alam kung paano mag uumpisa at tatapusin 'to. Alam kong magiging mahirap pero umaasa akong magiging smooth lahat hanggang sa matapos na nga. Ayokong may sumabit, ayokong may pumalya, at lalong ayokong may masamang mangyari sa aming tatlo.

HACKED: CODE XTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon