GWYNETH'S POV
It's already Friday again.
Isang linggo nanaman ang nakalipas. Isang linggo na rin 'yung nakaraan mula nu'ng namatay si sir Xen at nalaman namin lahat ng katotohanan tungkol sa kan'ya at kay sir Lenard. At isang linggo ko na ring nagagamit ulit 'yung phone ko. Nabawi ko na lahat, nasa akin na ulit, pero parang walang nagbago. Actually kinakabahan ako ngayon, knowing na anytime pwede kaming itarget ni sir Lenard. Nag iingat ako mula nu'ng lunes, pero friday na at wala naman akong unusual na nadadama. Parang wala lang ding nangyari kasi casual lang na pumasok at bumalik sa pagtuturo si sir Lenard.
Madalas din kaming magkita kitang tatlo sa Xanthe, para icheck 'yung isa't isa. O hindi naman kaya ay magsabi kung may mali kaming nakikita about kay sir Lenard. Kaso wala. Mula pa nu'ng lunes nag iinvestigate na rin si Ascen, para mas dumami pa 'yung proofs namin bago s'ya ipahuli sa mga pulis.
"Good afternoon guys."
Kumunot 'yung noo ko.
"Ginagawa n'ya rito?" Takang tanong ni Kian.
'Yan din 'yung gusto kong itanong.
"Malay ko."
Hindi naman namin s'ya subject ngayong hapon. Hinihintay nalang namin 'yung prof namin sa last subject bago kami umuwi. Nakapagtataka na wala nang dumadating tapos bigla namang pumasok si sir Lenard.
"Kapag subject natin s'ya hindi s'ya napasok, tapos ngayon bigla bigla mang aagaw ng oras." Pansin ni Kian.
Tama s'ya ro'n.
"Nacheck n'yo na ba 'yung memo na sinend ko sa gc?" Tanong n'ya.
Umiling 'yung mga kaklase ko.
"Well check it now."
Agad naman kaming nagsilabasan ng mga phone. Tsaka tinignan 'yung gc.
TSU
[Date: June 27, 2023]
MEMORANDUM
To: All Computer Science Students
From: Dr. Kate Cruz, Head of Computer Science Department
Subject: Mandatory Meeting - Saturday, June 28, 2023
Dear Computer Science Students,
We hope this message finds you well. We are writing to inform you of a mandatory meeting that has been scheduled for all students enrolled in the Computer Science course.
Date: Saturday, June 28, 2023
Time: 10:00 AM
Venue: Computer Science Auditorium, Building C, Room 102
It is imperative that you attend this meeting as it pertains to important updates, course-related announcements, and crucial information regarding the upcoming academic term. The topics to be discussed are vital for your academic progress and success.
Please be advised that your presence at the meeting is required and will be duly recorded. Attendance will be taken to ensure that all students receive the necessary information and can actively participate in the decision-making process.
Should you have any unavoidable conflicts preventing your attendance, it is essential that you inform Prof. Lenard Quinto, Course Coordinator, at lenard.quinto@university.edu no later than 5:00 PM on June 27, 2023.
We appreciate your understanding and cooperation in this matter. Your active participation is essential to maintain the integrity of our academic program and to ensure that you receive the most up-to-date information regarding your course.
Thank you for your attention to this matter, and we look forward to seeing you at the meeting.
Sincerely,
Dr. Kate Cruz
Head of Computer Science Department
University of TSU
Email: kate.cruz@university.edu
Phone: (123) 456-7890
Kumunot 'yung noo ko. Ba't bukas pa e sabado?
"Kung nagtataka kayo kung bakit sabado, e kasi para hindi maapektuhan 'yung iba n'yong subjects." Biglang sabi ni sir Lenard. "Lahat ng nasa courses sa Computer Science e aattend, from first to fourth year." Dagdag n'ya.
Huh? For educational purposes ba talaga 'to?
"Ako ang coordinator ng course kaya ako lang ang hahawak sa inyo bukas."
Mas lalo akong nagtaka.
"Grabe naman rest day ko 'yon e." Reklamo ni Kian. "Wala rin lang namang makikinig bukas d'yan, ang dami dami pa natin." Dagdag n'ya.
Tama s'ya. Tsaka bakit halo halo pa? Init init no'n. Tsaka iba iba naman kami ng pinag aaralan. Hindi kaya may paparating nanamang activity sa department namin? Pero ang sabi sa memorandum e for educational purposes lang talaga. Nakakainis.
"Kailangan n'yong mag attend lahat dito bukas. Ipapacheck ko sa class monitor n'yo 'yung attendance n'yo. Kapag wala kayo bukas ibabagsak ko kayo sa subject ko."
Gago? Bakit s'ya nambabanta? Gano'n ba talaga kaimportante nu'ng meeting bukas? As if naman makikinig kaming lahat e ang dami dami namin. Masisiraan na ako ng bait sa professor na 'to, ba't hindi nalang kasi sumuko sa mga pulis, ang dami pang pakulo. Hindi na ako makapaghintay.
"So babagsak tayo kapag hindi tayo nag attend bukas pero okay lang kapag s'ya 'yung hindi napasok sa subject natin? May gana pa talaga s'yang gawin 'yon." Reklamo ulit ni Kian.
"Nasisiraan na ata ng ulo e." Sabi ko naman.
"Possible 'yan. Kung malalaman nating s'ya mismo nakaisip ng meeting bukas e nasisiraan na nga s'ya ng ulo." Sang ayon ni Kian.
Napapaisip ako kung hanggang kailan kami mag hihintay bago s'ya ilure, at 'yung organization. Gusto ko na talagang mangyari 'yon para mabura na s'ya rito. Naiinis na kasi ako lalo't ang dami n'ya nang nagawa na kailangan n'yang pagbayaran. Nakakainis lang na hindi kami makakilos agad kasi baka nga may patibong s'ya. Pero natatakot din ako na baka maunahan n'ya kaming kumilos, malalagot talaga kami.
S'yempre natatakot parin ako sa mga pweding mangyari. Sa mga pwede n'yang gawin hindi lang sa akin, kung hindi sa aming tatlo. Kinakabahan ako. Ayokong may mangyaring masama sa dalawa, o sa akin. Sana naman kung sakaling dumating 'yung worst case scenario e mapaghandaan man lang naming tatlo.
"Before 10 am dapat nandito na kayo lahat, ayokong may malelate." Sabi pa ni prof Lenard.
Dami mong alam. Pakitang tao ka lang naman dito. Pero kriminal ka. Ano kayang magiging reaksyon ng iba kapag nalaman na mamamatay tao ka pala? Na gumagawa ka ng iba't ibang crime? Na member ka ng sikat na illegal organization sa dark web? Hindi ko maimagine pero alam kong mandidiri sila sayo. At hindi na talaga ako makapaghintay na mangyari 'yon. Pagtatawanan talaga kita. Baka nga mag celebrate pa ako kapag nahuli ka na. Hindi pa nga ata sapat 'yon sa mga nagawa mo e, dapat mabura ka mismo.
BINABASA MO ANG
HACKED: CODE X
Misterio / Suspenso"She lived through screens and silence, until one call, one message, turned her world into chaos, forcing her to feel, trust, and face the darkness she'd long ignored." Story Title: HACKED Genre: Mystery - Thriller Status: COMPLETED Chapters: 100
