CHAPTER 37: CIPHERTEXT

48 11 0
                                    

Pagkatapos kumain ay bumalik ako sa harap ng computer. Nagpaalam din saglit si Rune na ibababa muna 'yung mga pinagkainan naming dalawa.

Nag prisinta akong tutulong ako kasi nakakahiya na pero matigas ulo n'ya e.

Nasaan na ako ulit?

Ah oo.

Isa isa kong nilagay 'yung mga result ng each bit sa notes ng computer tsaka isinulat sa papel.

Sa paggawa no'n ay inabot na ako ng 10 pm. Nandito na rin si Rune kanina pa at nasa harap ulit ng laptop n'ya. Nabanggit n'ya rin kasi sa akin kanina na tinitrace n'ya kung saang server nag connect 'yung hacker ng CCTV sa computer lab para magkaroon din ng lead sa killer.

Ipinagpatuloy ko 'yung ginagawa ko.

Iteration 1: result = 34928749089271832498137459827349
Iteration 2: result = 36159831381513012865973152659925
and so on.

Huminga ako ng malalim tsaka tinignan 'yung buong equation na ginawa ko mula sa umpisa hanggang sa results ng iteration ko.

Sobrang haba at nakakahilo 'yung mga numbers. Kaya kapag ito talaga hindi gumana, baka magwala ako. Kasi ang daming oras ko 'yung masasayang. Pinag alala ko pa ng sobra parents ko at si kuya. Tapos nakaabala pa ako kay Rune. Nakitulog ako rito at nakikain na rin. Tapos pinahiraman n'ya pa ako ng mga gamit n'ya, tsaka pinabilhan pa ng mga isusuot bukas. Ilang beses na rin akong pabalik balik dito sa bahay nila, nakakahiya na.

Tsaka nasira na rin 'yung sleeping routine ko, pati pagkain sa tamang oras sira na rin. Kaya pagsisisihan ko talaga ng sobra kung sakaling mapunta 'to lahat sa wala.

Napahikab ako, kaya agad kong tinignan 'yung relo ko.

10:30 pm

Nice, parang nalingat nga lang ako saglit at walang ginawa, pero ang laki na agad ng patong sa oras. Need ko na talagang tapusin 'to e.

I heaved a deep sigh.

"Once you complete the modular exponentiation calculation by iterating through all the bits of the private exponent, the final value of result will represent the decrypted plaintext." Mahina kong basa.

Itinuloy ko naman 'yung pagsusulat. Tsaka sinunod 'yung sinabi sa last step ng deciphering.

Ilang minuto rin 'yung ginugol ko sa pag calculate ng pagkarami raming numbers dahilan para manakit nanaman 'yung likuran ko at mga daliri.

"Gusto mo snacks Gwyn?" Alok ni Rune.

"I'm okay, mas need kong tapusin 'to." Sagot ko.

"Okay then, but tell me if you need anything." He said.

Tinanguan ko s'ya. "Pero Rune pwede ka nang matulog if inaantok ka na, baka kasi matagalagan pa ako rito " Sabi ko.

Napatawa s'ya ng marahan. "Sanay na ako sa puyatan, hindi lang halata pero pumapasok akong nasa apat na oras lang palagi 'yung tulog." Sabi n'ya. "Sadyang pogi lang talaga ako."

Close lang kita kanina pa kita nabato ng keyboard.

"Basta pag inaantok ka na una ka nalang." Sabi ko.

"Yoko nga, hihintayin kita."

"Sige sabi mo 'yan, makulit ka e."

Napatawa naman s'ya dahil do'n.

Samantalang ako ay ipinagpatuloy ko 'yung ginagawa ko.

Hanggang sa mai-type ko na lahat ng numbers sa calculator. Last click na rin 'to at makukuha ko na 'yung sagot na hindi ko alam kung gagana nga ba.

36159831381513012865973152659925

Eto 'yung lumabas. Sabi sa internet kung ano 'yung maging result ng last computation o 'yung final result mula sa last bit na initerate ko ay s'yang plain text. Eto na 'yung na decrypt na numbers mula sa ciphertext.

At ito na rin 'yung need kong itype sa encrypted file para mabuksan 'yon. Sana.

Bago ang lahat ay tinype ko muna sa notes 'yung final result. Huminga akong malalim bago tinitigan 'yung buong ginawa ko. Nakakahilo tignan.

I copied the plaintext and went to the files.

Kagat labi ko ring pinindot 'yung encrypted file na galing sa laptop ni Philip.

Then I pasted the plaintext.

Heto na.

Nagpakawala ulit ako ng malalim na paghinga bago pinindot 'yung enter.

At sa hindi inaasahan, bigla itong nagbukas, revealing an unknown tab.

Agad naman akong napatayo dahilan para maagaw ko 'yung atensyon ni Rune.

"What happened?" Takang tanong n'ya.

"I opened it." I said.

Dali dali s'yang tumayo tsaka lumapit sa akin.

"Woah Gwyn, you're smart!" He exclaimed.

"Thanks." Masayang sabi ko. "Upo ka na, it's your work."

Sa hindi maintindihang pakiramdam ay sobra akong ginanahan.

Rune sat down in front of the computer that I'm using just a while ago.

May pinindot din s'yang kung ano sa tab na nagpakita. At pagkatapos no'n ay ang pag flicker ng screen, tsaka nu'ng matapos 'yon ay may mga chat logs na nagpakita.

Napalapit ako konti kay Rune para mas mabasa 'yung nasa screen.

Marahan lang kaming nagbabasang dalawa ni Rune sa mga exposed screenshots ng shared conversation ni Philip at nu'ng potential killer na nakalitaw ngayon.

Habang nagbabasa ay unti unti kong naiintindihan lahat ng mga nangyari bago 'yung krimen.

"So tama nga si Ascen, kaya pinasa n'ya sa kasama n'ya 'yung part n'ya e nakipagdeal sa kan'ya 'yung suspect." Sabi ni Rune.

At oo, sa last convo nilang dalawa ay sinabi nu'ng suspect na kailangang pumunta ni Philip sa may cr para doon makilala 'yung anonymous na nag post at du'n na rin pisikal n'yang makita na buburahin n'ya nga talaga 'yung post at mga exposed pics gaya ng napag usapan nilang dalawa. Pansin din naming nu'ng una e nagtaka pa si Philip kung bakit sa cr pa sila dapat magkita at hindi ro'n sa library nalang. Pero kalaunan ay pumayag din.

"There's a text document that's downloadable in the tab." Rune said after he closed the exposed screenshots.

Pagka download n'ya ng text document na naro'n ay may nagpakitang link.

https://www.facebook.com/4nonym0us6381Yv7

Facebook profile link?

"Philip's smart in putting the killer's profile link in this." Rune said.

"Pero diba sabi ni Ascen na nabura na 'yung facebook account ng killer?" Sabi ko.

"Once a hacker, always a hacker." Sagot ni Rune habang nakangisi. "Tsaka hindi basta basta mabubura ang Facebook account depende sa kung gaano kagaling 'yung hacker. Sa case ng sayo, talagang galing sa dark web 'yon. Masasabi ko ring wala pang sapat na galing 'yung killer kasi sinong tangang Facebook account ang gagamitin sa pananakot ng victim diba?"

HACKED: CODE XTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon