"Alam ba ng parents mo na kasama mo ako ngayon?" Tanong ni Rune.
Kasalukuyan kaming nasa loob na ng sm. Mag aalas sais na rin.
"Oo, nagpaalam ako." Sagot ko.
Napangiti s'ya. "Bait pala ng kuya mo Gwyn e." Sabi n'ya habang naglalakad kami patungo sa escalator.
Nabalik naman 'yung reaksyon ko kahapon.
"Paano kayo kinausap si kuya? Nagalit ba s'ya sa inyo? Anong sinabi n'yo para makuha loob n'ya?" Sunod sunod kong tanong.
Nasa escalator na kami ngayon pataas sa ikalawang palapag ng sm.
"Actually wala akong masyadong sinabi. Pero si Ascen ang marami." Sagot ni Rune. "Hindi ko masyadong maalala 'yung iba pero sinabi n'yang wala kaming masamang intensyon sayo at safe ka sa amin. Tsaka nakwento rin ng kuya mo 'yung pagiging mailap mo pagdating sa pakikipagkaibigan kaya nagulat s'ya nu'ng sinabi naming kaibigan mo kami. Tapos nu'ng sinabi n'yang paano kapag grumaduate na kami nila Ascen? Edi wala ka nanamang mga kaibigan." Mahabang salaysay n'ya. "Alam mo sabi ni Ascen? Sabi n'ya pagka grumaduate daw s'ya mag aapply s'ya bilang professor sa university natin hanggang sa grumaduate ka."
Kahit narinig ko na 'yon e bumibilis parin 'yung tibok ng puso ko. Hindi ko alam bakit iba 'yung epekto sa akin.
"Nagulat ako ro'n sa sinabi n'ya. Inisip ko rin na gano'n na ba talaga kagrabe 'yung kailangang sabihin para lang makumbinsi kuya mo na safe ka sa amin? I mean oo, sinasabi namin lahat ng totoo para mas mapanatag s'yang ligtas ka at wala kaming gagawing kahit anong masama sayo, pero hindi ko inaasahang gano'n 'yung sasabihin ni Ascen." Sabi pa ni Rune.
Nasa ikalawang palapag na kami.
Napatigil ako sa paglalakad. Kaya naman ay tumalikod si Rune at napatigil din.
"Gano'n din ba s'ya sayo Rune?" Tanong ko.
Napatawa s'ya ng marahan. "Ang totoo n'yan, hindi ko maikukumpara si Ascen sa iba, kung may pinakamabait para sa akin e s'ya 'yun. Lagi n'ya akong tinutulungan sa lahat. S'ya nagiging gabay ko sa kahit anong ginagawa ko. Lahat ng araw ko mero'ng Ascen." Sagot n'ya. "Pero ibang iba trato n'ya sayo kumpara sa akin at sobrang natutuwa ako ro'n."
Hinawakan ni Rune 'yung kaliwang kamay ko tsaka marahan na hinila para ipagpatuloy 'yung paglalakad.
"Nu'ng napatunayan ko sa sarili kong nagiging iba ka na sa kan'ya, nangako na rin akong iingatan ka." Sabi n'ya habang naglalakad kami.
Matao parin rito kahit ganitong oras na. Puro mga estudyante na galing sa kalapit na universities, ilang mga pamilya na namamasyal lang at namimili ng kung ano ano. Maginaw din dito sa loob, dagdag pa 'yung malamig na simoy ng hangin mula sa labas kasi September na.
"Darating din kasi 'yung araw na maghihiwalay kami. Pag nagkaro'n ako ng trabaho at sariling pamilya e baka mawalan na ako ng oras sa kanila. Lagi akong nababahala dati ro'n kasi wala takaga sa mga balak n'ya 'yung kumilala ng iba. Ayoko namang iwan s'ya mag isa." Pagtutuloy n'ya.
Huminto kami sa parang balkonahe ng sm. Tanaw na tanaw mula rito 'yung view ng night city. Nagtataasang mga building, maingay na mga sasakyan, mga ilaw na napakarami. Damang dama rin dito 'yung maginaw na hangin.
Idinantay ko 'yung mga kamay ko sa railings. Gano'n din si Rune.
"Actually sinubukan kong ipush s'yang makipag date. Dinala ko s'ya sa iba't ibang lugar na may maraming babae. Kung sino sino na ring inilapit ko sa kan'ya." Napatingin ako kay Rune. "Pero wala talaga, tsaka 'yon pa isang pinag ugatan ng away namin. Pinipilit ko s'ya sa hindi n'ya naman talaga gusto. Pati parents n'ya nababahala na baka tumanda s'yang mag isa, lalo't mag isa lang s'yang anak nila tita."
Marahan lang akong nakikinig.
"Kaya nu'ng dumating ka Gwyn." Binalingan n'ya ako ng tingin. "Gumaan 'yung pakiramdam ko. Unti unting nagbabago si Ascen. Hindi ko alam kung anong nangyari sa tadhana n'ya at bigla kang dumating." Nakangiting sabi ni Rune. "Hindi ko rin hawak 'yung tadhana n'yong dalawa, pero may tiwala ako sa mga mangyayari."
Gusto kong maluha. Hindi ko talaga alam kung bakit gano'n nalang 'yung epekto sa akin ng mga nalalaman ko tungkol kay Ascen. Hindi ko alam bakit nagiging interesado ako sa kan'ya.
Gusto kong mahanap 'yung sagot.
"May isa akong hiling sayo Gwyn." Binalik n'ya sa view 'yung tingin n'ya.
"Ano 'yon?" Tanong ko.
"Gusto kong wag mong iwan si Ascen." Diretsong sagot ni Rune tsaka tumingin ulit sa akin. "Gusto ko ring maging komportale ka sa kan'ya kasi nakikita kong ikaw dahilan ng improvements n'ya. Wala s'yang pake sa iba kaya may dahilan bakit napapalapit loob n'ya sayo. Hindi ko alam kung ano 'yon, pero kahit na, gusto kong magpatuloy lang 'yon hanggang sa maging malaya na s'ya sa pagsabi ng mga nararamdaman n'ya."
Biglang humangin ng malakas dahilan para mas ginawin ako.
"Tsaka Gwyn, hayaan mo ring bantayan at protektahan kita." Nginitian n'ya ako ulit. "Kaibigan mo na rin ako at gagawin ko lahat para hindi mawala 'yung tanging makakapagpabago kay Ascen."
Nakatitig lang ako sa kan'ya.
"Gusto kong mangako ka sa akin Gwyn."
Nginitian ko s'ya pabalik. "Pangako."
Mas sumigla 'yung mukha n'ya. "Kung gano'n, may naisip ka na bang gift kay Ascen?" Tanong n'ya.
Napakamot naman ako sa ulo ko. "Ayon lang, wala pa. Hindi ko naman alam anong hilig ni Ascen bukod sa computer e." Sagot ko. "Ikaw ba?"
Umiling s'ya. "Problema ko na rin 'yan dati pa. Pero mas madalas kasi gumagala nalang kaming dalawa, either sa abroad o kahit anong parte ng pinas."
Grabe naman. Gan'to ba bonding ng mga mayayaman?
"Since may pasok bukas, baka hindi kami makakagala, hindi rin pweding ipasabado o linggo. Pero depende." Sabi n'ya.
"Anong depende?" Takang tanong ko.
"Darating parents n'ya, galing abroad." Sagot ni Rune. "Baka ro'n lang sila magcecelbrate sa bahay nila, o pwede ring mag aya sila sa labas."
Napatango naman ako.
"Dapat 'yung ireregalo muna natin 'yung isipin ngayon." Napatawa s'ya. "Lahat naman kasi kayang bilhin ni Ascen e, kaya ang hirap mag decide." Sabi n'ya.
"Pero iba parin pag gift, kaya dapat nakabase ka sa kung anong tingin mo e magugustuhan n'ya. Wala rin sa worth 'yan." Sabi ko.
Nginitian n'ya ako. "Tama ka d'yan." Sang ayon n'ya. "Tara."
BINABASA MO ANG
HACKED: CODE X
Mystery / Thriller"She lived through screens and silence, until one call, one message, turned her world into chaos, forcing her to feel, trust, and face the darkness she'd long ignored." Story Title: HACKED Genre: Mystery - Thriller Status: COMPLETED Chapters: 100
