CHAPTER 21: COMFORT ROOM CRIME II

98 12 0
                                        

"I'm Sarah, ex girlfriend ako ni Philip. Pero kasama ko kanina s'ya sa library kasi binalik ko 'yung binigay n'yang hoodie sa akin nu'ng kami pa. Umalis na rin ako agad do'n pagkatapos kong ibigay 'yon." Pinahid n'ya 'yung mga luha n'ya. "Kakahiwalay palang namin nu'ng nakaraan, s'ya nakipaghiwalay sa akin pero wala akong galit sa kan'ya at hinding hindi ko magagawang gawin sa kan'ya 'yon." Paliwanag n'ya.

Marahan lang kaming nakikinig lahat dito parin sa labas ng comfort room. Isa isa na ring hinihingi 'yung mga statements ng mga naiwan dito.

"How about you? Saan mo huling nakita at nakasama si Philip?" Tanong nu'ng pulis.

"Kaibigan n'ya po ako, huli po kaming nagkasama sa school canteen. Pero may usapan na po kasi kaming maghihiwalay kami pagkatapos mag miryenda." Panimula n'ya. "Dumiretso po akong court kasi nag try out po ako, tapos s'ya naman po e du'n nga sa library. Nabanggit n'ya rin pong kasama n'yang pupunta ro'n si Dave." Dugtong n'ya.

Tumango tango 'yung pulis habang sinusulat 'yung mga isinasalaysay nila.

"Ikaw si Dave diba?" Tumango 'yung katabi nu'ng Sarah. "Ano namang statement mo?"

"Group mate po ako ni Philip, at tama si Chad na kasama ko si Philip pumuntang library. Nu'ng mga time na kausap n'ya si Sarah e lumayo muna ako sa kanila tsaka naghanap po ng libro para sa personal space, bumalik nalang po ako sa tabi n'ya nung nakaalis na si Sarah." Pagkukwento nu'ng Dave. "Pero habang natagal po kami sa library e pinagawa n'ya po sa akin 'yung part ng activity namin na s'ya dapat gagawa kasi may importante raw s'yang gagawin. Eh 11 na po kasi namin 'yun ipapasa kaya kahit hindi ko pa po tapos 'yung part ko e tinanggap ko nalang po 'yung kanya para matapos na.

Pansin ko rin pong bigla bigla s'yang nanginginig at natataranta nu'ng mga time pagtapos n'yang ibilin sa akin 'yung part n'ya. Tapos nu'ng pinagpapawisan na s'ya ng malamig bigla s'yang nagpaalam sa akin na magc-cr daw muna saglit, iniwan n'ya na po 'yung laptop n'ya ro'n sa library. Tapos ayon po, nagtataka na rin ako bakit ang tagal n'ya na bago bumalik." Dugtong n'ya. "Malabo rin pong magawa ko 'yun sa kan'ya kasi hindi po ako umalis sa library hanggang sa malaman kong may nangyari na pong masama sa kan'ya."

Tumango tango ulit 'yung pulis. Tsaka sunod namang lumipat sa kinalalagyan naming tatlo nila Kian.

"Sino unang nakakita sa inyong tatlo? At anong sadya n'yo ron?" Tanong ng pulis.

Nagtaas ng kanang kamay si Kian. "Magbabanyo po sana ako nu'ng mga time na 'yon, at dito po kami madalas nagamit ng cr na mga 2nd year hindi sa cr du'n sa school building namin kasi occupied na po ng una hanggang ika tatlong palapag 'yon." Panimula n'ya. "Pero saktong pagpasok ko po sa loob nakita ko na po s'yang walang malay, sinubukan ko pa pong gisingin no'n, pero nu'ng chineck ko po 'yung pulso wala na talaga. Nag umpisa na po akong mataranta ro'n kaya hindi na po ako nakagamit ng banyo at bumalik nalang sa room namin." Halata parin 'yung kaba ni Kian ngayon.

"Pagkarating ko po sa taas, nabanggit ko po rito kay Gwyn na may nakita ako rito sa banyo, pero hindi ko na nasabi kung ano kaya dali dali na po s'yang lumabas." Dagdag n'ya.

I cleared my throat. "Nagulat po ako nu'ng makita ko po kung anong lagay ni Kian pagkabalik n'ya sa tabi ko. His sweat was dripping at that time, kaya naging curious po ako about what happened. He said he saw something but couldn't tell what it was, kaya napagpasyahan ko pong ako na mismo 'yung titingin kung ano 'yon. But before I could reach the restroom, I also encountered a guy who had just come out, and both Kian and he, had the same reaction." Huminga akong malalim. "I asked him what was inside, and he answered. Pero hindi pa ako satisfied, so I went inside pero hindi malayo sa pinto, to check if what he said was true. At ayon, napatunayan ko rin pong totoo nga." They listened to me attentively, including Ascen and Rune. "Then as I came out, the professors and other students were already approaching." Patapos kong sabi.

"'Yung dahilan ko po e same lang kay Kian, gagamit din po sana ako ng cr pero nadatnan ko po 'yung bangkay kaya hindi na po ako nakagamit." Sabi nu'ng lalaking nakita ko kanina na palabas ng cr.

"Sure ba kayong kayo lang 'yung huling kasama ng victim? Wala ba kayong alam na nakaaway n'ya sa mga kaklase n'yo?" Tanong nu'ng pulis kina Sarah.

Umiling silang tatlo. "Mabait po si Phil kaya malabong masangkot sa gulo 'yan, pero kung may kaaway po s'ya wala na po kaming alam d'yan kasi wala rin naman s'yang nababanggit sa amin." Sabi nu'ng Chad.

"Kung gano'n iinterbyuhin pa namin lahat ng mga kaklase n'yo. 'Yung ibang witnesses pwede na kayong bumalik sa mga rooms n'yo pero papatawagin pa namin kayo kapag kailangan na." Sabi nu'ng pulis.

Bago pa kami umalis ay inapproach kami nu'ng isa sa mga prof namin sa com sci.

"I'll tell other faculty staffs to dismiss the classes this afternoon so you can go home safely except sa mga kaklase ng victim. And the witnesses, give me your contact details."

Lumapit naman kaming tatlo sa kan'ya tsaka binigay 'yung mga simcard numbers namin.

Pagkatapos ay nagsialisan na silang lahat. Naiwan 'yung mga ilan pang pulis sa crime scene para imbestigahan pa 'yung bangkay bago alisin.

"You okay?" Rune asked.

Tumango ako.

"Hindi ka naman na trauma?" Tanong n'ya ulit.

"No."

"You two should go first at Xanthe, i-angkas mo na si Gwyn." Ascen said.

"Where you going?" Rune asked.

"Don't ask, just go para makapagpahinga si Gwyn. Susunod nalang ako." Seryosong sagot n'ya tsaka umalis na.

Naiwan kaming dalawa rito ni Rune.

"Get your things Gwyn, wait mo nalang ako sa gate kung mauuna ka." Bilin ni Rune.

"Okay."

HACKED: CODE XTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon