Pagkabalik ko sa silid ko ay agad akong naupo sa harap ng pc. Pakiramdam ko masisiraan na ako ng bait. Sumasama rin pakiramdam ko, alam ko nag alala lang sila pero nagagawa ko pang sumagot. Pero bakit kasi hindi rin sila makampante, parang ayaw pa nilang maniwalang ligtas ako. Sa ngayon.
Huminga akong malalim bago bumalik sa ginagawa ko.
43419879478940849829402945029890
65537
Napatitig ulit ako sa mga numbers na tinype ko sa notes ng pc ko.
Dami, nakakainis.
Paano ko 'to iso-solve ngayon? Hindi ko makuha 'yung sagot nu'ng una kong sinolve.
Kinuha ko 'yung phone ko sa mesa tsaka dinial 'yung number ni Rune na agad n'ya ring sinagot.
On call....
Hi Gwyn, good eve, ano 'yon?
Good eve din Rune, sorry for disturbing you. Pwede mo ba akong gawan ng favor?
Sure, ano 'yon? Tsaka hindi ka nakakaabala by the way.
Pwede ka bang pumunta ngayon do'n sa silid kung nasaan tayo madalas nila Ascen?
I'm already here by the way, ginagamit ko 'yung laptop at sinisecure 'yung footages.
Kung gano'n pwede mo bang buksan 'yung ginagamit na computer ni Ascen? Tapos buksan 'yung file na kinuha n'ya sa laptop ni Philip? I mean subukan mo lang i-type 'yung sasabihin kong mga numbers.
Sure Wait.
Take your time.
Sana nga lang gumana 'to, kahit alam kong mali 'yung na-compute ko. Basta sinundan ko 'yung steps sa internet.
You can tell me the numbers now Gwyn.
Okay listen.
6-2-6-3-8-2-9-2-6-3-6-3
6-2-6-3-8-2-9-2-6-3-6-3
Please, Please, Please, Please....
It says error Gwyn, sorry.
Okay lang, thanks, and pwede mo nang ibaba 'yung call and continue what you're doing.
I can help you with the decryption by the way, kung matapos ko ginagawa ko agad.
No, no need Rune. Let me do my best first.
Aight, got it. Basta pag nahihirapan ka you can ask for my help, kahit wala akong masyadong alam sa encryption na 'to, I don't even know what kind of algorithm is this.
It's RSA, but Philip used a very complex one. And alam kong kung si Ascen 'to masosolve n'ya agad.
I agree with that, mas magaling s'ya kaysa sa akin. Pero I'll try helping kapag nahihirapan ka na, just tell me.
BINABASA MO ANG
HACKED: CODE X
غموض / إثارة"She lived through screens and silence, until one call, one message, turned her world into chaos, forcing her to feel, trust, and face the darkness she'd long ignored." Story Title: HACKED Genre: Mystery - Thriller Status: COMPLETED Chapters: 100
