CHAPTER 33: DRUG

92 11 0
                                        

"Nakakainis 'yung guro na 'yon, paepal." Pikon na sabi ni Rune.

Kasalukuyan kaming nasa computer shop nila Ascen kasama si sir Xen.

"Pero ang ipinagtataka ko talaga e bakit hindi nagtaka 'yung si sir Lenard na may mali sa kinopya n'yang footage." Sabi naman ni sir Xen.

"May kutob akong kasama s'ya sa crime e." Sabi ni Rune. "Wala lang akong alam na way kung paano s'ya ilulure." Dagdag pa n'ya.

Pero kung sangkot nga si sir Lenard sa kaso, ano namang dahilan n'ya? Bakit n'ya naman gugustuhing pumatay ng estudyante? Kagalit n'ya rin ba 'yon? Nireport ba s'ya? Bakit?

"Problemahin muna natin ngayon kung paano mapapalaya si Ascen." Nababahalang sabi ni sir Xen.

"Nag aalala na rin ako sa kan'ya." Sabi ni Rune. "Pero hindi naman pweding makialam tayo sa case nila, hindi naman natin pweding puntahan 'yung crime scene."

"Actually may idea ako sa kung paano s'ya pinatay."

Napatingin kami kay sir Xen.

"Ano?" Interesadong tanong ni Rune.

"Hindi lang dahil sa strangulation kaya namatay 'yung victim. Hindi rin s'ya sinakal agad pagkarating n'ya sa cr." Panimula ni sir Xen. "Pagkarating n'ya ron maaaring nag usap sila saglit, tapos nu'ng hindi siguro tumupad 'yung killer sa usapan nila e biglang nanlaban si Philip. Tapos ang sumunod na nangyari, bigla s'yang tinurukan sa leeg ng syringe."

"Syringe? Tsaka paano ka nakakasigurado?" Tanong ni Rune.

"Nilapitan ko 'yung bangkay kahapon nu'ng hindi pa naakusahan si Ascen, pero with consent ng mga pulis. Nakita kong may injection mark sa leeg n'ya, maliit 'yon kaya hindi talaga agad makikita kasi wala ring bahid ng dugo." Sagot ni sir Xen. "Chineck ko na agad 'yung basurahan sa labas ng cr. Tsaka ko 'to nakita."

Napalaki 'yung mga mata ko sa inilabas ni sir Xen. Isang Ziplock. May laman itong syringe na wala na ngang needle.

"Hindi naman siguro basta basta nalang magkakaro'n neto sa basurahan diba?"

Tinanguan namin si sir Xen.

"Pero ano namang tinurok sa kan'ya?" Tanong ni Rune.

"Midazolam." Sagot ni sir Xen.

"Midazolam? Tsaka paano mo natukoy?" Tanong ulit ni Rune.

"I studied forensic science before, and sapat na 'yung mga apparatus sa bahay para matukoy ko kung anong drug 'yung nilalaman ng syringe na 'to."

"Pero anong drug 'yon?" Takang tanong ko.

"It's commonly used in medical and clinical settings for various purposes. Bahagi s'ya sa family ng psychoactive drugs, 'yung mga sedatives." Sagot ni sir Xen. "Typically 15 minutes bago umipekto 'yung drug. Pero nagvavary s'ya sa kung paano natake. And sa case ni Philip, maaaring tumama sa ugat n'ya sa leeg 'yung needle kaya umipekto agad 'yung drug sa kan'ya dahilan para masiraan s'ya ng ulo. Tapos tsaka s'ya sinakal gamit 'yung cable." Dagdag na pagpapaliwanag n'ya.

Pinagsink in muna namin lahat ng sinabi n'ya sa mga utak namin.

"Basta basta ba nabibili 'yung drug na 'yon?" Tanong ni Rune.

"No, it's a drug Rune. Kahit ginagamit s'ya sa hospital for memory loss or even for anxieties e may mga side effects parin s'ya lalo't marahas na tinurok kay Philip 'yung syringe."

"Edi saan naman kinuha ng killer 'yung drug?"

"Kung may alam sa hacking 'yung suspect, maaaring ginagamit n'ya rin 'yon hindi lang sa surface web. Dalawa lang 'yung possibleng sagot, pweding nakipag deal s'ya sa ibang mga drug dealers dito o hindi naman kaya bumili mismo sa mga underground or black markets, sa deep web."

Mas lalo kong naintindihan lahat ng sinabi n'ya. Tama s'yang maaaring sa madilim na bahagi ng internet kumuha ng drugs 'yung suspect.

Napasandal si Rune sa sofa. "Well, that's why." He said. "Pero paano mo nalaman? Nabibilib ako sa ginawa mo." Takang tanong n'ya kay sir Xen.

"My step father is a police. Isang rason ba't ako nandito e kasi pinalayas n'ya ako sa bahay nu'ng pinakealaman ko 'yung isang kaso na iniimbistigahan n'ya, hindi sa masamang paraan, kung hindi ako mismo nag solve." Sagot n'ya. "May hilig kasi ako sa mga crime solving."

Naalala ko naman 'yung sinabi ni kuya sa akin nu'ng pinag uusapan namin s'ya. At totoo ngang may nasolve s'yang kaso ro'n sa lugar nila bago s'ya napadpad dito. Nalaman ko na ring step father n'ya 'yung pulis.

"Eh bakit hindi mo kinuha 'yung field na 'yon?"  Tanong ni Rune.

"Mas nauna kong natuklasan 'yung skills ko sa hacking kesa sa pag solve ng crime." Sagot ulit ni sir Xen. "Sa kaso ni Philip, konti lang ambag nu'ng natuklasan ko kasi wala parin tayong kilala na pweding gumawa no'n sa kan'ya."

Tama s'ya, wala rin kasing CCTV sa cr kahit na sa labas man lang. Hindi rin naman pweding i-check 'yung CCTV sa gate kasi libo 'yung bilang ng mga nag aaral sa uni namin aabutin sila ng siyam siyam kung iisa isahin pa nila 'yung mga estudyante.

Bigla naman akong napapikit kasi kumirot 'yung likod na bahagi ng ulo ko.

Wala pa nga pala akong maayos na tulog.

Hindi pa ako kumain. Maga alas dos na rin.

"You okay Gwyn?"

Napatingin ako kay Rune. "Ah oo, thanks." Sagot ko.

Pero hindi. Gusto ko nang mahiga at matulog.

"Pungay ng mga mata mo e, tsaka ang putla mo rin." Pansin n'ya.

"Baka naman hindi ka pa nag lunch?" Tanong din ni sir Xen.

"Hindi pa, pero okay lang ako—"

Biglang tumayo si Rune. "Maiwan ka muna rito kasama si Xen, oorder lang ako sa labas." Kinuha n'ya 'yung susi ng motor n'ya.

"Nako Rune pa'no 'yan, may need akong gawin ngayon, baka nakakalimutan mong guro ako." Sabi naman ni sir Xen.

Napatingin sa akin si Rune. "Kaya mo bang mag isa rito? Baka kasi mapano ka, walang makakakita sayo." May bahid ng pag aalala 'yung boses n'ya.

"Sa labas nalang ako kakain, tsaka para hindi na kita maabala pa. Tsaka pwede na rin naman akong umuwi na." Sabi ko tsaka tumayo.

"Mainit sa labas Gwyn, kumain ka muna saglit, baka mapano ka habang naglalakad." Sabi n'ya.

Tumango nalang ako.

Tumayo na rin si sir Xen tsaka sumunod sa paglalakad pababa ng second floor at tsaka lumabas ng computer shop.

HACKED: CODE XTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon