NAALIMPUNGATAN ako dahil sa sobrang ginaw.
Parang ang naninibago rin ako sa kinahihigaan ko ngayon, at sa paligid. Kahit na hindi ko pa masyado naimumulat 'yung mga mata ko—wait.
Agad akong napabangon.
"Rune?" Bulalas ko.
Napababa s'ya ng hawak n'yang phone tsaka binalingan ako ng atensyon. "Gising ka na pala."
Kinakabahan akong napatingin sa relo ko. 7:30 pm. Lagot.
"Nasaan 'yung phone ko?" Tanong ko.
"Sa ibabaw ng kabinet sa likod mo." Sagot n'ya. "Kalma ka lang Gwyn, ayos ka lang ba?"
Agad kong kinuha 'yung phone ko. Good thing kabisado ko 'yung number ni mama. Pero sana, sana hindi sila nag aalala ng sobra ngayon.
"Okay ka lang Gwyn? Kaya mo bang kumalma?" Nababahalang tanong ni Rune.
"Yari ako kina mama Rune, nag aalala na 'yon sa akin ngayon sigurado ako." Kinakabahang sagot ko.
Lalo si kuya, baka kung saan saan na napapadpad 'yon para hanapin ako. Alam ko ring nag aalala na talaga sila ng sobra lalo't may namatay sa school namin neto lang.
Hindi ko naman kasi namamalayang nakatulog na pala ako, dapat talaga mas nag focus ako sa pag decipher nu'ng ciphertext kanina para hindi nakatulog bigla e.
"May maitutulong ba ako?" Tanong n'ya. "What if tawagan mo sila tapos sabihin mong nasa bahay ka ng kaklase mo kasi may ginagawa kayong group activity at need na tapusin agad? Tapos ibigay mo sa akin para kunwari ako 'yung groupmate mo." He suggested.
"Mas lalo akong mayayari pag nalamang bahay ng lalake 'yung tinuluyan ko at agad akong susugurin ni kuya rito." Tarantang sabi ko.
Napatayo naman si Rune, halatang nababahala na rin. "Wait, wag ka munang tatawag, babalik din ako agad." Sabi n'ya tsaka lumabas ng silid.
Iche-check ko sana 'yung message list ko tsaka internet kaso narealize ko rin na bagong simcard nga lang pala 'to at nawala rin 'yung mga social media accounts ko na s'yang kadalasan nilang pinagsesendan ng chats kapag hinahanap nila ako.
Ba naman 'yan.
Nakarinig ako ng mga yabag ng paa na paparating sa kinalalagyan kong silid. Bumungad naman si Rune kasama ang isang babae na nakabihis pang katulong.
"Eto Gwyn, pwede mong sa kan'ya ipakausap mama mo. I already told her what to do." Rune said.
Agad ko namang tinype 'yung number ni mama tsaka dinial 'yon. At maya't maya pa ay may sumagot.
On call.....
Hellow ma?
Gwyn! Salamat naman at tumawag ka na. Alam mo bang kanina pa kami nag alala ng papa mo? Saan ka ba nagsususuot at hindi ka pa nakakauwi?
Mababakas ko 'yung sobrang pag aalala sa boses ni mama. Kinokonsensya nanaman ako.
Sorry ma, hindi ko agad nasabi na hindi ako makakauwi ngayon. May biglaan kasi kaming output na kailangang by partner gawin at bukas na ipre-present. Nalowbat din kasi phone ko kanina ma, pasensya na. Nasa bahay din ako ng kaklase ko.
Dapat naman nagsabi ka agad anak. Hindi 'yung basta bsta ka nalang tumutuloy sa bahay ng iba. Tsaka malayo ba 'yan? Sino 'yan? Babae ba?
BINABASA MO ANG
HACKED: CODE X
Mistério / Suspense"She lived through screens and silence, until one call, one message, turned her world into chaos, forcing her to feel, trust, and face the darkness she'd long ignored." Story Title: HACKED Genre: Mystery - Thriller Status: COMPLETED Chapters: 100
