CHAPTER 72: HQ

39 9 0
                                    

Ilang araw na 'yung nakakalipas.

Friday na ngayon. Ilang araw na rin akong hindi pumapasok kasi hindi pa ako nakaka recover sa nangyari, tho okay na talaga ako at pwede nang pumasok. Tsaka aware naman 'yung mga prof namin kaya okay lang, tutulungan nalang daw nila akong makahabol sa mga subjects namin which is good. Hindi rin naman ako papayag na mahuli ako e.

"Kaya mo na ba talagang magkikikilos?" Tanong ni mama.

Kasalukuyan kaming nag uumagahan ngayon dito sa kusina.

Naikwento na rin namin lahat sa kanila 'yung nangyari. Iniyakan pa nga ako ni mama. Tapos sobra silang nagpapasalamat kina Ascen. Nu'ng araw na 'yon n'ya rin nameet parents ko. Walang pinagkaiba sa araw na nameet ko parents n'ya kasi pareho silang iniyakan kami pareho sa kung gaano kami kaswerte sa isa't isa. Nahihiya nga ako sa mga sinabi ni mama, pero at the same time natutuwa kasi sa wakas, alam na nila kung saan ako komportale at hindi nila ako kinokontra ro'n.

Wala naman akong nababalitan na kinasuhan nila 'yung school namin pero nakarating sa akin na sinisi talaga ng mga parents nung mga namatay 'yung profs namin at 'yung buong school. Actually pati si mama at papa, tsaka si kuya nagalit sa nangyari. Balak din nilang sugurin 'yung mga profs namin pero pinigilan ko kasi okay naman ako ngayon.

"Hoy Gwyn, kinakausap ka ni mama."

Nabalik ako sa huwisyo. "Ah opo ma, okay na." Sagot ko. "Tsaka hindi naman ako magkikikilos do'n." Sabi ko.

May napagusapan kasi kami ngayon nila Ascen na magkikita kami sa bahay nila Rune. Tsaka sinabi ko rin kasing marami akong gustong sabihin sa kanilang dalawa.

"Alam ko namang safe ka sa mga kaibigan mo nak, pero baka kasi makaabala ka sa kanila kapag may sumakit nanaman sayo." Nababahalang sabi ni mama.

Isa ring dahilan ba't hindi pa ako pumapasok e bigla bigla nalang ako nagco-collapse. Hindi ko alam kung ano nang dahilan nito. Siguro dahil sa nabigla talaga sa nangyari last week kaya naninibago 'yung katawan ko. Natatakot din ako na it's something serious, pero sana naman hindi.

"Hindi ma, okay na nga ako e."

Tsaka mag lilimang araw na na hindi ko sila nakikita. Nababagot na ako rito sa bahay at puro higa at laro nalang ginagawa ko. Kung dati mas matutuwa pa ako sa gano'ng set-up pero ngayon hindi na. Parang hinahanap hanap na ng siste ko 'yung buhay ko sa labas. Tho may specific place at persons na dapat kasama ro'n. Sina Ascen at Rune.

"Basta mag ingat ka ro'n ha." Bilin ni mama.

Tumango ako. "Tapos na po akong kumain, akyat lang ako tas alis na rin. Nasa labas na si Rune e." Sabi ko.

Hindi ko na sila hinintay pang sumagot at umakyat na sa taas at dumiretso sa banyo para gawin 'yung mga dapat kong gawin. Bago pumunta sa kwarto ko at nag ayos. Dumiretso na rin ako sa baba palabas ng bahay, tungo sa gate kung saan naro'n na nga si Rune.

"Miss you Gwyn." Bungad ni Rune.

Inirapan ko s'ya pagkasara ko ng gate. "Hindi kita miss."

Napatawa s'ya. "Mean."

Lumapit ako sa kan'ya. "Ba't kaya hindi mo nalang ako turuan paano ikabit 'yan." Sabi ko sa kan'ya habang kinakabit n'ya 'yung helmet sa akin.

"Hindi pwede, mas okay na ako na nagsusuot sayo." Sabi n'ya.

Sige sabi mo 'yan e.

"Sakay na, nag iintay na ro'n si Ascen."

Agad naman akong umangkas sa motor n'ya at tsaka n'ya iniandar paalis.

Kahit magdadalawang weeks palang na hindi ako nakakapunta sa bahay nila Rune kasama silang dalawa ni Ascen e nasasabik na ako agad. Nakakamiss din kasi 'yung pakiramdam na naro'n kami at magkakasamang tatlo. Sa maikling span din ng days e marami na agad kaming memories na nagawa ro'n.

October na rin. Nag umpisa na 'yung second month ng school year na 'to. Kaso wala namang bago, sinalubong ko lang 'yung buwan na puro pasa at sugat sa katawan. And at the same time, may mga bagong kaibigan.

"Una ka na sa taas?" Tumango ako. "Sige sige."

Tuluyan na akong pumasok sa bahay nila Rune at umakyat sa taas tungo sa ikatlong silid.

Hindi na ako kumatok pa at agad nang pumasok.

"Hi—oh."

He's sleeping.

Dahan dahan akong naglakad papunta sa sofa na nasa harap ng hinihigaan n'yang sofa rin. 9 am palang. Wala silang pasok ngayon, baka sobrang napuyat s'ya kaya nahimbing ngayon.

Marahan lang akong nakatitig sa kan'ya. Pamilyar na ako sa face features n'ya. Nu'ng gabing magkasama kami sa roof top ng bahay nila. Mas malapit ko pang natitigan no'n. Pero kahit na may kalayuan ngayon, ibang iba naman kasi tulog s'ya. Sobrang amo ng mukha n'ya. Mahahalata mo talagang mabait. Pogi rin. Kahit plain white tshirt lang 'yung suot.

"Aye—oh."

Napa 'shhh' ako sa biglang pagpasok ni Rune.

Dahan dahan n'ya namang sinara 'yung pinto tsaka tahimik na naglakad papunta sa sofang nasa tabi ko.

"Ilang gabi na 'yan nandito, pero hindi natutulog, paidlip idlip lang." Mahinang sabi ni Rune. "Nu'ng una ayaw ako sagutin bakit ayaw n'ya pang matulog, pero kagabi sabi n'ya hindi raw s'ya mapakali kasi ilang araw ka n'yang hindi nakikita."

Bumilis 'yung tibok ng puso ko sa sinabi n'ya.

"Wag mo 'kong niloloko Rune." Mahinang sabi ko rin.

Sumandal s'ya sa inuupuan n'ya. "Hindi ako nagbibiro Gwyn, natutuwa nga ako nu'ng sinabi n'ya 'yon." Sabi n'ya. "Ilang gabi na s'yang puyat dahil sayo, kaya mas maigi kung bumawi ka ngayon."

Napatitig lang ako kay Ascen. 'Yon ba talaga dahilan? Bakit? Hinahanap n'ya ba talaga ako at gusto makita? Kaya pala nu'ng mga nakaraang araw bigla s'yang nagmemessage sa akin na parang may kailangan tapos kapag itatanong ko kung ano 'yon e babawiin n'ya rin at sasabihing wala.

Pero hanggang ngayon, hindi ko parin matukoy kung anong nararamdaman ko, gusto kong alamin kung ano pero hindi ko alam kung paano. Hindi ako pamilyar sa mga bagong emosyon, kaya hindi ko rin alam kung paano ihahandle 'to. And at the same time, thankful din ako na nararamdaman ko 'to. Napaka comfortable.

HACKED: CODE XTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon