CHAPTER 91: H.A.S "BOMBS"

60 10 0
                                        

"Hey Gwyn, don't worry, we'll finish this with us being safe. Don't worry, please calm yourself and stay there, listen to me." Ascen said.

Pinahid ko 'yung mga luha ko.

"Wag kang gan'yan Gwyn, mahihirapan kami kapag masyado kang nag aalala sa amin. Magtiwala ka lang okay? Kaya namin 'to." Sabi pa ni Rune.

Tinigil ko pag hikbi ko. "Pasensya na, pero oo, malaki tiwala ko sa inyo. Ayoko lang na mapano kayo habang nandito ako at walang ginagawa." Sabi ko naman.

"Magiging safe kami, kahit anong mangyari. So stay there."

"Sige, mag iingat kayo."

"We will, you too."

Damn you guys, I'm safe.

Pinahid ko ulit 'yung mga luha ko tsaka inayos 'yung pagkakaupo sa lupa. Pinatay ko rin 'yung flashlight ko. Tsaka pinakiramdaman 'yung paligid. Sana walang makakita sa akin dito. Ayokong mapunta lahat sa wala.

Hindi parin talaga nawawala 'yung takot ko kahit ilang beses na sinabi nila Ascen na magiging okay din ang lahat. Ayokong pakasigurado ngayon, hindi namin hawak ang mga mangyayari. Pero sana naman talaga umayon ang lahat sa ayos. Sana hindi mapano 'yung dalawa. Natatakot ako.

Kung kailan nababago na 'yung buhay ko tsaka 'to mangyayari. Bakit gano'n? Kailangan ba munang humarap ako sa ilang beses na panganin bago ko maranasan 'yung pagiging masaya? O hindi naman kaya kapag sumaya saglit may kapalit agad na ganito. Nakakasura na.

For some reason napakaginaw dito sa baba, imbes na mainitan ako kasi walang kahit anong pinagmumulan ng hangin dito. Nakak suffocate din. Pero mas okay na 'to, kesa makita ako sa labas, takot akong mamatay. Lalo alam kong may mga maiiwan ako ngayon—

Nagitla ako dahil sa biglang pagsabog mula sa hindi kalayuan.

T*ngina.

Senyales 'yon na may nakita na at hindi nasolve 'yung puzzle. May buhay nanaman na nalagas. Napakasama ng prof na 'yon, wala man lang sinasanto. Pati mga inosenteng tao dinadamay.

"Now this explains the bomb in that camp."

Napakunot 'yung noo ko sa sinabi ni Ascen.

"'Yung dahilan kung bakit nag away 'yung dalawang namatay do'n. Kung bakit lahat ng nilagay n'yang pangalan sa box na galing sa computer science e gumagana para mabuksan 'yon." Dagdag ni Ascen.

Tama s'ya. Kaya pala mero'n 'yon do'n. Naka plano na pala talaga lahat para rito. Kaya pala hindi nabubuksan 'yon kapag pangalan ng taga ibang department 'yung nilagay. Kami pala talagang mga nasa computer science 'yung puntirya.

"What a jerk, so hindi lang talaga tayong tatlo puntirya ng gagong 'yon. Buong computer science pala." Sabi naman ni Rune. "Ano naman kayang dahilan no'n."

Wala rin akong ideya. Hindi ko nga naisip na mangyayari 'to sa amin. Hindi ko naisip na hindi lang kami 'yung mapapahamak at pati 'yung iba.

"Siguro nagrerevenge lang s'ya, pero hindi ako sure kung saan." Sabi ni Ascen.

Pwede rin. Baka may hindi s'ya nakuha o may gusto s'yang hindi natupad na may kinalaman sa course namin. Baka binalak n'ya dating maging dean or what pero hindi nga s'ya ginawang gano'n. Pero, bakit sa aming mga estudyante pa nabawi?

Napapikit ako nu'ng may sumabog ulit pero mas malayo na kumpara kanina.

"Wala bang mga pulis? T*ngina naman." Rune cursed.

"Marami nang mga pulis sa labas, probably may nakatawag. Nasa malapit ako sa auditorium, at dinig na dinig ko pinagsasasabi nung Lenard. Papasabugin n'ya raw buong uni pag kumilos 'yung mga pulis." Sabi ni Ascen.

"Well fvck."

Malapit lang si Ascen sa auditorium. Saan naman s'ya banda nagtatago ro'n? Paano kung makita s'ya? Nababahala ako.

"Rune where are you?" Tanong ni Ascen.

"Rooftop, ccs building 1. Nilock ko 'yung pinto." Sagot ni Ascen.

"Smartass."

Naisip ko rin na pwede namang magtago sa loob ng classrooms tapos ilock 'yon, pero baka kasi may dala dala silang susi o kung anong lockpick para mabuksan 'yon.

"Paano kung marahas nilang buksan 'yan?" Nababahalang tanong ko.

"Don't worry Gwyn, pansamantala lang naman 'to. Mas okay na rin na mahanap kaming dalawa ni Ascen para mas mataas 'yung chance na walang mamatay." Sagot ni Rune.

Tama s'ya, talagang need mag sacrifice nu'ng dalawa kasi 'yung estudyanteng makakahanap sa kanila ay maliligtas na agad. Tsaka mas may alam din sila sa pag solve ng kahit anong encryption.

"Hey Rune."

"Yep?"

Ilang segundong katahimikan ang pumailanlang sa aming tatlo.

"Don't let others see you." Ascen said.

Kumunot 'yung noo ko.

"And why?" Rune asked.

"Do you have your phone or any device with you that you can use in hacking?" Ascen asked.

"Well I do have my laptop—"

"Can you trace all the bombs inside this school?" Diretsong tanong ni Ascen.

"Well...I can—"

"Hack all of it and defuse them." Agarang putol ni Ascen kay Rune.

"What about you?" Rune asked.

"Ako na bahala sa pagsagot sa ibang puzzles while you make your part." Sagot ni Ascen.

Kinabahan ako sa sinabi n'ya.

"No, tsaka kaya kong pagsabayin 'yung pag defuse tsaka pag solve ng puzzle." Sabi ni Rune.

"Mas maraming oras ang kailangang ilaan sa pag diffuse ng bombs Rune, mahihirapan ka lang kapag ipipilit mo gusto mo."

"Ayokong ikaw lang kumilos d'yan Ascen, napaka delikado at alam mo 'yan."

Mahahalata na rin sa boses ni Rune na nababahala s'ya sa gustong mangyari ni Ascen.

"No, I will not let you. Just stay there and turn off all the bombs—"

Natigil 'yung pananalita ni Ascen dahil sa biglang pag sabog ng bomba.

"Start it Rune." Ascen ordered.

"But Ascen, it's very dangerous doing that alone—"

"Just do it Rune." Patapos na sabi ni Ascen.

"Then be careful." Pasukong sabi ni Rune. "Use the earpiece to ask if you need help in solving." He added.

"Yeah."

"Hindi ba pweding 'yung mga puzzles nalang ihack n'yo?" I suddenly asked.

"I tried a while ago, naka block tayo sa server nila." Sagot ni Ascen. "The bombs are the only thing that we can hack kasi ang nasa ulo nila e hindi natin magagawa 'yon. One wrong move and it'll blow itself." Ascen added.

"He's right Gwyn, and don't worry, kasama sa expertises ko 'yung pag defuse ng bomb. Just need a lot of time and work to spend." Rune assured.

HACKED: CODE XTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon