CHAPTER 73: PUZZLE'S ANSWER

34 8 0
                                    

"Naranasan mo na bang main love Gwyn?"

Napatingin ako kay Rune. "Parang natanong mo na dati 'yan." Sabi ko.

Napatawa s'ya ng marahan. "Hindi pa tayo gano'n kaclose dati kaya baka naiilang ka pang sumagot." Sabi n'ya.

Napatawa rin ako ng mahina. "Walang dahilan para magsinungaling ako sayo kahit hindi pa tayo close." Sabi ko. "'Yung naka relasyon ko before ako nag college e hindi ko dama. Kaya lang naman ako pumatol dati kasi sabi nila mas maganda kapag may katuwang ka, o para raw maranasan ko 'yung highschool love na 'yan. Pero puro problema lang dinulot sa akin dati kaya tinigil ko na." Pagkukwento ko. "Hindi ko pa danas 'yang true love na sinasabi nila." Dagdag ko.

Bumuntong hininga s'ya. "Pero ngayon, wala ka bang nagugustuhan?" Tanong n'ya.

Napaisip ako ng malalim. Tsaka agad ding umiling. "I'm not familiar of the feeling of falling in love again." I said.

Siguro sa mga araw na sumasalubong sa akin kahit sabihin na nating exposed na ako sa outside world, hindi parin ako sure kung mapapasok ako sa isang relasyon. Knowing na takot na akong kumilala pa at nasa ibang bagay nakatutok 'yung atensyon ko. Marami na ring mga bagong nangyari sa akin at alam kong marami pang mangyayari, gusto ko munang pagtuonan ng atensyon 'yung sarili ko bago 'yung iba. Tsaka hindi pa naman huli ang lahat.

"Pero kung sakaling may biglang dumating, na nakakapagpabago talaga sayo, papasok ka ba ulit sa isang relasyon?" Tanong ni Rune.

This time hindi ko alam kung sigurado ako sa isasagot ko sa kan'ya. Nagdadalawang isip ako for some reason. Napatingin ako kay Ascen.

"Hindi ko alam." Sagot ko.

"Well, it's okay. Thanks for answering tho, I'm just curious." He stood up.

Nagulat naman ako nung bigla n'yang malakas na binato ng unan si Ascen dahilan para maalimpungatan ito.

"That's not how you wake up others you idiot." Ascen cursed.

Napatawa lang si Rune. "Hindi ka kasi magigising kapag binaby treatment pa kita." He said.

Tf is baby treatment.

"Baby treatment my ass." Umupo si Ascen habang kinukusot kusot 'yung mga mata n'ya. "Kanina ka pa ba d'yan Gwyn?" Tanong n'ya.

"Ah sakto lang." Sagot ko.

"Sus, nahihiya lang s'yang sabihin 'yung totoo. At oo Ascen kanina pa s'ya rito, pinapanood ka nga naming nahihimbing d'yan e." Sabat ni Rune.

"Shut up." Ascen said. "Sorry for sleeping, I don't have enough sleep yet." He added, swiping his hair aside.

"It's okay." Sabi ko.

"Hindi sapat sorry mo par, pangit pangit mo matulog." Sabi ni Rune.

"Not as ugly as you tho." Ascen said still messing up with his hair.

"Sama ng ugali." Mahinang sabi ni Rune pero sapat na para marinig namin.

"Okay ka na ba Gwyn?"

Napatingin ulit ako kay Ascen. "Ah oo, hindi pa fully recovered pero okay na." Sagot ko.

"Good." He said. "Hindi ka naman ba natrauma or something? Dahil sa mangyari?" Tanong n'ya ulit.

Umiling ako. "Siguro nu'ng mga unang araw oo, natruma ako. Pero ngayon wala na sa akin 'yon. Thanks to you guys." I said.

"No." Ascen said. "Thank you for staying alive."

Hindi ako nakaimik sa sinabi n'ya.

"Siguro kung mamatay ka no'n Gwyn baka hindi ko na makausap pa si Ascen. Baka magkulong nalang 'yan sa bahay nila, hindi na kakain, hindi na papasok." Sabi ni Rune.

Kinunutan ko naman s'ya ng noo. "Wag mo iniexaggerate." Sabi ko.

"That might happen if ever."

Nalipat kay Ascen 'yung tingin ko.

"Told ya." Sabi naman ni Rune.

Ayokong mangyari 'yon. Ayokong dahil sa akin e mabago o lumala 'yung way of living nilang dalawa, o si Ascen mismo.

"Anyways, what do you wanted to talk about Gwyn?"

Nabalik naman ako sa sarili ko. Tsaka naalala 'yung natuklasan ko nu'ng camping namin.

"'Yung last na box na nahanap ko sa forest, hindi ko talaga nakuha 'yung charm na laman no'n pero nabuksan ko 'yung puzzle." Panimula ko. "Lahat ng puzzles na nasa lock ng box e puro riddles or encryptions na need buksan gamit 'yung mga basic algorithms."

Marahan lang silang nakikinig sa akin.

"Nu'ng naghahanap ako ng last box hinihiling ko na sana madali lang 'yung puzzle para makaalis na ako ro'n kasi sobrang pagod na rin ako. Kaya nu'ng nakita kong parang riddle lang ulit 'yung nakalagay sa lock ng box na huling nahanap ko e natuwa ako." Pagkukwento ko. "Pero nu'ng binasa ko 'yon nagbago pakiramdam ko."

"Anong nakalagay?" Tanong ni Rune.

Kinabisado ko 'yon. "It says, "In shadows deep, their actions concealed, A web of darkness, they're known to wield." Tumigil ako saglit par tignan kung may idea na sila sa kung anong pinapahiwatig ng riddle. "Espionage and child trafficking, etcetera they pursue, Their name unknown, their secrets askew. What am I?" Pagtutuloy ko.

"Actually may ideya na ako agad, pero nagdalawang isip din ako kasi baka coincidence lang. Tsaka lahat kasi ng naencounter ko na puzzles e puro related sa computer science. 'Yun lang talaga 'yung kakaiba." Sabi ko pa. "And when I typed Codex, it suddenly opened."

Napasandal si Ascen sa sofa. "Who made the puzzles." He asked.

"The professors that's in the camp." I answered.

"So ibig sabihin isa sa kanila may kinalaman talaga sa Codex?" Tanong ni Rune.

"Naisip ko rin 'yan." Sabi ko.

"That's possible, tsaka maaari ring professor 'yung nagsulsol sa estudyante na s'yang pumatay du'n sa Philip." Sabi ni Ascen.

"Pero ang ipinagtataka ko, bakit parang pinapaalam nila sa mga estudyante na isa sa mga prof 'yung member ng Codex? Bakit parang kampante pa sila?" Tanong ulit ni Rune.

"Possible din na alam na nilang tinutugis natin sila, tho hindi ko alam kung paano. O baka nag iiwan lang sila ng clues kapag alam nilang may mangyayaring crime." Ascen answered. "But either way, we need to be aware. Baka mamaya tayo na 'yung isunod nilang target." He added.

Naisip ko na rin 'yan, tsaka wala naman sigurong ibang dahilan kung bakit ibinulong kay Ascen 'yung Codex. Doon palang nagdududa na ako sa mga nangyayari. Baka may gusto nga talaga silang ipahiwatig sa amin

HACKED: CODE XTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon