CHAPTER 96: H.A.S "EXPLOSION"

55 12 0
                                        

I heaved a very deep sigh. Tsaka ako lumuhod sa lupa para malapitan 'yung bomba. Kung may naglagay dito, ibig sabihin aware din sila na pweding may tao rito ngayon at nagtatago. Pero sana naman hindi nila sabihin sa kung sino para hindi ako mahanap. Pero kahit na hindi nga ako mahanap, delikado parin naman lagay ko ngayon knowing na may bomba rito.

My heart's pounding with a mixture of fear and determination.

"Mahihirapan s'yang idefuse 'yan Ascen, walang detonator, tsaka one wrong move sasabog 'yan." Nababahalang sabi ni Rune.

"Just trust me Rune, damn it." Hindi ko na matukoy kung anong nararamdaman ni Ascen ngayon.

"Okay sorry, nag aalala lang ako kay Gwyn." Sabi ni Rune.

"Nag aalala rin ako, kaya gusto kong may gawin." Ascen said.

"Paano kung puntahan nalang natin s'ya?"

"No, they might see us." Sabi ni Ascen. "You still there Gwyn?"

May ilang bomba pang sumasabog 'yung naririnig ko mula sa labas. Yumayanig din 'yung lupa tsaka nagsisihulugan sa kinalalagyan ko lalo pag malapit sa akin 'yung sumabog. Mas nakakapagdagdag sa kaba ko 'yon.

"Gwyn?"

"Ah oo, sorry lutang lang." Sabi ko.

Tumahimik saglit.

"Stay calm Gwyn." Parang nag iba 'yung tono ng boses n'ya. "Are you okay?" He asked.

"I am." Kalmadong sagot ko.

"Good." He said. "Now follow what will I say."

"Sure—"

Agad akong napatingin sa pinto sa taas. May parang nagtatanggal ng mga lupa ro'n. T*ngina. May tao kaya sa labas? Alam na kayang nandito ako?

"What is it?" Biglang tanong ni Ascen.

Hindi ako sumagot at marahang nakamasid sa pinto. It's locked. Pero kinakabahan parin ako na baka mabuksan.

"Hey Gwyn."

Patuloy lang sa pag iingay 'yung nasa taas. Hanggang sa magulat ako nu'ng bigla na s'yang tumalon talon sa pinto. May mga nalalaglag na ring mga lupa at damo sa siwang nito. Alam n'ya nang may tao rito.

"Someone wants to open the-"

Natigil ako sa sasabihin ko dahil sa biglang pagbagsak ng kung sino mula sa taas. Nasira na rin 'yung lock ng pinto dahilan kaya s'ya bumagsak dito ngayon.

Sapo sapo ang likod na tumayo s'ya at humarap sa akin.

"Lucky me." He said.

"Damn it." Sabay na sabi ni Rune at Ascen.

"Sumama ka na sa akin para masecure ko na buhay ko." Nakangising sabi n'ya.

Hindi ako kumibo. Napaka malas ko naman. Akala ko safe na ako rito, pero may bomba. Nawala 'yung takot ko nu'ng sinabi ni Ascen na pwede kong idefuse 'yung bomba pero bigla naman 'tong dumating.

"Sabing sumama ka na."

"Can you shut you mouth? Or maybe you want me to throw this bomb in your face?" Galit kong sabi.

Hindi s'ya nakaimik.

"Calm down Gwyn, and don't ever do that. Pero kayong masasabugan." Rune said.

Hindi parin ako nasagot sa kanila.

"Sumama ka na kasi, gusto mo ba akong mamatay?" Tanong n'ya.

"I don't even know who you are." Sabi ko.

Kung pagbabasehan 'yung itsura at tangkad n'ya e baka kapareho ko lang s'yang nasa second year. O baka nga kaklase ko pa mismo at hindi ko lang alam.

"Basta tara na." Pagpupumilit n'ya.

"Mauna ka." Sabi ko.

"Sa tingin mo gano'n ako katanga?" Napaatras ako dahil sa bigla n'yang dahan dahang paglakad palapit sa akin.

"Don't speak." Sabi ko, pero para kina Ascen at Rune 'yon.

Sobrang lapit na kasi sa akin nung lalake at baka marinig n'yang may kausap ako.

Hinawakan n'ya 'yung baba ko tsaka iniangat. "Sasama ka o gusto mong may gawin akong masama sayo rito?" Banta n'ya.

Marahas ko namang inalis 'yung kamay n'yang nakahawak sa mukha ko tsaka malakas na sinipa sa tuhod. Tumakbo ako pero hindi pa nakakalayo sa kan'ya ay nahawakan n'ya na ako sa kaliwa kong braso.

"Gwyn, be safe please." Rinig kong bulong ni Ascen dahilan para kumirot 'yung dibdib ko.

"Aba tatakbo ka pa? Parang kanina ayaw mong umalis dito e." Sabi n'ya. "Dito nalang tayo at magsayang dalawa, alam ko namang magugustuhan mo rin 'to."

Mabilis akong yumuko at inabot 'yung mga nalaglag na lupa sa baba at kumuha no'n tapos ibinato sa buong mukha n'ya dahilan para matamaan 'yung mga mata n'ya. Akmang aakyat na ako paatas pero narinig kong biglang nag alarm 'yung bomba rito.

Kaya nama'y mabilis akong umakyat na sa hagdan pataas. At kahit labag sa kalooban ko ay isinara ko 'yung pinto no'n mula sa labas tsaka inilock gamit 'yung kahoy. Hindi pa ako nakakalayo mula ro'n ay bigla na 'yon sumabog dahilan para mapatilapon ako mula sa kinalalagyan ko papunta sa hindi kalayuan.

T*ngina.

Ang sakit ng katawan ko. Parang nasugat din 'yung ibang parte ng katawan ko dahil sa pagbagsak ko sa lupa.

"Shit, you okay Gwyn?!" Tarantang tanong ni Ascen.

"Where are you Gwyn? I'll come to you." Rune.

"I'm okay, stay there." Dahan dahan akong tumayo.

"Can you walk?" Ascen asked.

"I can." Pero ang sakit ng katawan ko, nanghihina rin 'yung mga tuhod ko. Pansin ko ring may mga sugat na ako sa braso ko, pati sa kaliwang pisngi.

"Are you Sure? Want me to come at you?" Nag alalang tanong n'ya.

"No, I'm okay." Sabi ko.

Inumpisahan ko nang maglakad. Sakit. Nahihirapan na akong maglakad. Delikado 'to.

"Anong nangyari sa lalake kanina?" Tanong ni Rune.

"He died. And don't worry, hindi na mag aalala 'yung parents n'ya sa gastos kasi nakalibing na s'ya ro'n." Sagot ko.

Napatawa naman si Rune. "Great job."

My brows arched. "Great job? I killed someone Rune." I said.

"He deserves that for touching you." Ascen said.

How does he know.

"Gwyn, I want you to go here at building 1, sasalubungin kita sa baba." Ascen said.

"Gago and'yan ka parin?" Sabi ni Rune.

"May isang salita ako." Sabi n'ya. "Gwyn, you here me?"

Napaubo ako. "Yep." Damn it. I can't walk well.

"You sure you okay?" Nag aalala na talaga s'ya.

"I am." Sagot ko.

"Wala ka bang kahit anong sugat man lang? Parang hinihingal ka." Tanong naman ni Rune.

"I do have wounds, but it's okay." I answered.

"It's not."

HACKED: CODE XTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon