RUNE'S POV
Ito talagang si Ascen hindi na mabiro. Sinusubukan ko lang 'yung pasensya nagagalit agad.
"Teka lang par, wag ka naman masyadong malakas kumatok." Sabi ko habang naglalakad palapit sa pinto papunta rito sa rooftop.
Tsaka ko 'yon binuksan. Agad na nagkasalubong 'yung kilay ko.
"Swerte ko naman at ikaw nahanap ko rito." Sabi n'ya.
"Fvck you Ascen!" I exclaimed.
"Huh? Hindi ako si Ascen." Sabi ng lalaking nasa harapan ko.
"I know idiot, I'm not talking to you." I frustratedly said.
"The hell are you cursing at." Ascen said.
"You said it was you, but it's not! Are you this ugly?" Napipikon kong sabi.
"Hoy sinong pangit?" Sabi ng lalaking nandito. "Sumama ka na sa akin." Dagdag n'ya pa.
"It's me, fvck you. Kanina pa ako kumakatok."
"No it's not! May pinapasok ako and it's not you." I exclaimed. "Wait, what building are you?" I asked.
"Ccs building 1, you said a while ago." He answered.
Nilibot ko 'yung paningin ko sa paligid tsaka sa ibang building na matatanaw mula rito sa taas. "Damn it. Wrong building." I said. "I'm on building two."
"Then fvck you." Nakarinig kami ng ingay mula sa katabing building. Tsaka marahas na bumukas 'yung pinto ro'n sa kabilang rooftop, at inilabas si Ascen.
Nagkatinginan kaming dalawa.
"Fvck you dumbass." He said.
Napapikit naman ako tsaka napasabunot sa sarili kong buhok. Tanga tanga ko sa part na 'yon.
"Tara na, ang dami n'yong alam. Tsaka ikaw magtago ka na bago kita isunod." Sabi ng kasama kong lalaki rito.
"As if I'm scared." Ascen said. "I'll stay here and comeback to me if you want." Nanghahamon n'ya pang sabi.
"Yabang." Hinarap ako nu'ng lalake. "Tara na." Sabi n'ya.
Nag middle finger naman ako kay Ascen bago nilagay sa bag ko 'yung gamit kong laptop at naglakad pasunod sa nakahanap sa akin.
"Better do you best if you don't want to end up dead." Ascen said.
"It's your fault." Naiinis kong sabi.
"Sinisisi mo na sakin 'yan ngayon e ikaw nga 'tong nagbigay ng maling information kung nasaan ka." Sabi n'ya.
"Ano ba kasing sadya mo."
"Want to help you defusing the bombs." He answered.
"I can handle it myself by the way." Sabi ko naman.
"Para nga mas mapadali."
"De wala, kasalanan mo bakit malalagay sa panganib buhay ko ngayon." Sabi ko.
"Naduduwag ka?"
"No, pero hindi kasi ako handa."
Nakakainis lang kasi, bakit ngayon pa ako inatake ng katangahan ko. Nahuli tuloy ako imbes na pachill chill lang ako sa taas.
"Just carefully analyze and solve the puzzle, tsaka matutulungan ka naman namin e." Ascen said.
"Yeah yeah sure." Damn it.
Mapapasabak ako ng wala sa oras. Pero sana naman madali lang mapunta sa akin. Wala pa ako sa tamang lagay e. Nagkabuhol buhol na utak ko sa pag defuse ng bomb tapos bigla mangyayari sa akin 'to. Anak ng.
"Oh, looks like you also don't know how to hide."
"How about I kill you and hide your corpse in the depths of the world with no one can find you motherfvcker." I straightly said.
"'Yan tama 'yan, idala mo sa kan'ya pagka pikon mo." Sabi ni Ascen.
"I dare you to say that again and I'll give you the hardest puzzle." Banta n'ya.
"Puro ka I dare you, hindi mo rin lang naman ginagawa. Just give it to me." Inis kong sabi.
Napatawa s'ya. "Hindi ko muna hahayaang mamatay ka kaya susundin ko parin 'yung pagkakasunod ng boxes. Hindi ko nga lang alam kung fortunate ka ba para madaling puzzle ang mapunta sayo." Sabi n'ya.
"Tamo 'to sira ulo." Mahina kong sabi. "Saan na, ang tagal." Sabi ko.
Sinenyasan n'ya naman 'yung mga taong narito at kumuha ng box tsaka lumapit sa akin. Tapos inilapag 'yon sa mesang nasa harapan ko. Gara ah, may mga gamit pang nandito. Daming alam papatayin lang din naman kami e.
May mga bangkay na rin kasi rito sa loob ng auditorium, sila siguro 'yung mga hindi nakasagot sa unang puzzles.
"Nakasalalay buhay mo d'yan kaya ayusin mo pagsagot mo." Sabi ng prof.
Nakakalokong ngumiti ako. "Thank you sir."
Sumama 'yung tingin n'ya sa akin. Bading ata 'to e.
"I'll give you 20 minutes, and your time starts now."
Pagkasabi n'ya no'n ay tinitigan ko 'yung puzzle.
Tf is this. Hindi rin 'to encryption na gagamitan ng kahit anong algorithm. Pero anong type naman 'to ng code? Nakakainis at ayaw gumana ng utak ko.
"Need help, I don't know what kind of code this is." Mahinang sabi ko.
Bakit kasi hindi nalang algorithms, nakakainis. Mahina ako sa ganitong klase ng puzzles e.
"Describe it." Ascen said.
"Just scrambled letters and an open and close parentheses with a number 7 inside it, wala ng iba."
"Can you tell me the letters?" Gwyn asked.
"E-X-G-T-K-W B-L M-A-X D-B-G-Z." Isa isa kong basa letters.
"I'll try deciphering it. Pero mag isip ka rin muna ng iba baka kasi wala akong makuhang sagot dito, yari tayo." Sabi ni Gwyn.
"Okay I'll try, and I trust you Gwyn." I said.
"Thanks."
Pagkasabi n'ya no'n ay inanalyze ko ng maigi 'yung letters na parang pinagtripan lang na nilagay dito. Ang mas nakakainis e wala man lang kahit ano na narito. Hindi gaya kay Ascen na may riddle tapos nakalagay na mismo ro'n 'yung clue sa kung paano idedecode 'yung nakalagay na numbers. Samantalang sa akin wala. Hindi mo talaga malalaman ano dapat mong gamitin at gawin. Tsaka isang attempt lang mero'n, kapag nagkamali ako rito patay ako.
Ang malas ko naman. Eto ata napapala ko dahil sa kayabangan ko kanina. Iniexpect ko pa man din na gaya lang kay Ascen 'yung ibibigay sa akin. Pero nagkakamali ako. Mas madali pang ihack 'yung sunod sunod na accounts kesa sa pag sagot dito lalo wala naman kasing clue. Pag napikon ako rito baka bigla ko nalang suntukin e. Hindi naman 'to magbabago kahit ilang oras ko titigan. Pero hindi ko rin naman kasi alam paano isosolve. Nakakainis na utak 'to, ayaw gumana.
BINABASA MO ANG
HACKED: CODE X
Mystery / Thriller"She lived through screens and silence, until one call, one message, turned her world into chaos, forcing her to feel, trust, and face the darkness she'd long ignored." Story Title: HACKED Genre: Mystery - Thriller Status: COMPLETED Chapters: 100
