Kasalukuyan kaming naglalakad papunta sa school building ng course nu'ng namatay na estudyante. Kasama na namin 'yung mga pulis tsaka ilan pang mga professors.
Sa sasakyan na kami ng pulis sumakay ni Xen since wala naman dito 'yung motor ko, tapos inangkas lang ulit ni Rune si Gwyn.
Ilang minuto pa ng paglalakad ay nakarating na kami sa mismong classroom nu'ng suspect at nu'ng biktima. Tapos palapit na rin nang palapit 'yung red dot sa phone ni Rune.
"Good morning sir." Antala nung isang prof na kasama namin sa nagdidiscuss na prof sa loob ng room.
Agad itong lumapit sa amin hanggang sa may biglang malakas na tumunog na parang limang cellphone na naka full speaker 'yung katumbas.
Hesus sa krus ika'y namatay....
Kahit napapangiwi ay napatingin kami sa taong pinanggagalingan ng music. Agad n'ya naman itong kinuha sa bulsa n'ya para patayin pero bigla nang pumagilid 'yung mga estudyante na nasa loob sa biglang pagpasok ng mga pulis at paglapit sa suspect.
"May warrant of arrest kami sayo iho." Sabi nu'ng pulis habang pinapalibutan na 'yung lalake.
Hindi na rin maipinta 'yung itsura n'ya ngayon at halatang kinakabahan na ng sobra. Hindi rin makapaniwala 'yung mga nandito sa loob dahil sa biglaang naging kilos nu'ng pulis.
"Ano pong pinagsasasabi n'yo? Wala akong ginagawa." Nanginginig nitong sabi.
"Bases sa investigation na nayari, lumalabas na ikaw 'yung tinuturong pumatay kay Philip Martinez ng mga nakalap naming impormasyon." Sabi ng pulis.
"H-hah?" Sinubukan n'yang ayusin 'yung pagkakatayo n'ya. "Eh wala nga ako nu'ng araw na nangyari 'yung pagkamatay n'ya." Sabi nito.
"Oo nga po sir, absent po si Andrew nu'ng lunes, ako po 'yung class monitor ng room." Sabat naman nu'ng isang babae.
Pumagitna si Rune tsaka lumapit sa kanila.
"There's a CCTV footage of you going inside the gate at 9:10 am then going out 9:50 am."
The suspect's eyes' widened after seeing the footage that Rune copied.
"Napansin ko ring napaka suspicious nu'ng pagpasok mo sa loob lalo 'yung makita kong lumabas ka rin lang." Sabi nu'ng guard ng school na inaya rin namin dito. "Pero hindi na ako nag abala pang pansinin ka since may suot ka namang i.d ng university." Dagdag nito.
Nagbulungan na 'yung mga kaklase n'ya.
"Ibig sabihin lang no'n e sinadya mong hindi pumasok para isipin nilang hindi ka masasangkot sa krimen." Sabi ni Rune.
"Anong pinagsasasabi n'yo? Hindi ba pweding may inasikaso lang ako saglit dito tsaka umalis din?" Tanggi nu'ng lalake na tinawag nilang Andrew.
"Eh bakit hindi ka nalang pumasok at umuwi rin lang?" Tanong naman ng pulis.
Hindi nakasagot agad 'yung si Andrew.
"M-may sakit ako that time." Nakaiwas ang tingingin sabi n'ya.
Palusot. Huli ka na nga sa akto nagagawa mo pang humanap ng butas na akala mo'y paniniwalaan e.
"Hindi kami gano'n katanga para paniwalaan ka." Sabi ni Rune.
"Eh ba't ka ba nangengealam? Ni hindi nga kita kilala? Pulis ka ba?" Mababakas na 'yung galit at pikon sa boses nung lalake.
Tumawa lang ng marahan si Rune. "Hindi, pero sisira sa buhay mo oo."
Mas lalong napikon 'yung lalake. "Hindi nga ako 'yung pumatay! Ba't ba ang kulit n'yo? Hindi kami close ni Philip at ni minsan hindi ko s'ya nakaaway, kahit itanong n'yo pa sa iba!"
Inilibot ni Rune 'yung tingin n'ya sa mga nandito sa loob. Walang umimik.
"Basta hindi ako!" Pasigaw na sabi nu'ng si Andrew.
"Maniniwala lang kaming hindi nga ikaw." Sabi ng pulis. "Kung hahayaan mo kaming galawin 'yung phone mo."
Hindi nanaman nakasagot 'yung lalake at mas lalo atang kinabahan dahil sa gustong mangyari ng pulis.
"Ano? Takot ka?" Panghahamon sa kan'ya.
"Masamang pinapakealaman ang privacy ng ibang tao!" Galit nitong sabi.
"Wala kaming pake sa kung anong laman ng phone mo kung sakaling wala kaming makitang unusual, ang gusto lang namin e mapatunayang inosente ka nga." Sabi ng pulis.
Hindi nanaman ito nakaimik. Tsaka maya't maya ay dahan dahang inilabas ulit 'yung cellphone n'ya. Tsaka pinindot saglit bago ibinigay sa pulis.
At habang ginagalaw ito ng mga pulis ay halos maluha na 'yung Andrew dahil sa galit at sobrang kaba.
Ilang minuto pa ng pagtingin sa phone ng suspect ay hindi na ito ibinalik sa kan'ya.
"Based sa mga screenshots ng mga conversation na nandito sa phone mo, at mga nude pics ni mr. Philip ay lumalabas na ikaw nga ang pumatay sa kan'ya." Sabi ng pulis.
Napatahimik ang iba at hindi makapaniwalang tumingin kay Andrew. 'Yung iba nama'y nagbubulungan sa nalaman na katotohanan sa pagkamatay ng kaklase nilang si Philip.
Hindi na nakasagot pa 'yung Andrew at nakayuko nalang ngayon para hindi makita 'yung mukha.
"Ano namang dahilan mo?" Tanong ng pulis. "At bakit mo nagawa sa kan'ya 'yon?"
Nakayuko parin s'ya, tsaka parang nagpahid ng luha bago nag angat ng tingin sa pulis.
"He hacked my phone." Andrew said.
"How sure are you?" The police asked.
"I know basic hacking and I easily traced the hacker's device. At lumabas na si Philip nga may gawa no'n." Sagot nito.
Kung kaya ngang gumawa ng gano'n ka-complex na encryption 'yung victim ay possible na may konting alam din s'ya sa hacking, pero dahil hindi gano'n kalawak, madali rin s'yang natrace.
"Pero ano naman ang tingin mong dahilan bakit n'ya nagawa 'yon sayo?"
"Last week po kasi e naglolokohan kami sa hacking hacking na 'yan, at nagkataon po na nasilip ko po dati sa gallery n'ya 'yung screenshot ng conversation nilang dalawa ni Sarah na nagpapalitan ng hubad na pics. Kaya jokingly, sinabi ko pong ihahack ko 'yung phone n'ya at ikakalat lahat ng 'yon." Paliwanag ni Andrew. "Pero hindi po kami masyadong close kaya siguro natakot s'ya na baka gawin ko nga sa kan'ya 'yon." Dugtong n'ya.
Marahan lang na nakikinig 'yung pulis. "Pero bakit naman pinatay mo agad hindi nalang kinausap na ibalik sa dati 'yung ginawa n'ya?" Tanong nu'ng pulis.
"Actually wala po sa plan ko na patayin s'ya. Gusto ko po s'yang iconfront nalang last week. Pero sinabi po sa akin nung taong tumulong na buksan 'yung phone ko e gumanti ako sa pamamagitan ng totohanin 'yung sinabi kong joke kay Philip."
Tahimik ang lahat at nakikinig lang sa kan'ya.
"Sinunod ko po 'yung sinabi nung taong 'yon kaya kinalat ko rin po mga pics n'ya. Pero hindi ko po alam na makakarating hanggang sa ibang course. Natakot na rin po ako ng sobra na baka malaman n'yang ako 'yung may gawa since may alam din po siya sa pag hack kaya bumalik po ako sa tumulong sa akin at du'n n'ya na po sinabing patayin ko nalang." Pagkukwento n'ya. "Sa kan'ya rin po galing 'yung syringe at midazolam na ginamit ko kay Philip bago ko s'ya sinakal ng cable wire."
Mas lalong lumakas 'yung bulungan dito sa loob sa mga narinig nila sa kan'ya.
BINABASA MO ANG
HACKED: CODE X
Детектив / Триллер"She lived through screens and silence, until one call, one message, turned her world into chaos, forcing her to feel, trust, and face the darkness she'd long ignored." Story Title: HACKED Genre: Mystery - Thriller Status: COMPLETED Chapters: 100
