CHAPTER 47: INVITATION

84 12 0
                                        

"Musta third week ng klase mo Gwyn?" Tanong ni mama.

Friday na ng gabi ngayon at kumakain na kami ng hapunan.

At oo. Hindi ko man lang nakita si Ascen buong araw ngayong birthday n'ya. Hindi ko man lang s'ya nabati ng harap harapan.

Tsaka 'yung binili kong gift, ibinilin ko nalang kay Rune na s'ya na magbigay.

"Ayos naman, walang bago." Sagot ko.

"Hindi ka ba nahihirapan?" Tanong n'ya.

"Hindi naman." Sagot ko.

Tsaka lang naman ako nahihirapan kapag may codings and computations nang nagaganap. Tapos kelangan pang ipresent sa harapan. Nakakasira ng ulo e.

Pero 'yung RSA Algorithm na ginawa ko e maaapply ko soon sa course ko kasi mostly na gagawin namin ay encryption and decryption algorithms.

"Nabati mo naman ba si Ascen?"

"Hindi ko s'ya nakita kuya, pinaabot ko nalang sa kaibigan n'ya 'yung gift ko." Sagot ko.

Naagaw naman ng atensyon ko 'yung phone ko na biglang nag notif.

"Tignan ko lang." Sabi ko kina mama na nasa kalagitnaan din ng pagkain.

There's a message from Rune.

Rune Eldric 06/23/23

Nasa highway ako malapit sa bahay gate ng bahay n'yo.

Sunduin daw kita sabi ni Ascen, iniinvite ka sa bahay nila ngayon.

Agad ko namang nilunok 'yung kinakain ko.

"Ma." Agad kong binigay sa kan'ya 'yung phone ko para ipabasa 'yung message ni Rune sa akin.

"Oh, mag bihis ka na." Sabi ni mama.

Mabilis ko namang tinapos 'yung pagkain ko tsaka uminom ng tubig.

"Anong mero'n?" Tanong ni kuya at papa.

Binigay naman ni mama sa kanila 'yung phone ko tsaka binasa 'yon.

"Ba't hindi mo muna papasukin 'yung dito? Bagal bagal mo kumilos." Sabi ni kuya.

"Mabilis lang ako." Sabi ko naman.

"Bukas ka ba uuwi? O uuwi ka rin agad?" Tanong ni papa.

"Ewan ko po pa." Tumayo na ako.

"Magdala ka nalang ng extra mo para kung sakaling hindi ka na makauwi e may pagpapalitan ka." Bilin ni mama.

Kinuha ko naman 'yung phone ko tsaka tinanguan siya bago naglakad papunta sa silid ko.

Tinext ko lang din pabalik si Rune na hintayin ako saglit.

Tumungo ako sa banyo tsaka nag half bath nalang bago nagbihis ng usual ko na sinusuot. Inayos ko lang din 'yung nakalugay kong buhok tsaka nagpabango.

Pagkatapos ay kinuha ko na 'yung messenger bag ko tsaka nagsapatos bago tuluyang bumaba.

"Alis na po ako!" Paalam ko kina mama.

"Mag iingat ka!" Sigaw naman pabalik ni kuya.

Hindi na ako sumagot pa at dali daling lumabas ng bahay tsaka patakbong dumiretso sa gate.

"Hi." Bungad ko kay Rune tsaka sinara 'yung gate. "Tagal ko ba? Sorry." Paghingi ko ng tawad tsaka lumapit sa kan'ya.

"Hindi naman, tsaka kahit abutin ka pa ng hating gabi okay lang, kay Ascen ang hindi." Natatawang sabi n'ya. "Sorry daw at biglaan, hindi na rin kasi pala s'ya pumasok kanina kaya hindi n'ya na nasabi sayo. Kakasabi n'ya lang din sakin kanina nu'ng paalis na ako." Sabi ni Rune.

"Okay lang 'yon." Sabi ko naman.

"Oo nga pala, nasa top box ko 'yung gift mo kay Ascen, ikaw nalang mag abot sa kan'ya mamaya."

Nabuhayan naman ako dahil don.

Tsaka n'ya isinuot sa akin 'yung helmet. "Tara na."

Pagkasabi n'ya no'n ay umangkas na ako at iniandar n'ya paalis 'yung motor n'ya.

Mas gininaw ako dahil sa malamig na tumatamang hangin sa balat ko gawa na rin ng pagpapatakbo ni Rune.

Kumpara sa umagang pagbbyahe naming dalawa, mas malapit na 'to sa scene ng Zankyou no Terror kasi parehong gabi. Pangit pa rin, baho ng hangin.

fw

Nangangawit na ring nakakapit 'yung kamay ko sa side ng inuupuan ko ngayon. Kasi kumpara sa nakasanayan ay malayo 'yung binabaybay namin ngayon.

Mahigit 30 minutes na 'yung nakakalipas, bumabyahe parin kaming dalawa. Nananakit na 'yung pwetan ko.

Hindi ko alam anong pumasok sa utak ni Ascen at nag aral s'ya sa gano'n kalayong uni. Pero sa kabilang banda, may computer shop nga pala sila sa malapit, tsaka do'n din nakatira si Rune. Pero hindi ko parin talaga alam na ganito kalayo 'yung tinitirhan ni Ascen, ang bilis na ngang magmaneho ni Rune.

"We're here." Rinig kong sabi ni Rune.

Dahan dahan n'yang inaandar sa highway 'yung motor n'ya at naghihintay ng tyempo para maitawid 'yung motor n'ya sa kabila.

At nu'ng makatawid kami ay pinasok namin 'yung isang daan, pero mula sa highway ay matatanaw na 'yung mataas na gate. Pati 'yung bahay.

Seryoso ba?

Malaki na 'yung bahay nila Rune, pero mas malaki 'to. Nasa ikatlo 'yung palapag at malawak din. Tapos modern pa 'yung design. Napakalawak din nu'ng daanan ng sasakyan sa harapan pagpasok sa gate at gaya kina Rune ay may fountain din sa gitna na walang tubig.

"Wait me here, park ko lang 'to." Bilin ni Rune sa akin.

Tinanguan ko s'ya tsaka nanatiling nakatayo sa harapan ng bahay nila Ascen.

"Tara?" Aya ni Rune.

Sumunod ako sa kan'ya sa pagpasok sa loob.

At sa pagpasok at mas lalo akong namangha. Kung gaano ako namangha sa bahay nila Rune ay mas lalo akong namangha rito. Modern talaga lahat ng design. Sobrang ayos din ng paligid sa loob at puro mamahalin 'yung nandito. Para ka talagang nasa bahay ng milyonaryo.

Napapaimagine na tuloy ako kung gaano ba talaga sila kayaman..

Patuloy lang kami sa paglalakad hanggang sa makarating na kami sa malawak sala ng bahay nila. At naagaw namin 'yung atensyon ng mga naro'n.

May mga ilang adults, mga bata, at dalawang lalaking parang hindi nalalayo sa edad nila Rune. Nakaupo 'yung mga adults sa mga sofa na nandito at sa carpeted floor naman 'yung mga bata na naglalaro. May mga kung ano anong designs at balloons 'yung nandito sa sala, tapos happy 21st birthday Ascen na nakadikit sa pader na pinapalibutan din ng mga designs. Halata ring mayayaman silang lahat.

"Oh Eldric akala ko hindi ka na sisipot e!" Bungad nu'ng isang babae na sa tantsa ko'y nasa 30-35 lang 'yung edad dahil sa bata pa 'yung itsura. "Upo kayo ng kasama mo." Aya n'ya pa.

"Hindi na nga sana ako sisipot tita." Sabi ni Rune pagkaupo namin sa isang sofa ro'n.

Naiilang ako.

"Dapat nga hindi na e." Sabi nu'ng isang lalake na medyo may hawig sa lalaking katabi n'ya pa pero mas matanda lang.

"Sinapak kita d'yan." Banta ni Rune.

"Hindi na kayo nahiyang dalawa." Sita nu'ng nasa tabi nung lalake na babae. "Ngayon mo na nga lang makikita ulit bunsong kapatid n'yo aasarin n'yo pa."

Ooh. Kaya pala may pagkakahawig sila ni Rune. Kapatid n'ya pala.

"Yo."

HACKED: CODE XTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon