ASCEN'S POV
"Yo."
Napatingin sa akin si Xen. Kakarating ko lang dito sa rooftop ng school building namin. Hindi ko alam bakit bigla bigla n'ya akong pinapatawag. Lunch na rin at alas dose na. Pero kanina pa ako kumain kasi 11 release namin.
"May problema?" Tanong ko pagkalapit ko sa kan'ya.
Tanaw na tanaw mula rito 'yung buong campus namin at pati sa labas ng gate. Matataas na mga gusali at napakaingay na highway gawa ng mga sasakyan. Madilim din 'yung kalangitan pero walang nagbabadyang bumagsak na ulan. Mahangin din dahilan para ginawin ako kahit tanghaling tapat.
"Wala naman." Sagot n'ya.
Nagtaka ako. "Bakit pala tinawag mo ako rito?" Takang tanong ko.
Tumingin s'ya sa malayo. "Nasaan si Rune?"
Hindi n'ya ako sinagot.
"Nasa Xanthe, kasama si Gwyn. Pareho silang walang klase sa hapon." Sagot ko.
Napatango s'ya. "Mukhang talagang ang dami nang nagbago sayo Ascen." Sabi n'ya.
Hindi ko alam kung bakit ang unusual sa pakiramdam nung atmosphere namin ngayon dito sa taas. Hindi ko matukoy kung anong dahilan no'n.
"Pansin ko rin." Sabi ko. "Pero need ko pang iimprove." Dagdag ko pa.
"Kaya mo 'yan." Sabi n'ya habang nakatingin parin sa malayo. "Basta ingatan mo lang si Gwyn." Tumawa s'ya.
"Kahit hindi mo sabihin sa akin 'yan gagawin ko talaga." Sabi ko naman.
Tsaka nangako ako dati pa. Hindi lang sa kan'ya, pati sa sarili ko. Wala naman kasi akong nakikitang ibang dahilan kung bakit may nangyayaring pagbabago sa akin. Lahat 'yon nag umpisa nu'ng pinapasok ko s'ya sa buhay ko, tho hindi ko parin talaga alam kung anong dahilan at bakit ko ginawa 'yon knowing na hindi naman ako interesado sa iba.
"Tama 'yan Ascen." Sabi n'ya. "May gusto rin akong itanong, alam kong napaka random nito."
"Sige lang."
Kahit kelan talaga hindi ko mapredict 'tong taong 'to. Paiba iba rin kasi ng topic.
"Paano kapag nawala ako."
Kumunot 'yung noo ko. "Nawala?"
Tumango s'ya. "Oo, like namatay gano'n." Sagot n'ya.
Mas lalo akong nagtaka. "Bakit?"
Naiilang s'yang napatawa. "Sagutin mo nalang." Sabi n'ya.
Kinukutuban ako, pero naisip kong baka lately nagiging suicidal na talaga s'ya gawa ng mga family problems n'ya, at hindi ko naman s'ya masisisi ro'n. Natatakot tuloy ako at baka bigla nalang s'yang tumalon dito.
"Hindi namin hahayaang mangyari 'yan." Sabi ko.
Binalingan n'ya ako ng tingin. "Hindi mo sinagot 'yung tanong ko." Sabi n'ya.
Ako naman 'yung napatingin sa malayo ngayon. "Napaka weird nga ng tanong mo." Sabi ko. "Pero if ever ngang mawala ka, s'yempre nakakalungkot. Kasi sobrang close na rin namin ni Rune sayo mula pa no'n. Tsaka kung hindi dahil sayo hindi sana kami nahila ni Rune sa pagkahilig sa computer." Sagot ko. "Marami na rin tayong nagawang memories Xen, kaya mahirap tanggapin sakaling mangyari nga 'yon." Dagdag ko.
Gaya ni Rune naging sandalan ko rin s'ya dati. S'ya rin nagsilbi kong kuya no'n since wala naman akong kapatid. Lagi ring wala parents ko kaya s'ya lang at si Rune kasama ko. Lumaki akong silang dalawa lang kasama. Tsaka naging guide ko rin s'ya para matuklasan kung anong passion ko. Kahit na wala s'yang ideya na nagdadive kaming dalawa ni Rune sa dark web.
"Hindi ko alam kung bakit gusto mong malaman 'yung sagot ko sa tanong mo na 'yan pero sana satisfied ka na." Binalingan ko s'ya ng tingin. "Pero hinding hindi parin mangyayari 'yon Xen. If ever na may prob ka sabihin mo nalang sa amin." Sabi ko.
Mapait s'yang ngumiti. "Sobrang dami n'yo nang naitulong sa akin ni Rune. Ayoko nang umasa ulit sa inyo para iligtas 'yung sarili ko." Timing s'ya sa ibaba. "Sinubukan kong tumayo sa sarili kong paa at wag mag rely sa iba. Nu'ng una nakayanan ko, pero ngayon parang hinahanap hanap ko parin 'yung pagmamahal ng tunay na pamilya ko."
Ilang beses n'ya nang nasasabi samin 'to ni Rune. Lagi namin s'yang nakikitang naleleft out tapos kapag tinanong namin kung bakit e ganitong ganito 'yung sasabihin.
"Naisip ko lang na baka kapag nawala na ako e hanapin nila ako." Sabi n'ya.
"Hindi naman solusyon 'yon Xen. I think hindi pa siguro 'to 'yung tamang panahon." Sabi ko.
Tho I really don't know if maaayos pa ba talaga sila. Siguro kung 'yung step father n'ya mismo 'yung unang mawala e pwede pa at may pag asa silang maayos.
"If ever lang naman." Sabi n'ya.
Kahit na. Kinukutuban parin ako sa kan'ya. Ang uncomfortable ng presence n'ya ngayon pero hindi ko talaga alam 'yung dahilan kung bakit.
"May sasabihin pala akong importante sayo Ascen, kaya hindi ko na pinatawag si Rune kasi para sayo lang talaga 'tong sasabihin ko." Sabi n'ya.
Kumunot uli 'yung noo ko. "Tell."
Hindi ko alam kung bakit pero nakakaloko s'yang ngumiti.
"May gusto akong tao para sayo."
Napangiwi ako. "Importante ba 'yan."
Napatawa s'ya. "Para sa akin oo, s'yempre gusto ko paring magkajowa ka." Sabi n'ya.
Sira ulo 'tong gagaong 'to. Kala mo naman kung anong seryoso talaga 'yung sasabihin. Kalokohan lang pala.
"Wala pa ako sa phase na 'yan." Sabi ko.
"So ibig sabihin may possibility nga?" Tanong n'ya.
Well. Siguro kapag unti unti ko nang napag aaralan 'yung mga emosyon na sinasabi nila at nafamiliarize na e baka possible ngang magka interes ako sa sinasabi nilang pagpasok sa relasyon.
"May iiwan akong encryption sayo."
Napatingin ako sa kan'ya. "Iiwan? Aalis ka?" Takang tanong ko.
Agad naman s'yang umiling. "Basta may iiwan akong encryption na need mong idecrypt. Tapos malalaman mo kung sino 'yung taong gusto ko para sayo kapag nabuksan mo 'yung encryption na 'yon." Sabi n'ya. "Sobrang importante ng nilalaman no'n at alam kong matutulungan kayo." Dagdag n'ya.
Hindi ko alam kung bakit pero parang may ipinapahiwatig s'ya, hindi lang 'yung tinutukoy n'yang tao na gusto n'ya para sa akin.
"Anong algorithm gagamitin?" Tanong ko.
"Wala kang kahit anong algorithm o pattern na gagamitin." Nagtaka ako sa sagot n'ya. "Gusto kong isipin mo 'yung taong tingin mo'y nagugustuhan mo, at pag tumama 'yung sagot mo at nabuksan mo 'yung file, 'yung sinagot mo ro'n ay 'yung taong s'ya ring tinutukoy ko."
How?
"Paano kapag wala akong nagugustuhan? Hindi ko alam 'yung pakiramdam nang nagkakagusto sa iba. At alam mong hindi ako interesado sa mga nakapaligid sa akin." Sabi ko pa.
Napatawa s'ya. "Hindi ako sigurado d'yan Ascen. Sabihin na nating hindi mo pa alam, kasi nga hindi ka pamilyar sa nararamdaman mo. Pero sure ako na sa mga oras na 'to, may nilalaman na talaga 'yung puso mo and you can't argue with me about that. Mas may alam ako kaysa sayo." Nakangiting sabi n'ya. "This time I want you to look through your heart Ascen."

BINABASA MO ANG
HACKED: CODE X
Mystery / ThrillerThis story revolves around a woman who, like many others, is invested in the world of gadgets, particularly computers. She cannot let a day pass without surfing the internet or playing online games. Consequently, this has caused her to distance hers...