CHAPTER 92: H.A.S "1ST PUZZLE"

63 11 0
                                        

ASCEN'S POV

"There are 4th years in my class that solved some of the puzzles." I said.

Nasa lagusan palabas ako ng auditorium pero sa bandang loob mismo at sa gitna. Wala na ring nadaan dito since ginawa na nilang bodega. Kaya kitang kita ko rin 'yung mga nadating na nahahanap ng iba. Tsaka agad na may dinadala sa kanilang puzzle pero hindi sila pinapapunta hanggang sa stage kung nasaan 'yung Lenard, kung hindi sa baba lang. Tatlo na 'yung namatay, probably from lower years. Kapag tumunog 'yung alarm ng puzzle sign na hindi n'ya nabuksan e binabaril agad sa ulo tsaka naman pinipindot ng prof 'yung detonator ng mga bombs.

"That's good. Iniexpect ko na rin 'yan sa mga 4th years." I heard Rune said. "Tingin mo Cen madadali lang nilagay ni gago sa puzzles?" Tanong n'ya.

"I don't know. Pweding may madali at pweding may mahirap. At sure ako na kapag nakita 'yung isa sa ating tatlo e mahirap agad 'yung ipapaharap." Sagot ko.

"I see." Rune said. "How many puzzles are done?"

"Three."

Pag hindi kasi nasolve 'yung bombs e ipapasagot ulit nila sa susunod. Talagang mas maraming buhay ang masasayang.

"We still need to solve 47 more." Rune said.

"There's no need, basta i-off mo lahat ng bombs." I said.

"Already defused two of them."

Napangisi ako. "Good job."

I should make my work now.

"Any minutes from now, I'll let anyone catch me." I said.

"Take care and good luck." Rune said.

Hindi na ako sumagot at tumalikod para maglakad palabas ng auditorium. Suspicious din akong naglakad lakad at tumakbo sa labas para hindi nila mapansing sinasadya kong magpahuli.

Walang kahit sino rito. Maybe I'll try moving away from here.

Patuloy lang ako sa paglalakad. Nareach ko na rin 'yung soccer field kung saan wala kang makikitang kahit sino na naro'n. Tanaw ko na rin mula sa kinatatayuan ko 'yung gate, at may mga pulis at mga tao na nga sa labas. Wala ba silang helicopter or what. Pero mali rin 'yon, pwede nga palang pasabugin ng prof anytime 'yung bombs at mas maraming buhay ang malalagas—

"Got you."

Napatingin ako sa biglang nagsalita.

"Oh."

"Sama ka sa akin." She said.

Hindi ako kumibo at kusang sumama sa kan'ya pabalik sa auditorium. Mukha s'yang bata, maybe a 1st or 2nd year student.

"You got caught?" Rune asked.

"Yep." I answered.

"Kinakabahan ako Ascen, paano kung hindi mo masagot 'yan." Nababakas ko na 'yung pag aalal sa boses ni Gwyn.

Parang pinipiga rin 'yung puso ko dahil do'n. Lalo kanina na umiyak pa s'ya. Gusto ko s'yang puntahan ngayon at yakapin kahit saglit lang para sabihan s'yang okay lang ako. Nakakainis. Kung kelan sumasaya na ako at nakikilala 'yung mga nararamdaman ko tsaka pa 'to nangyari sa amin. Talagang parang pinagkakait sa akin ng tadhana 'yung mga bagay na hindi ko pa nararanasan.

"Don't worry, I can do this." I said.

Wala na akong ibang masabi para mapanatag s'ya. Pero gusto kong patunayan 'yon. At 'yon gagawin ko ngayon.

"Well well well, mukhang hindi ka magaling magtago ah." Parang nang aasar na bungad ng prof.

Nasa auditorium na ulit ako, at dumiretso paharap pero hanggang sa baba lang ng stage na kinatatayuan n'ya.

"Baka mamamatay ka na sa kaba d'yan?" Tumawa s'ya.

"Me? Nervous? In your dreams." I coldly said.

Nagbago agad ekspresyon n'ya. "Hindi parin talaga nawawala 'yung gan'yang ugali n'yo ng kaibigan mo, wala paring respeto." Sabi n'ya.

"Now that we know the real you, I'm more motivated to insult you." Sabi ko.

Mas lalong nag iba 'yung tingin n'ya sa akin ngayon. Pero agad n'ya ring binago ulit.

"Well, wala na dapat akong ikainis pa kasi dito na rin naman kayo magtatapos ng mga kaibigan mo." Sabi n'ya tsaka sinenyasan 'yung isang lalaking kasama n'ya sa stage. "Since sumusunod ako sa mechanics ng game, hindi ko pipiliin 'yung ipapasolve ko sayo kasi sunod sunod 'to. Pero, wala naman akong tiwala sayo na masasagot mo mga ibibigay ko kaya umpisahan mo nang umiyak."

"I pity that mf." Rune said. "Pangit n'ya magsalita, ang taas ng tingin n'ya sa sarili n'ya." He added. "Be careful Ascen, he might cheat."

"Don't worry, can handle this type of clown." I said.

"Oh? Mukhang kinakausap mo pa sarili mo?" Nababaliw s'yang tumawa. "Kawawa ka naman, nasisiraan ka na siguro ng bait sa sobrang kaba ngayon."

I designed this earpiece na parang airpods lang, para hindi n'ya mahalatang may kausap ako.

"Shut up circus clown."

Napatawa si Rune sabay nalukot nanaman 'yung mukha n'ya sa sinabi ko.

"Dare you call me that again and I'll push this button." Banta n'ya.

Nakangising tinaas ko 'yung dalawang kamay ko sa ere na parang sumusuko.

"Enough with this nonsense already, I'll now give you the puzzle and you have 20 minutes to solve it." He said.

Lumapit naman sa akin 'yung isa sa kanila at nilagay 'yung box sa mesang nasa harapan ko rito sa baba. May iba ring gamit gaya ng papel, calculator at ballpen. Generous pa s'ya sa lagay na 'to.

"Your time will start, now."

Pagkasabi n'ya non ay nag umpisa nang magbilang 'yung time na nasa box kasama nung puzzle.

Tinigigan ko naman 'yon.

"Binary numbers" Mahinang sabi ko. "It's not an algorithm." Dagdag ko pa. "May nakalagay din na riddle sa taas." I do not expect this kind of puzzles.

"Gan'yan din 'yung pinasolve sa amin nu'ng nasa camp kami." Gwyn said. "Can you read the riddle Ascen?"

"Yeah sure." I answered. "In the digital realm, a mystery unfolds,
Binary holds the truth, a tale untold.
Decipher this code, reveal the crime,
A simple cipher, take your time." Basa ko.

"Dali naman n'yan. May clue na rin sa riddle mismo e." Pansin ni Rune. "Ilang bits?" Tanong n'ya.

"1 byte." Sagot ko. "All are big letters."

"Kaya mo na 'yan, dali dali lang e."

Hindi naman na ako sumagot. Pero tama s'ya, madali nalang para sa akin na isolve 'to. Nakapagtataka lang talaga kung bakit. Dahil ba hindi na s'ya namili ng ipapasolve sa akin? O may nakalaan na mas mahirap.

HACKED: CODE XTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon