GWYNETH'S POV
"Anong gusto mong regalo sa pasko Gwyn?"
Kinunutan ko ng noo si Rune. "Anong regalo pinagsasasabi mo gago layo layo pa ng pasko."
Halos malaglag s'ya sa sofa dahil sa bigla n'yang pagtawa. Sira ulo. Actually kanina pa kaming alas dose rito sa Xanthe. 1:30 na ngayon at wala na kaming pasok. Ayoko rin namang umuwi kasi boring sa bahay.
Parang dati lang ay mas gusto ko pa 'yung nagkukulong nalang ako hanggang dumilim e. Pero ngayon parang ayoko nang umuwi.
"Ayoko na Gwyn mamamatay na ako kakatawa." Sabi n'ya habang sapo sapo 'yung tiyan. Nananakit na ata kakatawa.
"Ikaw 'tong ayaw tumigil e." Sabi ko naman habang patuloy paring nagi scroll sa newsfeed.
Kanina pa s'yang gan'yan e, hindi natahimik tapos pag sinagot ko bigla biglang tatawa sabay isisisi sa akin. Parang tanga e.
"Pero seryoso ako sa tanong ko." Sabi n'ya pagkatapos pakalmahin 'yung sarili n'ya.
Binaba ko naman 'yung phone ko tsaka inirest sa sandalan ng sofa 'yung ulo ko.
"Wala naman akong kahit anong gusto sa ngayon." Sabi ko. "Tsaka tatanggapin ko naman kahit ano." Dagdag ko.
"Kahit 'yung pictures ng pogi kong mukha? O kaya tshirt na may mukha ko sa gitna?" Sarkastikong tanong n'ya.
Nagkasalubong 'yung kilay ko. Ayaw talaga paawat e. "Gusto mo umpog ko ulo mo?" Banta ko.
Napatawa nanaman s'ya ng malakas. "Sabi mo kasi kahit ano e." Sabi n'ya.
"Sana man lang pinagana mo common sense mo kahit saglit lang."
Mas lalong lumakas 'yung tawa n'ya. Hindi na ata s'ya napapagod kakatawa e. Mamaya mabutasan na tiyan neto tapos sa akin isisisi.
Napatingin ako sa dumating. Tsaka inayos 'yung pagkakaupo ko. Pero hindi parin tumitigil sa pagtawa 'yung isa.
"Stop laughing Rune." Ascen said. "Kung hindi nakasuot ng headphones 'yung mga naglalaro sa baba maririnig malakas at mapangit mong pagtawa e." Lumakas s'ya sa pagitan namin papunta sa harap ng salamin na nakasabit sa pader malapit sa pinto ng silid na narito.
"Grabe sa pangit, kala mo naman ang ganda ganda ng tawa mo." Masama ang tinging sabi ni Rune.
Well, hindi maikakailang maganda nga pakinggan 'yung tawa ni Ascen. Siguro e isang beses ko palang din naririnig, 'yung araw na kumain kaming tatlo sa bahay nila Rune.
"Not as ugly as yours tho." Sabi ni Ascen tsaka sinabit sa tabi ng salamin 'yung neck tie na suot n'ya kanina bago pumasok sa loob.
"Gwyn."
Napatingin ako kay Rune. "Bakit."
Sarkastiko n'ya kong nginitian. "Sino may mas magandang tawa, sa akin o kay Ascen?" Tanong n'ya.
Napaka weirdo ng taong 'to o sadyang isip bata lang talaga.
"Nakakasawa na sayo kasi kanina ko pa naririnig, kaya kay Ascen mas maganda." Sagot ko.
Nalukot 'yung mukha n'ya. Tsaka naman nalipat kay Ascen 'yung tingin namin na kalalabas lang mula sa loob kasi nagpalit.
"Told ya." Sabi n'ya tsaka naupo sa sofa. "Kumain na kayong dalawa?" Tanong n'ya.
"Yes." Sabi ko.
Bigat ng ulo ko, hindi ko alam kung bakit. Naka recover na nga ako sa nangyari no'n e, higit isang linggo na nakakalipas. Baka sa antok lang 'to.
"Stop glaring dumbass, you look scary."
Napatawa ako sa sinabi ni Ascen. Hindi ko na napigilan sarili ko. Hindi ko rin alam bakit bigla bigla nalang akong napatawa e, lumalabas na ata pagiging mababaw ko, o sadyang nakakatawa lang talaga sinabi ni Ascen—
Napatingin ako sa kanilang dalawa. Tsaka itinigil 'yung pagtawa. "Bakit?" Takang tanong ko.
Hindi sila sumagot agad, nakatitig parin sa akin.
"Ikinagagalak kong magisa ni Ascen kahit ilang beses makita ka lang ulit tumawa." Sabi ni Rune.
Oh.
Inirest ko 'yung ulo ko sa sandalan ng sofa at tumitig sa ceiling.
"Kinagagalak ko rin 'yan." Sabi ko.
Tumahimik ulit saglit. Pero hindi ako nag abalang iayos 'yung ulo ko para tignan silang dalawa.
"Then should I roast you now Rune?"
Napalunok ako sa sinabi ni Ascen. Anong ibig n'yan sabihin do'n?
"Sus gusto mo lang makitang tumawa si Gwyn e." Sabi naman ni Rune.
Oh.
Tumahimik sila. This time mas matagal na.
Inayos ko ulit 'yung pagkakaupo ko tsaka ibinalik na sa kanila 'yung tingin ko.
"Naalala ko lang." Sabi ko. "Hindi ba dapat inaaddress ko kayo as kuya?" Sarkastikong tanong ko.
"That would be weird." Rune said. "Subukan mong tawagin akong kuya makikita mo paano ako magalit." Banta n'ya.
"Kahit umapoy ka pa d'yan wala kong pake."
Napatawa nanaman s'ya. Babaw.
"I don't like to be called that way." Ascen said. "Mga pinsan ko lang natawag sa akin no'n. Besides, hindi na tayo nalalayo sa friends."
"Woah woah woah woah woah." Hindi makapaniwalang tumingin si Rune kay Ascen. "Anong mean mo sa hindi nalalayo sa friends? Magiging friends palang kayo o may something na sa inyong dalawa?"
My brows arched.
"Shut up." Nagkatinginan kaming dalawa ni Ascen dahil sa sabay naming pagsabi no'n. Pero agad ding nabaling kay Rune 'yung tingin namin dahil sa bigla n'yang pagtangong.
"May sinisikreto ba kayo sa 'king dalawa ha?" Tanong ni Rune.
"Sira ulo wala." Diretsong sagot ko.
"She's right, and friends 'yung gusto kong sabihin wala nang iba." Sang ayon naman ni Ascen.
Nadidismaya ang mukhang bumalik sa pagkakaupo si Rune. "Pangit naman n'yan, kala ko mero'n na e."
Nailang kami pareho ni Ascen dahil sa sinabi ni Rune. Bakit kasi ayaw huminto sa kadaldalan 'tong taong 'to. Pinapahiya ako e, imbes na tuluyan na kong maging komportale gumagawa parin s'ya ng dahilan para maudlot 'yon.
"Bakit biglang tumahimik?" Tanong ni Rune.
"Papansin ka e." Sabi ko dahilan para mapatawa nanamam s'ya.
"Stop laughing Rune." Sita ni Ascen.
"Sus kala mo naman hindi natatawa, halatang nagpipigil ka lang d'yan e." Sabi ni Rune.
"Hindi ako gano'n kababaw. Tsaka naiinis na nga 'yung tao sayo tinatawanan mo pa." Sabi naman ni Ascen.
Napatigil sa pagtawa si Rune tsaka sinamaan nanaman ng tingin si Ascen. "Siguro ipinanganak ka para maging kontrabida sa buhay ko 'no."
Tumango naman si Ascen sa sinabi ni Rune.
Napabuntong hininga ako. Tsaka lihim na napangiti. Kumpara sa mga normal na araw naming magkakasama, iba 'yung ganito na wala kaming ibang iniisip kung hindi 'yung mga nangyayari lang mismo rito at nakakatuwa 'yon.
BINABASA MO ANG
HACKED: CODE X
Mystery / Thriller"She lived through screens and silence, until one call, one message, turned her world into chaos, forcing her to feel, trust, and face the darkness she'd long ignored." Story Title: HACKED Genre: Mystery - Thriller Status: COMPLETED Chapters: 100
