"Sino naman 'yung tinutukoy mong tumulong at nagsulsol sayo para gawin 'yung krimen?" Tanong ng pulis.
Hindi sumagot si Andrew.
"Iho? Pwede mo bang sagutin?" Tanong ulit nung pulis.
"Hulihin n'yo nalang ako kesa sabihin ko 'yan since ako ang pumatay, wala na s'yang kinalaman dito." Sagot n'ya.
"Hindi 'yon pwede at kailangan naming malaman ngayong sinabi mo na." Sabi ng pulis.
"Hindi ako magsasalita kahit anong pamimilit na gawin n'yo sa akin." Sabi naman ni Andrew.
Nagkatinginan 'yung mga pulis.
"Kung gano'n, sumama ka na sa amin." Aya ng pulis tsaka agad na pinosasan 'yung lalake.
Hindi parin makapaniwala ang lahat sa mga nalamat at sa mga nakikitang pangyayari ngayon.
Sinundan lang nila s'ya ng tingin sa paglabas ng classroom nila.
Nasa pinto naman ako at nakasandal, hindi rin nag abalang pumagilid sa paglabas ng ibang mga pulis para mas mabantayan si Andrew.
"Codex."
Agad akong napatalikod at tinignan s'ya pero likuran na ng mga pulis 'yung nakikita ko na naglalakad palayo ng corridor.
My brows arched at what he whispered when he walked past beside me.
How the hell did he knew about Codex?
"Thanks for your cooperation, and we're sorry for putting you in detention."
Nabalik ako sa sarili ko. "I understand sir." I said.
Tinanguan n'ya lang ako tsaka sumunod na sa paglalakad paalis ng building.
Hindi parin maalis sa utak ko 'yung sinabi n'ya.
"Ascen par, tara sa com shop?" Napatingin ako kay Rune na umakbay sa akin. "Lutang ka ata?" Tanong nito.
I removed his right arm. "I'll tell you later why." I said.
We started walking downstairs. Pinauna lang din namin kaninang makababa 'yung mga professors pagkatapos nung mga pulis at nung suspect.
"Ang hilig mong mang bitin, hindi mo nalang sabihin agad." Reklamo ni Rune.
"Just shut up—"
Agad kaming napatalikod at napatingin sa pinanggalingan ng tunog ng pagbagsak.
Sht.
Dali dali kaming lumapit kay Gwyn na s'yang bumagsak, luckily narating na namin 'yung first floor at hindi gano'n kataas 'yung pinagbagsakan n'ya.
I almost forgot about her being with us.
"She's unconscious." Rune said.
"I'll carry her." Nagkatinginan kaming dalawa ni Rune sa sabay naming pagsabi no'n.
"No, you did your part, it's me now." I said.
Tinaas naman n'ya 'yung dalawa n'yang kamay tsaka naglakad palayo kay Gwyn.
"Good."
Agad akong pumunta sa side ni Gwyn tsaka dahan dahan s'yang iniangat at binuhat.
Nag umpisa na rin akong maglakad habang buhat buhat s'ya at nakasunod lang din si Rune.
"Be fast but be careful Ascen." Nababahalang sabi ni Rune.
"I know."
Kanina ko pa ring napapansin na ang putla n'ya, sa police station pa lang. Gusto ko sanang itanong kung may sapat ba s'yang tulog, pero hindi ako nagkaro'n ng time kasi naka focus din s'ya sa kaso.
Kung sakaling puyat nga 'yung dahilan nito e sisisihin ko sarili ko.
And that gdamn encrypted file.
Trabaho ko sana 'yon pero s'ya ang gumawa.
"Anong nangyari?" Tanong nu'ng nurse na nandito sa clinic pagkahiga ko kay Gwyn sa kama.
"Nawalan po ng malay nurse." Rune answered.
Sinuri n'ya naman saglit si Gwyn. "She's pale white." She said. "Baka nabigla katawan n'ya sa pagpupuyat o hindi nama'y wala sa tamang oras ng pagkain." Dagdag n'ya.
"Possible po 'yan since ilang gabi na po s'yang walang maayos na tulog, late na ring nakain." Sang ayon naman ni Rune.
"Kung gano'n nawalan lang s'ya ng lakas at bumabawi na ngayon kaya nawalan ng malay." Sabi ng nurse. "Hintayin nalang natin s'yang magising tsaka ko bibigyan ng gamot."
Tinanguan namin 'yung nurse tsaka kami lumapit kay Gwyn na ngayo'y parang mahimbing na natutulog.
"It's my fault." I said.
Napaangat ng tingin sa akin si Rune. "Me too." He said. "Dapat pala ako nalang nag decrypt nung file." Sabi n'ya pa.
Napatingin naman kami sa biglang pagbukas ng pinto at iniluwa ang dalawang lalake na sinusuportahan sa paglalakad 'yung isa pang lalake. Basketball players. Nakasuot kasi ng university jersey. Baka na injury o ano.
Nagtama naman 'yung tingin namin nu'ng isang lalaking nasa kaliwa. Nakipagtitigan lang ako.
Tsaka nalipat kay Gwyn 'yung atensyon n'ya dahilan para magbago 'yung ekspresyon ng mukha n'ya.
"Aray ko par gago!" Daing nu'ng lalaking sinusuportahan nila dahil sa biglang pag tanggal ng braso n'ya sa braso nu'ng nakatitig sa aking lalake kanina.
Mabilis s'yang naglakad patungo sa direksyon namin tsaka lumapit kay Gwyn.
Nag umpisa naman akong magtaka sa kung sino 'to at bakit biglang nabahala sa sitwasyon ni Gwyn.
Is he a boyfriend of her?
"What happened?" The guy then asked.
"She passed out a while ago. But the nurse said it's just because she doesn't have enough sleep, and she's going to wake up sooner or later." Rune answered "Most importantly, who are you?" Rune asked.
Gusto ko rin 'yang itanong.
Kung susuriin ay parang kaedad lang namin s'ya ni Rune. Kapareho ng tangkad, mas malaki lang 'yung pangangatawan.
"His older brother."
Oh.
Kaya pala biglang nag alala nu'ng nakita lagay ni Gwyn. Kapatid n'ya pala.
"Who saw and who brought her here? Kayo ba?" Tanong n'ya.
"Ah oo, binuhat ng kaibigan ko." Sagot ulit ni Rune.
"Thanks." Hindi nag aabalang bumaling ng tingin na sabi n'ya. "Nakita n'yo lang ba s'ya? Saan banda?" Tanong n'ya ulit.
"Actually....." Nagkatinginan kami ni Rune. "We're with her." Rune said.
Do'n na s'ya napatingin sa aming dalawa.
"Why?" He asked.
"We're her friends, you can ask her that when she wakes up."
"I see." Gwyn's older brother said. "Classmates?" He asked again.
"Hindi par, 3rd year na ako, at 4th year 'tong kaibigan ko."
Ba't mo sinabi gago pag tayo nayari d'yan.
Kumunot 'yung noo ng kapatid ni Gwyn dahil sa sinabi ni Rune. "Paano n'ya kayo naging kaibigan? 2nd year palang s'ya." Takang tanong nito.
"We're helping her to recover her hacked phone, you can just also ask her that when she wakes up." I said. "And we don't have any bad intentions "We don't have any bad intentions towards her, we just want to help her. And if you're still unsettled, you can ask her again about it." I paused for a moment. "And I promise that he will be safe with both of us."
BINABASA MO ANG
HACKED: CODE X
Детектив / Триллер"She lived through screens and silence, until one call, one message, turned her world into chaos, forcing her to feel, trust, and face the darkness she'd long ignored." Story Title: HACKED Genre: Mystery - Thriller Status: COMPLETED Chapters: 100
