CHAPTER 80: CCTV MESSAGE

73 11 0
                                        

"I'm a hundred percent sure that he didn't died outside." Rune said.

Duda rin ako. Kasi dapat do'n mismo sa kung saan tumutuloy si sir Xen at hindi sa eskinita.

"I'll hack the CCTVT of his apartment." Rune said and began pressing the keys of his laptop.

Sana may makalap kaming evidence na si sir Lenard nga 'yung may gawa. Gusto ko na talaga s'yang mapaalis sa uni para mapanatag na ako sa pagpasok. Kasi kung s'ya nga talaga may gawa nung krimen na nangyari kay sir Xen, may possibilities din na makagawa pa s'ya ng ibang crimes at masasabi kong hindi na safe 'yung buhay naming mga estudyante, pati na mga kapwa n'ya professors.

Tsaka gusto ko rin agad mabigyan ng hustisya 'yung pagkamatay ni sir Xen. Hindi ako basta basta mawawalan ng hope. Malaki 'yung tiwala ko rito kina Ascen at Rune. Alam kong matutukoy namin kung paano pinatay ni sir Lenard si sir Xen at kung anong dahilan n'ya kung s'ya nga talaga 'yung pumatay.

"Damn it."

Napatingin kami kay Rune.

"Why?" Ascen asked.

"Lahat ng CCTVs sa ibang room gumagana, pero 'yung kay Xen hindi. Parang may nakatakip na kung anong itim na bagay rito." Sabi n'ya.

"Maybe it's the killer who did that." Ascen said.

"Wait there's a note in it." Rune said. "Para s'yang whole black picture na pweding i-zoom." He added.

"Read it loud." Ascen ordered.

Tumango naman si Rune, and then he cleared his throat. "It's Xen. I intentionally did this to my CCTV so don't worry." Panimula n'ya. "And the moment you hack this, there's a video file that will be sent to Ascen's email."

Napatingin kami kay Ascen na agad ding kumilos at pumunta sa harap ng computer at binuksan 'yon. Nilapag nalang din ni Rune 'yung laptop n'ya at lumapit sa likuran ni Ascen, gano'n din ako.

At makaraan 'yung ilang minuto na pag kalikot sa computer ay nakarating na s'ya sa gmail. Tapos bigla ngang may nagsend na video file sa kan'ya mula sa isang anonymous email.

Ascen heaved a deep sigh before playing the vid.

"Hi guys, Ascen, Rune and Gwyn."

It's a video of sir Xen in his room....

"It's already 1 pm in the afternoon." Sabi n'ya pagkatapos n'yang tignan 'yung relo n'ya. "Aware ako na may mangyayaring hindi maganda sa mga susunod na oras. Pasensya na sa mga malalaman n'yo sa video na 'to. Hindi ko kayo masisisi kung pagkatapos n'yong malaman lahat ay magalit kayo sa akin." He bitterly chuckled.

Marahan lang din kaming nanonood at nakikinig na tatlo.

"Ascen, Rune. Alam kong nagdadive kayo sa dark web."

Ascen immediately paused the vid.

"What? And how?" He asked Rune.

Rune shrugged. "May kadaldalan ako pero hindi ko kailanman nababanggit 'yan sa kan'ya." Sabi naman n'ya.

Kunot ang noong plinay ni Ascen 'yung vid.

"Wag mong sisihin si Rune, Ascen. Hindi n'ya sinabi sa akin."

"Aight that's creepy what the fvck." Rune cursed.

"Matagal ko nang alam, hindi dahil nahuli ko kayo o ano. It's because....." Sir Xen paused for a while. "I don't know if I should say this, but I'm Code X."

"Fvck." We heard Ascen cursed.

"Nakikita ko 'yung mga activities and attempts n'yo sa pagpasok sa organization ng Codex kaya ko nalamang nagdadive kayong dalawa. Pero hindi ko kayo mahack kasi alam kong may kagalingan din kayo pagdating sa security." Napatawa si sir Xen ng marahan. "And I'm proud of the two of you because of that. Dahil sa inyo kaya ko rin napagpasyahang sabihin na kaya kong ibigay 'yung key para malure 'yung organization ng Codex. Pumasok ako sa dark web para mabigyan ng hustisya 'yung pagkamatay ni papa kasi naniniwala akong hindi s'ya nagpakamatay kung hindi ay pinatay. Nalaman ko rin kasing galing sa pinakailalim ng web 'yung mga pumatay kay papa. Kaya napagpasyahan kong pumasok at gumawa ng sariling organization."

"'Yung mga narecruit ko e mga pakalat kalat lang sa chatrooms ng dark web. Sila lang din 'yung mga ginagawa ng crimes na naka display sa name ng organization namin. At nu'ng may isang nakapasok na hindi ko gusto 'yung vibe, umalis na ako. Hindi nila ako pinayagan nu'ng una kasi ako raw 'yung gumawa no'n at hindi ko sila basta basta pweding iwan. Kaya sinabi kong pulis 'yung tatay ko at napapayag sila. Tsaka ko nabalitaan na 'yung kakapasok lang 'yung naging bagong leader nila. Hindi na rin nila pinalitan pa 'yung name ng organization kasi nalaman kong mas kinakatakutan na raw 'yung Codex kaya baka malaos sila sa dark web kaya hindi na nila pinalitan pa. Pero nagsisinungaling lang sila ro'n." Tumawa si sir Xen.

"May access pa ako ro'n sa organization at 'yung mga details no'n kaya hindi nila magalaw lahat ng naiwan ko maski 'yung password. Tsaka nu'ng pagkaalis ko ro'n at nagdidisguise sa dark web bilang ibang tao  e nalaman ko ring mas lumala 'yung crimes na nagagawa ng organization mula nu'ng may pumalit sa akin bilang leader. Wala akong pake sa identity n'ya nu'ng una, pero kalaunan naging interested ako at sinubukang ihack 'yung account n'ya ron na hindi pinapasok 'yung mismong page ng Codex. At nalaman kong si Professor Lenard 'yung pumalit sa akin."

"Well what the fvck? Kaya pala pinagdidiinan n'ya tayo sa mga nakaraang nangyari at ang init init ng dugo n'ya sa atin?" Rune said.

"S'ya 'yung nagsulsol sa estudyante na patayin 'yung Philip sa banyo. S'ya 'yung gumawa ng riddle na about sa Codex du'n sa box sa forest activity nu'ng camping. At s'ya rin 'yung gumawa sa box na parang bomba 'yung lock." Sabi ni sir Xen. "Ascen, ayokong ipakita mo sa pulis 'tong video na 'to. I'm sorry to say but I don't want you to solve my case. Gusto kong ipahuli n'yo si Lenard dahil sa mga nagawa n'yang crimes sa dark web at hindi dahil sa magiging pagkamatay ko. Kaya ko na rin tinakpan 'yung footage ng CCTV ko para hindi mareview ng mga pulis. At kung sakaling may lakas pa ako kapag may ginawa nang masama sa akin 'yon, susubukan kong lumayo rito para sa ibang lugar ako imbestigahan."

Napansin kong lumuluha na si Ascen at Rune. Nasaktan naman ako dahil do'n.

"Oo, aware ako na mamamatay na ako. Hindi na rin ako lalaban pa at gusto kong ipagkatiwala sa inyong dalawa lahat. Gusto kong matapos n'yo na 'yung trabaho n'yong dalawa sa Codex. At tutulungan ko kayo kung paano n'yo gagawin 'yon."

HACKED: CODE XTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon