"You all comfortable here inside now?" Tanong ng prof na hindi ko kilala kung sino.
"Yes sir." They answered in chorus.
Napatingin naman ako sa bintana, tanaw 'yung school building namin.
Kakapasok lang namin sa loob ng big bus na pagmamay ari mismo ng uni. Pinagkasya na rin kaming lahat dito since malaki naman.
7 am palang din ng umaga.
Ang dami kong reklamo ngayon.
Una, aga ko nagising para hindi ako maiwan ng sasakyan. (Binalak kong gawin para hindi makasama pero ginising ako ni mama.) Pangalawa, ang dami dami kong dala at kailangang ingatan para hindi mawala. Pangatlo, napuno ng bilin tenga ko kanina bago ako pinag ingat sa pag alis. Pang apat, hindi ko kilala kung sinong nasa tabi ko ngayon dito sa loob ng bus kasi magkatabi sa ibang upuan si Anika at Zion. Pang lima, dalawang oras 'yung byahe. Pang anim, big bus 'to kaya air-conditioned which is hindi sanay 'yung ilong ko sa amoy. Pang pito,
Nagpakawala ako ng malalim na paghinga.
Hindi ko makikita ng ilang araw sina Rune.
Inandar na 'yung bus kung saan kami nakasakay. Apat lang din 'yung prof na nandito kasi may mga sariling sasakyan 'yung ibang professors, at kaya siguro nagkasya kaming lahat dito e baka may sinakay na ring ibang estudyante 'yung mga prof.
Wala akong iniexpect sa mga mangyayari sa camp. Paniguradong maboboring lang ako ng sobra. Pagkahaba haba rin ng byahe. Baka itulog ko nalang din muna hanggang sa makarating kami ro'n—
"Hi."
Napatingin ako sa babaeng nasa tabi ko.
Hindi ako kumibo.
"Ang weird naman pag magkatabi tayo ng dalawang oras dito tapos hindi tayo nagkikibuan." Sabi n'ya.
Hindi weird para sa akin 'yon. Perfection ang tawag do'n.
"Ako nga pala si Hanna." She introduced.
"Gwyn." Simpleng sabi ko.
"Anong year mo na? Tsaka anong course?" Tanong n'ya.
Hindi ako sumagot agad. Kulit naman neto, imbes na natutulog 'yung tao.
"Cryptography and Network Security, 2nd year." Sagot ko.
"Ooh, mukhang mahirap 'yang course na tinitake mo." Sabi n'ya. "2nd year din ako pero sa Data Science and Analytics."
Napa 'ahh' lang ako. Tsaka ibinalik sa bintana 'yung tingin ko. Subukan mo pang magsalita d'yan tamo.
"Bakit hindi mo katabi 'yung mga kaklase mo? Tatluhan kasi 'yung upuan sa kaliwa e."
Napapikit ako. Tsaka napasinghap.
"Sa pandalawahan umupo 'yung dalawa kong kasection." Sagot ko.
Tsaka nagtataka nga rin ako sa kan'ya kung bakit sa akin s'ya tumabi sa dinami rami ng bakante kaninang dumating s'ya.
"Ah gano'n ba."
Mas nakakapikon pa 'to kesa kay Lucy. Pinapakita ko na nga lang na hindi ako interesado salita parin nang salita.
Naalala ko namang may dala akong Bluetooth headphones. Agad ko 'yon kinuha sa bagback ko na narito at ikinonek 'yung phone ko. Subukan mo pa talagang kausapin ako, masusubukan mong kausapin sarili mo.
Ipinilig ko 'yung ulo ko para mas komportale. Tsaka ipinikit 'yung mga mata ko.
fw
Naalimpungatan ako dahil sa mga boses na bahagya ko na maintindihan.
Iminulat ko 'yung mga mata ko. Pansin kong nagsisitayuan na ang lahat dito sa loob ng bus. Kaya nama'y napatingin ako sa labas ng bintana.
Makahoy. Province ba 'to? Wala rin akong makitang mga bahay. Puro kahoy lang talaga.
"Baba na Gwyn, sabi ni sir."
Hindi ko pinansin 'yung katabi ko tsaka binaba 'yung suot kong headphone sa leeg ko at kinarga 'yung bag ko patayo. Hinintay ko lang din na makalabas 'yung iba tsaka ako naglakad na rin palabas ng nakakasuffocate na bus.
Napahinga akong maluwag pagkalabas ko. Sariwa 'yung hangin kumpara sa city. Sobrang hangin gawa ng mga puno na narito. Lupa rin 'yung dinaanan ng bus papunta rito at walang kahit anong semento. Napapawonder tuloy ako kung gaano kalayo 'yung bilihan mula rito.
"Let's move guys! Carry your things!" One of our prof shouted.
Kainis. Mag backpack ako sa likod, may messenger bag, at may bitbit na tent at 'yung lagayan ng laptop ni Ascen. (Na need kong ingatan kesa sa buhay ko.)
Sumunod lang kami sa paglalakad sa daan na bahagya na madaanan kasi tinubuan na ng mga damo.
At ilan pang minuto ng paglalakad ay nakarating na kami sa campsite. Nice.
Kung idedescribe 'yung lugar e nasa gitna s'ya ng kakahuyan. May mga upuan at mesa na gawa sa kahoy na narito. May sockets din na nakalagay sa mga poste at may shade para hindi maulanan. May mga ilaw din at switch. Tapos malawak na pagtatayuan ng mga tent. May mga comfort rooms din na narito. Mukha nga lang abandonado.
Halatang camp site nga.
Problema lang e nasa gitna ng forest at parang malayo talaga sa city.
"You can now build your tents so that you can secure your things inside!" Sigaw ule nung isang prof.
Nagsikilos naman ang lahat.
Ang iba'y magkasamang nagpapatayo, siguro e magsasama sa isang tent. At 'yung iba naman at kan'ya kan'ya. Samantalang 'yung mga babaeng prof ay isang malaking tent lang 'yung pamamalagian. Gano'n din 'yung ibang mga lalaking profs.
Inilibot ko naman 'yung paningin ko para maghanap ng maayos na pwesto na s'yang pagtatayuan ko ng tent.
"Follow me Gwyn."
Napatingin naman ako sa nagsalita.
Sir Xen.
Sinundan ko s'ya sa paglalakad hanggang sa makarating kami sa bahagi ng campsite na natatakpan ng lilim ng mga puno.
"Okay ka na rito?" Tanong n'ya.
"Opo sir." Sagot ko.
Sa hindi malamang dahilan at napatawa s'ya. "Sasabihin ko sanang masyado kang magalang pero naalala kong school days pala ngayon." Sabi n'ya. "Pero pwede mo parin akong tawaging Xen lang, marinig man ng ibang professors o hindi." Dagdag n'ya.
Kung tutuusin para nga kasi talaga s'yang sila Rune lang. Pero parang wala kasing respeto kasi nga prof din s'ya.
"Sige sir Xen." Sabi ko dahilan para yumawa s'ya ulit.
Inumpisahan na naming itayo 'yung mga tent namin. Naunang natapos si sir Xen kaya tinulungan ako sa akin hanggang sa matapos na kami pareho.
Napatingin ako sa iba at patuloy parin sa pagtayo. Halata ring nag eenjoy 'yung iba sa ginagawa nila at nasasabik sa mga susunod na mangyayari.
Nagpakawala ako ng malalim na paghinga.
Not me tho.
BINABASA MO ANG
HACKED: CODE X
Mistério / SuspenseThis story revolves around a woman who, like many others, is invested in the world of gadgets, particularly computers. She cannot let a day pass without surfing the internet or playing online games. Consequently, this has caused her to distance hers...