CHAPTER 61: ESCAPE

78 11 0
                                        

Nang makarinig ako ng isang sigaw ay agad kong iniba 'yung direksyon ko sa pag takbo para puntahan 'yung pinagmulan 'yon.

Kahit magulo ang isip, kinakabahan at hindi alam kung anong nangyayari ay mas pinili kong alamin kung saan nanggaling 'yung sigaw at kung sino 'yon.

Patuloy lang ako sa pag takbo. Pagod na ako. Kanina pa ko dehydrated, hindi ko alam kung may natira pang tubig sa plastic bottle na dala ko. Bakit kasi mas pinili ko pang puntahan 'yon imbes na tinatahak ko na 'yung daan pabalik sa site kahit wala kong kasiguraduhan kung nasaan 'yon?

Napatigil ako sa pagtakbo. Napatigil din 'yung nagkasalubong ko. Kinakabahan s'ya. Tsaka parang hindi pa nakakalayo sa pagtakbo. Hindi s'ya pagod, pero halatang dahil sa kaba nangagaling 'yung mga pawis n'ya sa mukha. Hindi ko rin alam kung bakit nakatitig s'ya sa akin ngayon na parang may gustong sabihin. Actually pareho kaming kinakabahan at nanginginig, pero hindi ko alam kung anong dahilan ng kan'ya. Teka...

"Galing ka sa pinagmulan nung sigaw." Natauhang sabi ko. Tsaka... "Ikaw din 'yung may kaaway kanina."

Nanlaki 'yung mga mata ko.

"Hi-hindi. Wag kang nambibintang." Nakaiwas ang tinging sabi n'ya.

Mas lalo akong nagtaka. "Pinagbibintangan saan?"

"Wala, wag ka nang magtanong." Galit n'yang sabi tsaka naglakad paalis.

Pero bago pa s'ya makalayo ay pinigilan ko sa pamamagitan ng paghila sa kaliwang braso n'ya. Tsaka ako mas nagulat sa nakita kong bahid ng dugo sa suot n'yang sweatshirt.

Marahas n'ya namang inalis 'yung kamay ko na humila sa kan'ya. "Pwede ba wag kang epal? Ni hindi nga kita kilala tapos bigla bigla ka nalang nangengealam sa ibang tao? Kapal naman ng mukha mo."

Great. Now that's what you get for not leaving her alone.

Kahit napaka suspicious n'yang babae e hinayaan ko nalang s'yang naglakad palayo. Tsaka ipinagpatuloy ko 'yung pagtakbo mula sa pinanggalingan nung sigaw.

At hindi pa nakakaabot ng tatlong minuto, mula rito sa tabi ng puno na parang pamilyar sa akin ay natanaw ko na 'yung katawan ng babae na nakasandal sa isa pang puno. S'ya 'yung babaeng katabi ko sa bus. S'ya rin 'yung nakaaway nung babaeng nakasalubong ko. At dito rin 'yung lugar kung saan ko sila nakitang nag aaway kanina. Tapos patay na rin 'to. Hindi kaya?

Kahit gulat sa nakita ay mabilis akong tumakbo pabalik sa direksyong pinanggalingan ko na s'yang tinahak nung babaeng nakasalubong ko kanina. S'ya pumatay do'n, wala nang iba. Bago ko sila iniwang nag aaway kanina e ang tataas na talaga ng mga boses nila to the point na magkakasakitan na. Kaya rin ako hindi na nangealam pa at baka madamay. Pero ang iniexpect ko lang na sakitan e 'yung sabunutan gano'n since pareho silang babae, pero hindi.  Hindi ko inakalang makakaya n'yang patayin 'yung nakaaway n'ya sa simpleng puzzle lang.

Pero hindi parin ako pweding mag conclude agad, baka may iba pang nag ugatan ng away nila bukod do'n. Kahit na, kung ano man 'yon e hindi parin sapat para pumatay s'ya.

Ilang minuto na ang nakakalipas, takbo at lakad na 'yung ginagawa ko para mahanap 'yung nakasalubong ko kanina. Kahit hindi ko alam 'yung susunod kong gagawin kapag nakita ko s'ya. Pero kung lalayo s'ya ro'n, mas lalong mahihirapan 'yung iba para matukoy kung sinong pumatay do'n kapag may nakakita na.

Nasaan na ba 'yon? Sobrang pagod na ako. Kanina pa ko natakbo, dumidilim na rin. Hindi ko alam kung safe pa ba rito kapag gumabi na at hindi ko pa s'ya nakikita.

Napatigil ako. Tsaka agad ding tumakbo nu'ng makita ko na kung nasaan s'ya.

"Bakit mo ba ako sinusundan?!" Galit n'yang sigaw nu'ng makita n'ya ako.

"Ikaw 'yung pumatay." Hinihingal kong sagot.

Hindi naman s'ya makapaniwalang tinitigan ako.  Tsaka pilit na tumawa na parang nasisiraan na ng ulo. "Pumatay? Kanino? Baliw ka ba?" Sunod sunod n'yang tanong.

"'Yung babae kaninang kaaway mo. Ikaw 'yung pumatay do'n." Sabi ko. "May bahid din ng dugo sa suot mo." Dagdag ko pa.

"Tanga ka ba? Hindi ba pweding magtanong ka muna bago ka magparatang? Hindi ba pweding nasugat lang ako?" Halata paring nanginginig s'ya, pero nahahaluan ng galit.

"Malaki nga 'yung chance na masugatan ka since nasa gubat tayo. Pero sa case mo, hindi gan'yang karaming dugo 'yung pweding mawala sa simpleng sugat lang at kung gan'yan karami nga 'yung nawala sayo, paano mo pa nagagawang tumakbo? Kung idadahilan mo namang hinahanap mo 'yung site, iba naman 'yung dinadaanan mo. Tsaka kung totoo rin ngang hinahanap mo 'yung site para magamot ka agad, hindi ba dapat nu'ng nakita mo ako kanina e nagpatulong ka na sa akin?"

Hindi s'ya agad nakaimik.

Hanggang sa tumalikod s'ya. "Wala ka nang pakealam, tsaka pwede ba? Bumalik ka na ro'n at wag mo akong susundan." Galit parin s'ya.

"Hindi." Simpleng tugon ko. "Hindi ako babalik do'n hangga't hindi kita kasama."

Natatawang humarap s'ya sa akin. "Kasama? Sa tingin mo sasama ako sayo?"

"Sapilitan."

Nag iba 'yung ekspresyon n'ya tsaka dali daling tumakbo. At kahit pagod na pagod ako ay bigla ko s'yang sinundan. Hangga't maaari dapat hindi ko s'ya maiwala sa paningin ko. Walang ibang sagot sa krimeng 'yon kapag hindi ko s'ya maibabalik do'n. Kung kinakailangan ding gumawa ako ng violence, gagawin ko.

Umiba ako ng direksyon. Hindi para tigilan na 'yung paghabol sa kan'ya. Kung hindi ay para abangan s'ya sa likuran ng isang puno at do'n huhulihin.

Bigla s'yang huminto at pilit na umatras. Bwiset nakita ako.

"Wag kang lumapit! Iwanan mo na ako!" Sigaw niya na puno ng takot at galit.

Pero hindi ako nagpatinag. Itinuloy ko ang paglapit hanggang sa maramdaman ko ang lamig ng kanyang hininga sa aking mukha. Hindi rin s'ya kumibo. "Hindi ako aalis hangga't hindi ka sumasama sa akin. Kailangan kitang dalhin pabalik do'n sa lugar ng krimen." Determinadong sabi ko.

Biglang gumuhit sa kanyang mga labi ang isang mapanukso at mapanganib na ngiti. "Kung ganyan ka katapang, mukhang mapapagod ka sa paghabol sa akin." Sabi niya sabay suntok sa aking mukha.

Napaatras ako sa malakas dahil do'n. Ina naman. Pero  hindi iyon sapat para mapatigil n'ya ako. Nag-init 'yung dugo ko tsaka lumaban ako nang buong tapang. Isinugod ko ang aking mga kamao at sinubukan kong ipagtanggol ang sarili ko.

Ang amoy ng lupa at damo ang sumalubong sa akin habang kami ay nagpapalitan ng suntok at sipa. Ilang beses na rin akong bumagsak, pero gano'n din s'ya. Bawat indayog ng katawan ko ay sinasagot ng kanyang salak-salak na galaw. Ang aking mukha ay nasasaktan, pero hindi ako nagpatalo. Feel ko dami ko na ring pasa sa mukha.

Pero sa isang maling galaw, nakuha niya akong palayasin. Sinuntok niya ako sa mukha, tsaka nadama ko 'yung sakit na sumalubong sa aking pisngi. Kainis, sobrang sakit.

Huminto ako sa pagtakbo at tinawag siya, pero mabilis siyang tumakbo palayo sa akin. Hindi ko matanggap na siya 'yung makakalusot sa akin. Masyado akong nagtiwala sa sarili ko.

Ang paglalakbay sa dilim ay nagpatuloy. Ang mga malalaking puno ay nagdulot ng lalong kalituhan sa paligid. Maaari kaming maligaw, ngunit hindi iyon ang dahilan upang tigilan ang paghahabol. Itinuloy ko ang aking pagtakbo, hanggang sa abutin namin ang hangganan ng kagubatan.

Sa dulo ng kagubatan, kami ay nagkawatak-watak. Sa gitna ng madilim na gabi, nawala ko siya sa aking paningin. Inisip ko na maaaring tumakbo siya paikot o nagtago sa mga puno. Bawat hakbang ay sumisigaw ang laman ng aking puso, hindi ko siya puwedeng hayaang mawala.

Naglakad ako nang dahan-dahan, matalim na mga mata na nagbabantay sa bawat sulok. Ang kalamigan ng gabi ay nanginginig sa aking balat. Tinitigan ko ang mga malalaking puno, umaasa na makakakita ako ng anumang senyales na nagpapahiwatig ng kanyang presensya.

Pero sa gitna ng aking paghahanap, ako ay napahinto. Great.

Nareach ko na 'yung nilagay ng mga prof na string, at napigtas na ako. Isa lang ibig sabihin no'n, nakalayo na s'ya.

HACKED: CODE XTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon