"I forgot to tell you Gwyn, starting from hindi mo muna ako makakasabay papasok sa school." Kuya Gyro said.
We're currently eating breakfast. Friday na rin and wala namang unusual na nangyari kahapon, hindi ko rin nakita 'yung dalawa sa campus. Ang nalaman ko lang ay may kumakalat na news na nakita raw si Rune na may inangkas na babae tapos hindi nila makilala kung sino. Usap usapan nga 'yon hanggang sa section namin. 'Yung iba sinasabi nalang na baka kapatid n'ya raw.
Mabuti nga naisipan ko magpalit ng bag kahapon bago pumasok, kung hindi baka makilala ako. Hindi ko naman alam na gano'n talaga s'ya kasikat sa school namin. Pag nalaman nila, yari ako d'yan.
"Hoy Gwyn."
Nabalik ako sa sarili ko. "Ano?" Tanong ko.
"Sabi ko hindi muna kita makakasabay." Sagot n'ya.
"Buti naman." Nakatanggap ako ng palo sa kan'ya. "Biro lang e." Bawi ko.
"Kumakain kayo, wag kayong nag babangayan d'yan dalawa." Sita ni mama.
"Hindi mo ba tatanungin kung bakit hindi muna kita makakasabay?" Tanong ulit ni kuya.
"Bakit?"
As if naman interested ako, mahalaga wala munang mangiinis sa akin habang naglalakad ako papasok sa school.
"Magiging busy na kaming mga 4th years, baka madalang nalang din akong umuwi rito sa bahay. May out of school activities kasi kami." Pagpapaliwanag n'ya.
Napatango naman ako. "Good luck par." Sarkastikong sabi ko.
"Wag mo kong pinapar par d'yan Gwyn."
Tumawa ako ng marahan bago tinapos kumain tsaka uminom ng tubig. "Una na ko." Sabi ko.
"Aba ayaw mo ata akong makasabay kahit isang beses lang."
"Tama ka d'yan par." Natatawang sabi ko tsaka mabilis na naglakad paakyat tungo sa banyo ro'n para magsipilyo at mag ayos.
Pagkatapos ay kinuha ko na 'yung messenger bag ko tsaka isinuot 'yon bago bumaba ng hagdan. Pagbukas ko ng pinto ay bumungad sa akin si kuya na nakataas ang kaliwang kilay.
"Para kang ewan, tara na nga." Pansin ko tsaka naglakad na.
Sumunod lang s'ya. "Pag grumaduate na ako Gwyn hindi mo na ako makaka-bonding." Sabi n'ya. "Bakit parang wala lang sayo."
Binalingan ko s'ya ng tingin. "Naba-bother parin naman ako kuya, pero hindi naman natin mababago 'yon. Tsaka 2 years from now gragraduate na rin ako." Sabi ko.
"Sa bagay." Sang ayon n'ya naman. "Pag grumaduate na ako hindi na kita mababantayan sa school, paano pag may kumursunada sayo d'yan."
Sinamaan ko s'ya ng tingin. "Wag ka kasing nagsasabi ng gan'yan, masyado ka namang nag ooverthink."
Pero simula't sapul si kuya lang talaga kasama ko kahit saan. Kung saan school s'ya napasok naro'n din ako. Kaya kapag binubully ako dati lagi n'ya kong naipagtatanggol. Pero nagtagal natigil din sila kasi nga natakot na kay kuya. Sa totoo lang nalulungkot din ako sa thought na hindi na mauulit 'yon kahat kasi kalaunan, pagka graduate n'ya, magiging busy na s'ya sa paghahanap ng trabaho. Tapos pag nagkatrabaho na, magkakaroon na rin 'yan ng pamilya sunod. Pero gaya nga rin ng sabi ko, gano'n naman talaga ang dapat na mangyari, at hindi ko mababago 'yon.
Ilang minuto pa ng paglalakad ay nakarating na kami sa school. Humiwalay na rin ako ng daan kay kuya kasi magkaiba kami ng papasukang school building.
Nahinto ako sa paglalakad. Pupunta pala akong faculty para magpagawa ng bagong student email, kasi sa hindi ko malaman na dahilan, pati 'yung email ko kasama sa mga na-hack.
"Good morning po." Bati ko pagdating ko sa loob ng faculty.
May dalawang profs na narito sa loob. Hindi pamilyar sa akin 'yung isa at ngayon ko lang nakita rito.
"Oh Ms. Gonzales, anong sadya mo rito?" Tanong ng adviser namin.
Naglakad ako palapit sa kan'ya. "Gusto ko po sanang magpagawa ulit ng student email, nabura po kasi 'yung akin." Sabi ko.
"Paanong nabura-oh, na-hack nga pala cellphone mo." Sabi ng prof ko. "Du'n lapit ka kay sir Xen, s'ya kasi naga-assist d'yan." Turo n'ya sa isang prof na narito sa loob. "Mauuna na ako, may klase pa ako." Tumayo na 'yung prof namin tsaka binuhat 'yung laptop n'ya. "Sir Xen ikaw na bahala sa kan'ya." Bilin ng prof ko tsaka tuluyang umalis ng faculty.
Lumapit naman ako sa guro na pinagbilinan sa akin ni sir Lenard. Kung tatantsahin ko e bata pa s'ya. Baka hindi nga nalayo sa edad ng kuya ko. Pati kasi sa itsura at pananamit, mahahalata mo talagang bata pa s'ya.
"Anong name mo?" Tanong n'ya.
"Gwyn po." Simpleng sagot ko.
Napatahimik s'ya saglit. Hindi ko alam kung bakit. Tumigil din s'ya sa pagtipa ng keyboard ng desktop na ginagamit n'ya.
"Upo ka Gwyn." Alok n'ya.
Agad naman akong umupo.
"So narinig ko na nawala student email mo right?" I nodded. "Full name mo?"
"Gwyneth Gonzales po sir." Sagot ko.
"Okay let me search it." He said, his eyes fixed on the monitor. "Wala nga." Sabi n'ya. "But you're studying here before?"
"Opo, second year na po ako ngayon."
He awkward chuckled. "Oh I see. Pasensya na bago pa lang din kasi ako rito. Kakagraduate ko lang last year." Sabi n'ya.
Kaya naman pala mukhang bata pa.
"Just wait there, I'll make you a new one." He said.
Tumango naman ako.
Napakatahimik ng buong silid lalo't dadalawa lang kami rito sa loob. Tanging pag andar lang aircon 'yung maririnig mo at 'yung pagtama ng mga daliri ni sir sa mga keyboard na tinitipa n'ya ngayon.
"Anong course na tinitake mo Gwyn?"
Nabalik ako sa huwisyo. "Ah cryptography and network security po." Sagot ko.
"Ooh, same tayo. Pero mas pinili kong magturo nalang." Sabi n'ya. "Ikaw ba? Bakit ka kumuha ng cryptography?"
"Personal Reasons po sir pasensya na." Sagot ko.
"Intindi ko." Tugon n'ya. "Hindi ka ba nahihirapan o ano?" Tanong n'ya ulit.
"Kakaumpisa palang naman po pero for sure mahihirapan din ako."
Tsaka lahat naman ng course mahirap i-take e, kaya kahit saan pa ako mapadpad, hinding hindi ko mararanasan 'yung grumaduate agad na hindi nahihirapan.
"Kung passion mo naman talaga 'yan, malelessen 'yung hirap." Sabi ni sir. "Pero good luck ha, sana pagdating ng panahon malaman kong naka-graduate ka na."
Sa hindi malamang dahilan ay napatango ako sa sinabi n'ya. Bakit?

BINABASA MO ANG
HACKED: CODE X
Mystery / ThrillerThis story revolves around a woman who, like many others, is invested in the world of gadgets, particularly computers. She cannot let a day pass without surfing the internet or playing online games. Consequently, this has caused her to distance hers...