CHAPTER 29: PLAN

41 9 0
                                    

I shrugged. "I don't think I'll look to that professor the same way as before." I said.

O baka nga tsaka ko nalang s'ya magawang lapitan kapag time na namin sa kan'ya. Ayoko nang makita 'yung sarili kong lumalapit sa kan'ya.

"That's right Gwyn, kapag napatunayan naming may kinalaman s'ya sa crime e need mo na talagang layuan s'ya." Sang ayon ni Rune.

My forehead knotted. "So may possibility na may kinalaman s'ya sa pagkamamatay nu'ng Philip?" Takang tanong ko.

Tumango s'ya. "Pero kung wala, gaya nga ng sinasabi ko kanina, mas paniniwalaan nalang naming concerned s'ya sa namatay." Sagot n'ya. "Pero iba talaga dating ng pananalita n'ya kanina e, parang may dinidepensahan pa s'ya." Dagdag n'ya.

"Duda rin ako sa gurong 'yon, hindi ko alam kung ignorante lang ba talaga s'ya o talagang may kinalaman sa crime." Sabi pa ni sir Xen.

"Hindi po ba kayo close no'n sir Xen?" Tanong ko.

Umiling s'ya. "Simula nu'ng magtrabaho ako ro'n iba na talaga trato n'ya sa akin. I mean hindi naman 'yung parang iniiwasan, pinagtataasan ng boses o laging pinapagalitan. Ang napapansin ko lang e sa ibang mga bago maayos s'ya mag approach, pero sa akin parang may kasama pang sama ng loob. Kapag nga nanlilibre s'ya sa buong faculty staffs e hindi n'ya ako isasama tapos magsosorry tsaka sasabihing nakalimutan ako kasi bago palang ako ro'n." Kwento n'ya. "Pero hanggang ngayon wala parin namang nagbago."

Kahit pala sa mga faculty staffs may nangyayaring gano'n. Matatanda na sila pero hindi parin nila alam paano tumrato ng parepareho sa mga katrabaho. Kung tutuusin parang ang immature ng mindset na 'yon.

"Baka naman hindi lang matanggap na mas magaling ka sa computers kesa sa kan'ya na mas matanda sayo." Sabi ni Rune.

"Ilang taon na ba 'yung gurong 'yon?" Tanong ni sir Xen.

"I think nasa 35 above na po sir." Sagot ko.

"Ang uncomfortable pag tinatawag ako ng kaibigan nila Rune ng sir, kahit Xen nalang Gwyn. Tsaka 23 palang naman ako, hindi nalayo sa kanilang dalawa ni Ascen." Sabi n'ya.

Naiilang akong tumawa. "Nakakahiya naman po kapag Xen nalang ang itawag ko sa inyo." Sabi ko.

"Okay lang, kung kaibigan ka nila Rune." Sabi n'ya naman.

"Tama s'ya Gwyn, tsaka mo nalang s'yang tawaging sir kapag nasa uni tayo gaya ng ginagawa namin nila Ascen." Sang ayon pa ni Rune.

Okay sabi n'yo e. Kamalayan ko ba kasing kaibigan n'yo s'ya. Tsaka kung titignan mo silang tatlo e para nga lang silang magkakaedad, mas mature lang talaga tignan si sir Xen kumpara sa dalawa.

"Try hacking to their CCTV system Rune, du'n mismo sa computer lab."

Pareho silang nakatutok sa iisang laptop ngayon at si Rune ang tumitipa.

"Already hacked and in." Rune said.

"Pag nahanap mo na 'yung footage copy it para mas secure." Xen.

Marahan ko lang silang pinapanood na dalawa.

Hanggang ngayon nag aalala parin ako sa lagay ni Ascen. Napapaisip ako kung anong ginagawa n'ya ro'n ngayong wala s'yang hawak na kahit anong gadgets.

"Hindi ba hahanapin si Ascen ng parents n'ya?" Biglang tanong ko.

Nag angat ng tingin si Rune. "Nasa abroad parents n'ya gaya ng parents ko kasi may mga businesses sila ro'n." Sagot n'ya tsaka binalik 'yung atensyon n'ya sa laptop. "Tsaka lang sila umuuwi rito pag may okasyon o trip nila kaming bisitahing dalawa. Pero hindi kami pinapabayan hindi tulad ng ibang business minded families. Kumpara sa akin mas spoiled si Ascen kasi only child lang s'ya." Dagdag n'ya pa.

"So may kapatid ka?" Tanong ko.

Tumango s'ya, hindi nag aabalang tingnan ako. "May dalawa akong kuya pero nagtatrabaho na sila sa company ni dad kaya mag isa lang akong narito. And sa situation ni Ascen ngayon, hindi basta basta mag aalala parents n'ya kasi marami s'yang bantay dito."

Kumunot 'yung noo ko. "Bantay?"

"Oo, ligaw na kaluluwa." Bigla naman s'yang hinampas sa braso ni sir Xen. "Nagbibiro lang e." Bawi n'ya. "What I mean is maraming guards 'yon si Ascen sa bahay nila, pero malayo kasi rito sa uni kaya hindi rin s'ya nababantayan."

Hindi ko parin maintindihan. "Du'n ba s'ya nauwi?" Tanong ko ulit.

"Kapag school days, do'n s'ya nauwi sa computer shop nila kasama si Wayne na bantay do'n. Kapag weekends naman tsaka s'ya nauwi sa bahay nila." Sagot n'ya.

"Edi anong silbi nu'ng mga guards at katulong do'n kung mas madalas wala si Ascen?"

"Naro'n 'yung lolo't lola n'ya. Tsaka guarded ng maraming CCTVs bawat sulok ng bahay nila, tsaka kilala mo naman si Ascen, mas magaling sa hacking sa akin 'yon. Lahat ng CCTV sa bahay nila e konektado sa laptop n'ya."

Okay hindi na ako magtatanong, na-gets ko na agad. Kahit nasa malayo s'ya at wala sa bahay nila e alam n'ya parin kung anong nagaganap do'n 24/7.

"Got it." Rune said. "Nasa akin na 'yung real footages." Nakangising sabi n'ya.

"Now try making a simple encryption, sa surface lang." Sir Xen said.

Kumunot 'yung noo ni Rune. "For what?" He asked.

"Para bukas kapag naro'n na kayo sa computer lab e 'yon nalang buksan mo. I mean make a file na naglalaman nu'ng real footages, and then put a simple encryption to open it tsaka ilagay mo lang sa storage ng computers do'n. Tapos bukas, you can just simply open it like a simple file." Paliwanag ni sir Xen. "Sa gano'ng way mas mapapahiya s'ya at magtataka kung paanong nagkaroon ulit ng copy ng footages sa storage lang mismo nu'ng computers at hindi sa pinakailalim and mas secured na files." Dugtong n'ya.

Napangisi naman lalo si Rune. "Nice, so ang mangyayari e lalabas s'yang wala talagang alam sa computer."

Tumango si sir Xen.

Kung sa mga panood, makakagawa sila ng magadang trio nila Ascen. Ngayon lang din ako nakakita ng ganitong magkakaibigan na kahit sa napakadelikadong sitwasyon e nagtutulungan silang dalawa. Siguro pag sa ibang circle 'to e hinayaan nalang nila si Ascen na ikulong do'n at mawawalan na ng pake.

"Done." Sabi ni Rune tsaka dahan dahan na tinanggal 'yung nakapasak na USB sa laptop n'ya. "Tignan natin kung may itatalak ka pa bukas Mr. Computer Science Professor."

HACKED: CODE XTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon