CHAPTER 2: HER LIFE II

215 13 1
                                        

"Anyone who can give me just one importance of Computer Networks?" She asked again.

Nagtaas ulit ng kanang kamay 'yung Zion.

"No, other hands. Imposibleng si Zion lang ang nakikinig nu'ng discussion natin last week? What about the others?"

Tahimik lang kaming lahat. At isang minuto pa ang lumipas ay wala paring nagtangkang magtaas ng kamay.

"Magtatawag ako."

Nag umpisa na akong kabahan. Hindi dahil sa hindi ko alam 'yung sagot. Kasi una sa lahat, ayokong biglang matatawag tapos pag sumagot ako e tama, baka kasi pagtapos e pagalitan pa ako at sasabihan na bakit hindi nagtataas ng kamay kahit alam naman 'yung sagot.

"Ikaw na naka-pula sa likuran, can you give me one importance?"

Napabaling kami ng tingin lahat sa kan'ya, which is nasa harapan ko lang kasi ako 'yung nasa pinakalikod.

Dahan dahan naman s'yang tumayo. "Uhm.."

Lumapit 'yung prof sa kinalalagyan n'ya rito sa likod.

"Computer networks enable seamless communication and collaboration among individuals and organizations." Mababa ang boses n'yang sagot tsaka naiilang na naupo.

Tumango 'yung prof namin. "Good." Bumalik s'ya sa harap. "But next time, if alam n'yo 'yung sagot, don't hesitate to recite para may plus points kayo." She said. "What's your name?" Tanong n'ya sa lalaking nasa harapan ko na s'yang sumagot kanina.

"Michael po." Sagot n'ya.

"Oh ayan Michael may plus points ka na agad sa akin." Our prof said and then wrote what Michael said. "Can someone give me another importance? We discussed 10 importance last week, i-recite n'yo pa 'yung apat tapos mag uumpisa na tayo sa types of computer networks."

Bakit kasi need pa ulit ulitin e pwede namang umpisahan na 'yung susunod. Tapos mamaya kami pa sisihin bakit gahol na sa oras.

Hay nako.

"Anyone?"

Nagtaas na ako ng right hand.

Ako na nga, kesa naman magtawag nanaman s'ya mamaya.

"Name miss?"

Tumayo ako. "Gwyn ma'am." I said.

"Okay Gwyn, can you give the second importance of Computer Networks?"

I heaved a deep sigh. "Networks enable the sharing of hardware resources such as printers, scanners, and storage devices, as well as software resources such as applications and databases." I paused for a while. "This reduces costs, eliminates redundancy, and improves efficiency by allowing multiple users to access and utilize shared resources." I sat down.

"Very good Gwyn." Ma'am said.

Nakahinga na rin ako ng maluwag sa wakas. Wala na ring rason pa para kabahan ulit ako.

"Another one?" Tanong ulit ng prof namin pagkatapos isulat sa whiteboard yung summary ng sinabi ko kanina.

Hindi ko na pinansin 'yung mga nagtaas ng kamay kasi parang dumami na sila.

At makalipas ang pagsasayang ng ilang minuto ay natapos na rin 'yung apat at sampo pang sinulat ni ma'am na pinatake note n'ya rin sa amin.

"Now we're going to discuss the types of Computer Networks....."

Nahirapan na akong mag focus, ang boring na kasi. Kung kanina n'ya pa sana inumpisahan 'yan edi magkakagana pa ako makinig.

May 20 minutes pa kami. Higit kalahating oras agad 'yung nasayang e. Imbes na natapos na namin 'tong ididiscuss n'ya palang ngayon at hindi na aabutin ng time. Tapos sa Wednesday magrerecap nanaman 'yan ng napag aralan namin ngayon.

"Okay that's all for today class, tuloy nalang natin sa Wednesday."

Hindi ko namamalayan 'yung oras. Tapos na pala. Wala tuloy pumasok sa utak ko.

Napatingin ako sa relo ko, 9 am na. Second subject na namin which is Data Communications and Networking. Nagfofocus naman s'ya sa principles and techniques ng subject na 'to.

Hindi naman sa nagrereklamo pero lagi kasing late 'yung prof namin sa subject na 'to, tapos gugugulin pa 'yung 20 minutes sa pagcheck ng attendance.

Sa third subject naman e casual lang, interesting and boring at the same time. Pero hindi nakaka-pressure 'yung prof which is better.

"Hi! Gwyneth diba?"

Lunch na.

Napatingin ako sa biglang nag approach sa akin. Based sa pagkakaalala ko s'ya yung nasa first row sa pinakaharap, may kaliitan din kasi. Maikli 'yung buhok tsaka bilugan 'yung mukha hanggang sa mga mata n'ya. Kung sa pananamit, parang nasunod lang din s'ya sa uso. Wala rin kasing patakaran sa pagsuot ng uniform dito, basta formal and hindi 'yung nakaka-expose ng maraming balat.

"Ah hi?"

Nabalik ako sa huwisyo. "Ah oo. Pero Gwyn nalang para mas maikli." Sagot ko.

Nginitian n'ya ako tsaka naupo sa tabi ko. "Lucy." Inalok n'ya 'yung right hand n'ya na agad ko namang inabot para makipag shake hands. "Nice meeting you." Sabi n'ya.

"Same sayo Lucy." Sabi ko naman pabalik.

"Last week pa kita napapansin. Bago ka lang kasi sa course namin e, nu'ng first year ba nasa ibang course ka o hindi lang kita napansin sa ibang section?" Tanong n'ya.

Kung pag iisipan mo ng malalim 'yung sinabi nya e parang nagpapahiwatig s'yang kilala n'ya lahat ng nasa kabilang section sa course na 'to last school year. Pwede ko ring sabihing bagay sa course na 'to 'yung pagiging stalker n'ya. HAHA.

"Galing ako sa Programming Fundamentals." Sagot ko.

"Kaya pala hindi kita nakikita last school year."

Aba stalker nga.

"Bakit ka naman nag shift dito?" Tanong n'ya ulit.

"Personal Reasons." Simpleng sagot ko.

Tumango naman s'ya. "Ako naman gusto ko lang palawakin 'yung kaalaman ko sa hacking. Ayon lang, pero hindi ako gano'n katalino para ro'n. Nakikisabay lang ako at pagbubutihin kong tapusin 'tong course na 'to." Masiglang sabi n'ya.

Hindi naman ako nagtanong e pero sige sabi mo 'yan.

Based sa kung paano s'ya magsalita at approach n'ya sa akin e masasabi ko talagang madaldal talaga s'yang tao. And for some reason annoying 'yon para sa akin.

"Gano'n ba."

At nakakahiya naman 'yung tulad ko na hindi alam kung paano makipag socialize. Ni simpleng conversation hindi ko masabayan. Kaya ayokong nag uumpisa ng usapan e.

"Ah san ka pala kakain?" Tanong n'ya. "Last week nakikita kitang lumalabas pag lunch e." Dagdag n'ya.

"Sa kainan sa labas ng school, sa may tapat lang." Sagot ko.

"Hindi ka pa ba kakain?" Tanong n'ya ulit.

Tumingin ako sa relo ko. "Mamayang 12 pa." Sagot ko.

"Ah sige, una na ako, may kasabay kasi ako e! Nice meeting you ulit Gwyn!"

Tinanguan ko lang s'ya.

HACKED: CODE XTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon