"Okay guys, pumalibot na kayo sa bonfire."
Isinara ko 'yung zipper ng tent ko tsaka tumayo dala dala 'yung laptop at phone ko. Baka mawala e. Mamaya may magalaw ang kamay d'yan at bigla bigla nalang kumuha.
Naupo naman ako sa tabi ng hindi ko kilala kung sino kasi hindi ko mahanap 'yung mga kasection ko. Wala nga ata silang pake sa akin e.
"Now that you're all here, we will make an announcement." Sabi nung prof na hindi ko rin kilala.
Sorry naman, si Sir Xen at sir Lenard lang kilala ko rito e, kamalayan ko ba sa iba kung sino sila.
"We'll have a game."
Naexcite naman 'yung mga nandito dahil sa sinabi ng prof.
Bale may malaking apoy sa gitna tapos bumuo kami ng malaking circle para palibutan ito. Init init na nga sino ba nagpauso nito. May mga ilaw naman sa poste e.
"What I want you to do is to get your laptop."
Nasira naman 'yung circle sa ginawa nilang pagtayo. Pero hindi ako kasi dala dala ko na laptop ni Ascen.
Ilang minuto pa ng pag alis nila ay nakabalik na rin sila palibot sa bonfire.
"Open it and your professors will send a MediaFire link and you have to download it." Sabi nito.
Agad ko namang binuksan 'yung laptop. Tsaka nilagay 'yung password which is SenAcian03. Tsaka makailang nirefresh.
Hindi ko alam kung bakit pero kinakabahan ako sa paggamit nito. Sabi n'ya extrang laptop n'ya raw ito at hindi ginagamit. Iba talaga pag mayaman. Eh halos kaparehas na ng specs ng laptop na 'to 'yung computer ko.
How tf can I download that file. Wala ako sa gc. Pag minamalas ka nga naman.
"Hey."
Napatingin sa akin 'yung katabi ko.
"Bakit?" Tanong n'ya.
"Can you send the file in my email? Wala ako sa gc namin, and don't ask why." Diretsong sabi ko.
She's a girl by the way.
"Ah sige sige, patingin nalang ng email mo."
"Gimme a sec."
Pumunta ako sa Gmail at tsaka nag log in do'n. Wala rin kasing mga accounts na naka log in dito which is good, baka mamaya may magalaw kasi ako na pag aari ni Ascen e mayari pa ako.
"Here." Hinarap ko naman sa kan'ya 'yung screen ng laptop.
Pinapanood ko naman s'yang itype sa laptop n'ya 'yung email na bagong gawa lang nu'ng nahack phone ko.
"Ayan nasend na."
Tinanguan ko s'ya. "Thanks."
Napahinga naman ako ng maluwag pagkatapos ko s'yang kausapin. Muntik na akong mamatay sa pagkausap lang ng hindi ko kilala.
I press and hold the file that I downloaded and put it in the home screen.
Kumunot naman 'yung noo ko.
"It's an encrypted file guys." Napaangat tingin namin sa prof. "Since pag aaralan at napag aaralan n'yo 'yung mga algorithms, iaapply natin 'yan dito sa game natin." Sabi n'ya. "Bibigyan namin kayo ng isang oras at paunahan maka decrypt ng file using RSA Algorithm. At kung sinong unang makasigaw ng nilalaman ng file 'yung mananalo." Paliwanag n'ya.
"Kung may hindi naman nakakaalam ng RSA Algorithm, you can search sa internet and apply what you see since hindi large numbers ang ginamit namin sa pag encrypt ng file." Sabi naman nu'ng isang prof. "May naka separate na text document sa file at do'n n'yo makikita 'yung mga series of numbers na pag aapplyan n'yo ng nasabing algorithm." Paliwanag n'ya rin.
Nice. Nauna pang maiapply ko 'yung RSA Algorithm sa large numbers kesa sa small numbers.
"It's already 8 pm so you can start now."
Binuksan ko 'yung text document na kasama nung encrypted file.
932
515
1877Great. Siguro kung ganito lang kaliit 'yung numbers sa file na una kong binuksan e nahuli agad 'yung kriminal tapos wala pang isang araw nailabas ko na agad si Ascen sa pagkaka detention.
"You can ask for our help if you want, pero just the steps, we will not tell you the calculations and the answer." One of the professors said.
Hindi ko naman pinansin 'yon at nag focus lang sa pag distribute ng mga numbers.
Ciphertext (c): 932
Private Exponent (d): 515
Modulus (n): 1877Pwede na akong mag umpisa sa calculations.
Pero naagaw naman ng atensyon ko 'yung ingay ng ibang mga estudyante sa paligid. 'Yung iba ay nagkokopyahan na sa mga ginagawa nila, at 'yung iba ay nagpapatulong nga sa mga profs.
Binalik ko 'yung atensyon ko sa screen ng laptop.
Next is Modular Exponentiation.
Let's say the result is equal to 1. I'll start distributing them again so that I can also start the hard and nakakaubos pasensyang iteration ng bits. Pero hindi tulad dati na masisiraan ka talaga ng ulo sa pagkarami raming numbers. Eto konti lang. Tsaka wala ring gagamiting kahit anong methods kasi hindi naman large numbers 'yung public key.
result = 1
c = 932
d = 515
n = 1877At ngayong nadistribute ko na, the next is iterating through the bits of the private exponent or the d from MSB to LSB.
Iteration 1:
bit = 1
result = (result * result) mod n = (1 * 1) mod 1877 = 1
result = (result * c) mod n = (1 * 932) mod 1877 = 932Mas madali nga ito.
Aight.
Iteration 2:
bit = 1
result = (result * result) mod n = (932 * 932) mod 1877 = 1182
result = (result * c) mod n = (1182 * 932) mod 1877 = 1026Iteration 3:
bit = 0
result = (result * result) mod n = (1026 * 1026) mod 1877 = 173(Note: The following numbers might be not correct because the author's too lazy to do a correct one, thanks.)
Tinuloy ko lang 'yung pag iterate hanggang sa last bit at para makuha 'yung last result bago ko i-identify 'yung plaintext which is 926.
Napangisi naman ako. At agad na binalikan 'yung encrypted file.
Umusob din ako palikod para hindi makita nung mga katabi ko.
I then typed the number.
9 2 6
I clicked it and it opened.
Pero nawala naman 'yung ngisi sa labi ko pagkatapos ko marealize kung anong susunod kong dapat gawin.
Nakuha ko na 'yung sagot, nabuksan ko na 'yung file. Pero,
SINONG TULAD KO ANG GUGUSTUHING SUMIGAW SA HARAP NILANG LAHAT AT MAAGAW 'YUNG MGA ATENSYON NILA.
BINABASA MO ANG
HACKED: CODE X
Mystery / ThrillerThis story revolves around a woman who, like many others, is invested in the world of gadgets, particularly computers. She cannot let a day pass without surfing the internet or playing online games. Consequently, this has caused her to distance hers...