CHAPTER 44: FRIENDS

46 11 0
                                    

GWYNETH'S POV

Naalimpungatan ako dahil sa biglang pagginaw ng silid na kinalalagyan ko.

Napatingin din ako sa orasan na nakakabit sa pader.

8 pm

Hindi ko maalala anong nangyari.

Dahan dahan akong tumayo mula sa kama ko. At oo. Nasa bahay ako ngayon. Ang problema nga lang ay hindi ko alam kung paano ako nakauwi.

Naglakad ako pababa ng hagdan, pero wala sila sa sala. Kaya agad din akong dumiretso sa kusina.

Napatingin silang tatlo sa akin.

"Glad you're awake!" Mom exclaimed.

Umupo naman ako sa tabi ni kuya. Tsaka kumuha si mama ng pinggan tsaka ako sinandukan.

"You okay? How do you feel no?" Kuya asked.

"Fine." Inihain na ni mama sa mesa 'yung pagkain ko.

"Hindi ka ba nahihilo o ano?" Tanong naman ni papa.

"Hindi po." Sagot ko.

Ang naaalala ko lang ay nu'ng pababa na kami ng hagdan nila Ascen e nahihilo na ako at nawawalan na ng balanse sa paglalakad kaya nahuhuli rin ako no'n. Pero hindi ko na maalala 'yung mga sunod na nangyari.

"Sabi raw ng nurse e dahil sa puyat at sa hindi tamang oras ng pagkain." Sabi ni mama.

Tumango naman ako.

Wala rin namang ibang dahilan kung hindi 'yon lang. Hindi naman ako sakitin. Kaya wala nang ibang dapat na sisihin kung hindi 'yung pagpupuyat ko lang lately.

"Kung hindi mo pa kayang pumasok bukas e ipapaalam ka ng kuya mo, mas maiging bumawi ka muna ng tulog." Sabi ni papa.

"Kaya ko na po, hindi na ako nakakaramdam ng panghihina." Sabi ko naman.

"Kung gano'n, wag ka pa masyadong magpapapagod."

Tinanguan ko si mama habang nakain. "Kuya." Tawag ko.

"Paano ako nakauwi?" Takang tanong ko. "Hindi ko rin maalala kung anong mga nangyari." Dagdag ko pa.

"Ako nag uwi sayo, maggagabi na kasi at hindi ka pa nagigising sa clinic." Sagot n'ya.

"Clinic?" Takang tanong ko ulit.

Tumango s'ya. "Dinala namin 'yung nainjury na kasama naming player sa clinic, pero nakita kitang nakahiga ro'n at walang malay, kasama 'yung dalawang lalake."

Napahinto ako sa pagkain tsaka tumingin kay kuya. "Dalawang lalake?"

"Oo, Ascen and Rune right?"

Hindi makapaniwalang nakatitig lang ako kay kuya, at kinakabahan na rin.

"Sila nagdala sayo ro'n, nakausap ko sila." Sabi ni kuya. "Wag ka palang mag alala, nag thank you ako sa kanila."

Nagtaka naman ako kung bakit hindi man lang s'ya nagagalit o ano, bigla ring nginitian ako.

"Hindi mo sinasabing may mga kaibigan ka na pala ulit Gwyn, tapos dalawang lalake pa na nasa higher years."

"Kaibigan?" Hindi ko parin maintindihan. "Anong mero'n? Paano mo nasasabi 'yan?" Nagtataka paring tanong ko.

Napatawa si kuya ng marahan. "Hindi mo naman kailangang itago samin Gwyn, wag kang matakot magsabi sa akin hindi porket lalake sila e itatago mo na." Sabi n'ya. "Napakwento rin ako sa kanilang dalawa tungkol sa pagiging friendless, academic centered mo, at laging nasa harap ng computer." Dagdag n'ya. "Mas lalong gumaan 'yung loob ko sa kanilang dalawa, lalo kay Ascen na sinabing kung grumaduate na s'ya e susubukan n'yang magtrabaho bilang professor ng Com Sci sa school natin hanggang sa grumaduate ka, at para makasama ka parin."

Napatingin ako sa pinggan ko na bahagya ko na magalaw.

Hah?

"Si-sinabi n'ya 'yon?" Hindi makapaniwalang tanong ko.

Tumango si kuya. "Unang tingin ko palang sa kanila alam kong disente na pamumuhay nila, mahahalata mo ring mabait."

Bumilis 'yung tibok ng puso ko dahil do'n. Ascen.

Bakit n'ya naman kaya sinabi 'yon? Bakit kailangan n'ya pang gawin 'yon para lang makasama ako.

"Dapat nak mag thank you ka, binigyan ka pa pala ng cellphone e."

Kay papa naman ako napatingin. "Ha? Teka, alam n'yo na rin?"

Anong mero'n?

Napatawa rin ng marahan si papa. "Kinwento na samin ng kuya mo lahat, kung panatag si kuya mo, panatag na rin kami." Sabi ni papa.

"Dapat anak sinabi mo sa amin agad na na-hack 'yung phone mo para nabilhan ka namin ng bago, nakakahiya tuloy do'n." Sabi naman ni mama.

"Pero pa, hindi ba dapat nagagalit kayo ni kuya? Kasi lalake sila?" Takang tanong ko.

Si kuya naman ngayon 'yung napatawa. "Hindi naman habambuhay e kokontrolin ka namin Gwyn. Nasa tamang edad ka na, tsaka kaya mo nang gumawa ng maayos na desisyon. Kaya alam kong mapagkakatiwalaan sila." Sabi n'ya.

Hindi parin ako makapaniwala. "Talaga ba?"

Tumango silang dalawa ni papa.

"Nangako sa akin 'yung dalawa na safe ka sa kanila, poprotektahan ka rin daw e." Sabi ulit ni kuya. "Tsaka ma, alam mo ba, mukhang mayaman 'yung dalawa e." Manghang sabi ni kuya.

"Kaya nga mas nakakahiya na binigyan ng phone si Gwyn e." Sabi naman ni mama.

Ipinagpatuloy ko 'yung pagkain. "Sinubukan ko ring ibalik 'yon ma, pero sabi n'ya wag na raw." Sabi ko.

Rune even said that they can replace this phone countless times.

"Basta mag thank you ka lang sa kanila. Tsaka hindi namin problema kung mga lalake sila anak, ang mahalaga sa amin ngayon e nagkaro'n ka na ulit ng mga kaibigan, wag mo nalang iisipin kung anong masasabi ng iba. Tsaka basta ba alam mo parin ang ginagawa mo, hindi ka na bata Gwyn, ayusin mo mga desisyon mo sa buhay at nakasuporta lang kami sayo." Nakangiting sabi ni mama.

Hindi ako nakaimik.

Naghahalo 'yung emosyon ko ngayon at hindi ko alam kung anong mararamdaman ko. Gusto kong maiyak. Gusto ko ring ngumiti.

Hindi ko alam na ganito pala 'yung mangyayari. Hindi ko alam na tatanggapin pala nila ng buong buo 'yung desisyon ko. Hindi ko alam na hindi pala sila magagalit ngayong alam na nilang lalake 'yung mga nakakasama ko. Nakakaoverwhelm. Ngayon ko lang din naramdaman 'yung tiwala nila sa akin.

Actually ganito talaga 'yung gusto kong mangyari, 'yung hindi na ako pakekealaman sa mga susundan kong desisyon ko sa buhay. Kampante rin naman akong safe talaga ako na kasama sina Ascen, kahit na kung ano ano nang nangyari 'yung bago lang sa akin.

Hindi ko alam na darating din pala 'yung panahon na magiging panatag at malaya ako sa lahat, kahit at the same time hindi pa ako sigurado kung makakaya ko bang harapin lahat ng mga pararating.

Pero kahit na,

Malaki tiwala ko sa sarili ko, at sa kanila,

kay Ascen at Rune.

HACKED: CODE XTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon