"Gwyn, gising na."
Naalimpungatan ako.
"Gising na ako kuya-" Naimulat ko bigla 'yung mga mata ko. "I mean Rune." Tsaka ako bumangon na tsaka pinatay 'yung aircon.
Pagkabukas ko ng pinto ay bumungad si Rune na nakangiti. "Mukhang kuya mo lagi gumigising sayo a." Sabi n'ya.
"Oo."
Kaya siguro napagkamalan kong si kuya 'yung gumigising sa akin kanina nu'ng half asleep pa ako.
"Here, take a bath. Sa baba ako maliligo." He said.
Imabot ko naman 'yung cloth bag na binibigay n'ya tsaka pumunta sa banyo.
Pagkasara ko ng pinto ng banyo ay nag umpisa na akong maligo.
At pagkatapos magpatuyo sa loob mismo ng banyo ay nagbihis na rin ako. Kinuha ko 'yung laman ng cloth bag. Nice. Parehong pareho nga sa suot ko kahapon. Men's trouser tsaka large size na tshirt.
Pagkalabas ko ng banyo habang pinupunasan ko 'yung basa kong buhok gamit 'yung towel na pinahiram ni Rune ay nadatnan ko s'yang kakalabas lang ng silid n'ya.
Naglakad ako palapit sa kan'ya.
"Nice, hindi na ako mahihirapang regaluhan ka ng mga damit kung sakali." Pansin n'ya sa suot ko.
"Thanks dito." Sabi ko naman sa kan'ya. "Tsaka ano pala, pagamit ng salamin at suklay."
"Sa room ko, and you can also use my perfumes, pwede sa babae 'yon." He said. "'Yung shoes mo pala and bag, nasa tabi ng kabinet ko sa kama. Kung gusto mo ring humiram ng medyas e nasa pinakaibabang row lng ng kabinet ko, 'yung nasa tabi parin ng kama."
Tumango ulit ako. "Sige thanks."
"Welcome Gwyn, baba ka na agad mamaya tapos dumiretso sa kusina, wait kita ro'n."
"Sige."
Pagkaalis n'ya ay pumasok na ako sa kwarto n'ya. Tsaka humarap sa salamin at kinuha 'yung suklay para suklayin 'yung basa kong buhok. Pagkatapos e inangat ko 'yung may bawas nang pabango.
I sprayed a little bit on my wrist and smells it.
Amoy Rune. Ang bango, hindi matapang 'yung amoy at ang sarap ng amoy.
Hindi nagdadalawang isip na ginamit ko 'yung pabango. Wala naman sigurong makakaalam na pareho kami ng ginamit na pabango.
Pagkatapos ay humiram muna ako ng medyas kay Rune tsaka na nagsuot ng sapatos.
Inilagay ko lang din 'yung mga nagamit ko nang damit sa loob ng bag ko tsaka tuluyan nang lumabas ng silid nya.
Tulad ng sabi ni Rune e dumiretso na rin ako sa kusina at nadatnan ko s'ya ro'n.
"Kain na."
Naupo naman ako. Tsaka nag umpisa nang kumain.
"Kumusta pananatili rito sa bahay?" He asked.
"Maayos, hindi tulad sa ibang bahay na hindi ako nakakatulog." Sabi ko.
Madali kasing manibago 'yung katawan ko kapag nasa ibang bahay ako. Pero rito, pagkahiga ko palang ay makakatulog na agad ako. O baka naman dahil lang talaga sa pagod at antok.
"Good." Rune said. "Kain kang marami, para may lakas ka mamaya kasi kulang parin 'yung tulog mo kagabi." Sabi n'ya pa.
Tumango lang ako.
Pero kung tatantsahin e nasa tatlong oras lang 'yung tulog ko. 5 am na rin kanina nu'ng ginising ako ni Rune, at pasado alas sais na ngayon.
"Nga pala Rune, paano natin icoconfront 'yung suspect?" Tanong ko habang nakain kami.
"Trace his phone until he's inside his classroom kasi malaki 'yung chance na kaklase lang nila s'ya. At kapag nando'n na s'ya sa room nila, we'll make a move." He answered.
"Pero, paano si Ascen?" Tanong ko ulit.
"'Yan una nating gagawin, gusto ko rin sanang itanong sayo kung pweding umabsent ka muna kahit ilang subjects lang para sa pagpunta natin sa police station. Tapos ipapakita natin lahat sa mga pulis 'yung natuklasan natin kahapon at kagabi. Tsaka tayo didiretso sa school para hulihin na 'yon." Paliwanag n'ya pa.
Napatango tango naman ako. "Okay lang, wala pa naman kami masyadong ginagawa." Sabi ko naman.
fw
Kasalukuyan na kaming bumabyahe ngayon ni Rune sakay ng motor n'ya. Nasa highway na kami at nakalagpas na rin sa uni kasi sa police station 'yung diretso namin kung nasaan naroon ngayon si Ascen.
At ilan pang mga minuto ng pagmamaneho ay nakarating na kami sa parking lot malapit sa stasyon ng mga pulis.
"Good job." Bungad ni sir Xen na nadatnan namin sa labas mismo ng station. "Let's go inside."
Mabilis at nasasabik naman akong sumunod sa kanilang dalawa papasok sa loob.
"Good morning sir." Bati ni Rune do'n sa pulis na s'ya ring nakausap n'ya kahapon sa school.
"Oh good morning, upo muna kayo." Alok n'ya.
Naupo naman kaming tatlo sa monoblock chair na nasa harapan ng mesa nu'ng pulis.
"May trace na ba kayo tungkol sa case?" Tanong nu'ng pulis.
"Pwede n'yo na pong hulihin 'yung suspect." Sagot ni Rune. "Pero bago namin ituro kung sino, gusto po naming idala n'yo 'yung kaibigan namin dito para marinig n'ya 'yung mga sasabihin namin."
Agad namang sinenyasan nu'ng pulis 'yung isa pang pulis na narito sa loob.
Sa hindi malamang dahilan ay bumilis bigla 'yung tibok ng puso ko. Siguro ay dahil makikita ko na ulit s'ya, kahit na ilang mga araw lang kaming hindi nagkita.
"Yo."
Napahinga akong malalim.
Ascen...
Tumayo si Rune tsaka umakbay kay Ascen hanggang sa makaupo s'ya sa upuan na nasa tabi n'ya.
Naghahalo 'yung emosyon ko ngayon. Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko ngayong nakita ko na ulit s'ya. Pero parang wala ring nagbago, parang hindi rin s'ya naapektuhan sa pananatili n'ya rito sa loob ng mga ilang araw kahit walang kahit anong gadgets na ginagamit.
Hindi rin s'ya mababakasan ng kaba nung huling nakita ko s'yang sumama sa mga pulis. Tsaka normal lang naman 'yon kasi inosente s'ya at kampante ring mailalabas rito.
Kung hindi sana tatanga tanga 'yung si sir Lenard na basta basta nalang nagpapaniwala sa na-hack na CCTV at kung hindi sana pinagdiinan na may kasalanan si Ascen e hindi n'ya mararanasang madetention.
Pero,
Konti pa Ascen, mapapatunayan na naming inosente ka at wala kang ginagawang masama. Konti pa e malalaman na kung sino talaga 'yung may gawa ay hindi ikaw. Konti pa mabibigyan na rin ng hustisya 'yung pagkamatay no'n biktima. Konti pa maibabalik na ulit sa dati ang lahat. At konti pa, makakasama ka na namin nila Rune ulit.
BINABASA MO ANG
HACKED: CODE X
Mistério / SuspenseThis story revolves around a woman who, like many others, is invested in the world of gadgets, particularly computers. She cannot let a day pass without surfing the internet or playing online games. Consequently, this has caused her to distance hers...