CHAPTER 49: STAY

83 11 0
                                        

"Akala ko girlfriend ka ni Rune e. Iniisip ko na rin na ang pangit naman ng taste mo at pinatulan mo kapatid ko kung sakali."

Hinampas ni Rune sa braso 'yung kapatid n'ya na ngayo'y katabi n'ya na sa harap ng hapag kainan. Samantalang ako ay katabi ko 'yung mama ni Ascen sa kaliwa at si Ascen naman sa kanan. Naiilang nanaman ako.

"Itigil mo na nga 'yan Eric, nasa harap na tayo ng hapagkainan." Sita ng lalaking nasa tabi ng mama nila, probably their dad.

Huminto sila saglit sa pag iingay.

"Gwyn diba?" Tinanguan ko 'yung Eric. "Pag nagkagusto sayo si Rune idemanda mo agad sa mga pulis, kasuhan kamo ng abuse—"

Kinurot na s'ya ng mama nila dahilan ng pagdaing n'ya.

Pansin ko ring hindi gaaanong nasagot si Rune ngayon at tahimik lang na nakain.

"Stop that, hindi ka naman inaano ni Rune, hindi ka na nahiya." 'Yung panganay na nila sumita. "If you don't stop I'll start exposing your weird pics online." Banta n'ya.

"Okay okay, I'll stop. That's just how I say I miss you to him tho. It's just that, it sounds gay saying it directly." That Eric said.

Tinaasan naman s'ya ng kilay ni Rune. "I miss you my ass." He just said.

"Oh tamo my, nasagot." Sumbong nu'ng Eric.

"Stop arguing and just introduce yourselves to Ascen's friend." Sita ng mama nila.

"Ah oo nga pala, I'm Riley Eric, pangalawang kapatid ni Rune." Pagpapakilala nung kapatid ni Rune na bully.

"I'm Rave Evan. Panganay. Hindi magkakalayo edad naming tatlo, just two years apart. Naka plan kasi talaga paggawa sa amin."

Natatawang binatukan ng tatay nila 'yung nagpakilalang Rave.

Grabe. Kala mo magkakapatid lang sila. Pare pareho rin halos 'yung mga names e.

"I'm their father, Erickson. And she's my wife, Reina." Pagpapakilala naman nung papa nila. "Business partners namin 'yung parents ni Ascen, that's why we're all close to each other." He added.

Naiilang naman akong tumango.

"'Yung mga ibang nandito e mga tita, tito, at mga pinsan lang ni Ascen." Sabi ng mama ni Ascen. "Ako nga pala 'yung mama ni Ascen, just call me tita Lucia." She introduced.

Nakangiti akong tumango ulit.

"And I'm Ascen's dad."

Hindi makapaniwalang tumingin ako sa lalaking nasa tabi ng mama ni Ascen. Dad?

"I-i thought you were Ascen's brother or something..." I confusedly said.

Nagsitawanan naman sila.

"Nope, but that's what they say." Ascen's dad said. "I'm Ace, by the way, and me and my wife's already in our 40s."

Nanlaki 'yung mga mata ko dahilan para mas mapatawa sila.

HOW THE F THEY'RE ALREADY IN THEIR 40S WHEN THEY LOOK LIKE THEY'RE JUST 20 YEARS OLD.

"Dad's Mexican." Kay Ascen naman ako napatingin. "And those things like being told me and dad that looks just like brothers isn't new to us." He added.

Pero kasi,

Kahit sino 'yon talaga iisipin. Ang bata n'ya masyado tignan na parang hindi nalayo sa edad ni Ascen. 'yung laki ng katawan lang siguro 'yung pinagkaiba nilang dalawa, tsaka sa gupit. Pero magkamukhang magkamukha rin sila kaya for a moment akala ko talaga kapatid n'ya lang at nakalimutan ko 'yung fact na only child lang si Ascen.

Nakakagulat 'tong pamilyang 'to. Hindi ko alam kung anong irereact ko. Parang everytime e pinapahiya ko 'yung sarili ko sa kanila kasi completely different ako from them.

fw

"Hindi ko talaga makalimutan 'yung reaction ni Gwyn kanina nu'ng nalaman n'yang papa mi 'yun Ascen." Tumatawang sabi ni Rune.

Hating gabi na at napasarap 'yung kwentuhan namin kanina habang kumakain. Napag usapan din namin kung ilan ba 'yung kapatid ko. Pero hindi na nila tinanong 'yung estado ko ng pamumuhay kasi mahirap talagang sagutin 'yon kasi ang laki ng difference kumpara sa kanila.

Tinanong din nila kung ilang taon na ba ako at anong year ko na sa college, pati na rin 'yung course na tinitake. Nagulat nga 'yung mga kuya ni Rune na halos kapareha lang ng kina Rune 'yung tinitake ko kahit na babae ako.

Tapos napagkwentuhan din namin kung paano ba kami nagkakilalang tatlo

Tsaka inulit kang nung mama at papa ni Ascen na kahit anong mangyari e dapat hindi masira pagkakaibigan naming tatlo.

Ayoko rin naman.

Nasa roof top kami ng bahay nila Ascen ngayon at nakaupo. Sobrang ginaw din at liwanag gawa ng buwan at mga bituin sa langit. Tahimik din dito kasi malayo na sa city na napakaingay.

"Kahit ikaw naman dati, you also thought dad's my older brother, nung ilang years natin s'yang hindi nakita." Ascen said.

"Because he really is." May diing sabi ni Rune. "Samantalang si papa mukhang anytime pwede nang mag retire sa katandaan e, dapat kasi wala nalang din akong mga kapatid."

Sama ng ugali netong taong 'to.

"Pangit ng walang kapatid Rune." Sabi ni Ascen.

"Ayaw mo no'n wala kang kaagaw." Sabi naman ni Rune.

"Bakit ikaw? Nakikipag agawan ka ba sa mga kuya mo? You're rich too dumbass." Ascen said.

Rune chuckled. "Was just kidding by the way." Bawi n'ya. "Tahimik mo Gwyn ah, you okay?"

Napatingin silang dalawa sa akin.

"Ah yeah, thanks." Sagot ko.

"Rune!"

Napatingin kami sa umakyat dito sa taas. "Let's go home mom said." Sabi nung Eric tsaka bumaba rin.

"Aight." Tumayo na si Rune. "Let's go Gwyn?"

Akmang tatayo naman ako nang biglang tumayo si Ascen at lumapit sa kinalalagyan ko.

"Can you stay here?"

Napatingin kaming dalawa ni Rune kay Ascen dahil sa sinabi n'ya.

"Just tonight?"

Parang may kung anong nagliparan sa dibdib ko habang nakatingin ngayon kay Ascen na kinakausap ako.

Tinanguan ako ni Rune habang s'ya ay nakangiti.

Tsaka ko ibinalik kay Ascen 'yung tingin ko. "I'll stay."

Bumilis 'yung tibok ng puso ko dahil sa biglang pag ngiti ni Ascen.

"I think I'll go, and you stay here Gwyn." Nakangiting sabi ni Rune tsaka kumindat na parang may ipinapahiwatig.

Hinarap namin s'yang dalawa ni Ascen.

"I'll give you the night Ascen, enjoy."

"Thanks."

Pagkasabi no'n ni Ascen ay umalis na rito sa roof top si Rune.

Biglang humangin ng malakas dahilan para mapayakap ako sa sarili ko.

Dadalawa nalang ulit kami.

HACKED: CODE XTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon