CHAPTER 7: THE REAL HELP

134 13 0
                                        

NAALIMPUNGATAN ako dahil sa mga katok mula sa labas ng silid ko.

"Gwyn gising!"

Mabigat ang katawan akong bumangon mula sa pagkakahiga sa kama at naglakad patungo sa pinto habang kinukusot kusot 'yung mga mata ko.

"Hating gabi na, mapapanis na 'yung ulam. Kumain ka na du'n." Sabi ni kuya pagkabukas ko ng pinto. "Hindi ka pa ata nagbibihis, ang sama ng itsura mo." Pansin n'ya.

"Sunod na ako, baba ka na." Sabi ko.

"Kumain na ako, binilin lang sa akin nila papa na gisingin ka pag hindi ka pa nagising hanggang hating gabi."

Tumango ako tsaka naglakad palabas ng silid ko. Bumaba na rin ako ng hagdan. Damang dama ko parin 'yung pagod at antok sa katawan ko. Parang gusto ko matulog ng ilang mga araw.

Tumungo ako sa kusina tsaka naupo sa harap ng hapag kainan.

"Initin ko pa ulam?" Tanong ni kuya.

"Sige." Simpleng sagot ko.

Ini-ub ub ko muna 'yung mukha ko sa mesa habang pinapakinggan 'yung pagkilos ni kuya at paggalaw n'ya sa mga gamit dito sa kusina. Sobrang tahimik na rin kasi ng paligid, paniguradong tulog na rin sina mama at papa kung totoong hating gabi na nga.

"Sagutin mo nga ako Gwyn, bakit parang may nangyari sayo? Bakit napuyat ka kagabi? Tapos nu'ng hiniram mo phone ni mama pawis na pawis ka at kinakabahan. Pati kaninang umaga nauna ka nang pumasok sa school, late ka na ring umuwi." Sunod sunod na sabi ni kuya.

Hindi ako umimik agad.

"Wag ka na ngang matanong kuya, may nangyari lang sa isa sa mga subjects namin sa school at nadedepress ako." Pagsisinungaling ko.

Kapag sinabi ko kasi sa kan'ya e baka isumbong n'ya ako kina mama, lalo't kasama sa mga nawala e 'yung bank account ko. May laman pa 'yung 1k. Natatakot din ko na baka gamitin 'yon ng nanghack at mag loan nang mag loan hanggang sa mabaon na sa utang 'yung account ko. Sobrang nakakabahala.

"Pwede ka namang magpatulong kesa sa gan'yan na pinapabayaan mo sarili mo." Sabi ni kuya. "Kakaumpisa palang ng first sem mo sa second year gan'yan ka na. Paano na Gwyn kapag tumuntong ka na ng 3rd at 4th year? Baka sa sobrang pabaya mo e mamaya buto't balat ka nalang."

Hindi ulit ako kumibo.

"Kaya ko 'to, nabigla lang ako kagabi kasi may missing pala ako at ayoko no'n." Pagsisinungaling ko ulit.

Hindi nagsalita si kuya ng mga ilang segundo at tanging pagpatay lang ng kalan 'yung narinig ko tsaka pagsalin sa mangkok nu'ng ulam.

"Wala kong alam sa computer pero pwede kang magsabi sa akin, may mga kaibigan ako na magaling d'yan." Sabi ni kuya tsaka inilapag sa mesa 'yung hawak n'yang mangkok. "Kain ka na bago lumamig ulit 'yan. Sa sala lang ako."

"Thank you."

Pagkaalis n'ya ay iniangat ko na 'yung ulo ko tsaka inalis 'yung cover na narito sa mesa para kunin 'yung pinggan na may lamang kanin.

Nag umpisa na akong kumain.

Kinokonsensya ako kay kuya. Nag aalala s'ya sa akin samantalang ako ay walang ginawa kung hindi magsinungaling.

Sa totoo lang wala akong problema sa mga subjects namin, ni minsan hindi ako humingi ng tulong kahit gaano na ako nahihirapan. Mas gusto kong inaaral ang isang bagay nang ako lang. Kaya nakakakonsensya talaga, gusto ko nalang maluha.

May katagalan ako sa pagkain ngayon. Kaya nu'ng matapos ay hinugasan ko na rin agad.

"Kuya-" Nadatnan ko s'yang nakahiga sa couch at tulog na.

Mas lalo akong nalungkot.

Hindi sanay si kuya sa puyatan kahit na nasa 4th year na s'ya ng kolehiyo at ga-graduate na. Kapag nakikita ko s'yang nagpupuyat e lagi nyang natutulugan 'yon kaya lagi s'yang late kung magpasa. Tapos ngayon, hinintay n'ya pang maghating gabi bago ako gisingin, s'ya pa nag init nu'ng inulam ko, tapos parang hinintay pa akong matapos kumain pero dinapuan na ng antok.

Umakyat ako sa taas pero patungo sa silid nya. Tsaka kumuha ng kumot at bumaba ulit sa sala.

Lumapit ako sa kan'ya tsaka tinaasan 'yung lamig ng aircon tsaka s'ya kinumutan.

Chineck ko lang din muna kung naka-lock ba 'yung mga pinto tsaka pinatay 'yung mga ilaw dito sa baba bago bumalik sa silid ko.

Naupo ako sa harap ng pc at binuksan ito.

Tinungo ko agad 'yung Facebook. Nagulat ako dahil sa dami ng bilang ng mga nag add sa akin at puro anonymous 'yung names and profiles. Chineck ko rin 'yung post ko sa group page na sinalihan ko bago ako matulog. Marami ring comments na tumatanggap sa alok ko. At marami na ring notifs sa chatlists ko.

Kung gano'n, hindi na ako mahihirapan pa.

Nag click ako sa isa sa mga messages. Sabi n'ya e kaya n'ya raw buksan phone ko kasi experienced hacker na raw s'ya at kaya n'yang tukuyin agad kung anong ginawa nu'ng hacker sa phone ko.

Gano'n din 'yung ibang natanggap kong messages. Pero 'yung iba e nag aaya ng meet up.

Hindi ko alam kung anong uunahin at pagkakatiwalaan ko. Kasi mahirap na, baka mamaya mamamatay tao pala 'yan o 'di naman kaya'y scammer.

Sumandal ako sa upuan ko habang nakataas ang dalawang paa at tinitigan lang 'yung monitor ko.

Hirap din ng pinasok ko, baka mas dumoble 'yung panganib pag basta basta nalang ako nagtiwala sa kung sino rito sa internet. Hindi naman ako gano'n katanga para gawin 'yon.

Akmang tatanggalin ko na 'yung headphone ko nang biglang nakatanggap ako ng message sa email ko mismo.

Nag umpisa nanaman akong magtaka kasi bago lang 'tong email account na 'to at hindi ko pa nae-expose kahit saang parte ng internet.

What if virus nanaman 'to?

Sana naman hindi.

Pumunta akong gmail at tsaka binasa 'yung pinaka-unang message.

[ Enigma 06/16/23

I am here to provide genuine information.... ☆ ]

I clicked the message.

[Blank] Inbox

Enigma 06/16/23 ↩
to me ⌄

I am here to provide genuine information and not just falsehoods.

However, I am also unsure if I can assist you with your problem. Nonetheless, I am willing to try.

Despite that,

At this moment, I cannot disclose my identity, but if you wish to find out, you can come tomorrow to Xanthe computer shop near the elementary school of Barin, 12:30 pm.

HACKED: CODE XTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon