Ilang oras na akong naghahanap. Kanina pa ako paikot ikot at pabalik balik dito sa loob ng gubat. Ilang beses ko na nababalikan 'yung mga lugar na pinanggalingan ko na.
Pinipilit kong hindi bawasan 'yung tubig pero hindi ko magawa kasi ayoko namang maubusan ng lakas sa paghahanap kay Gwyn.
Napatingin ako sa relo ko.
12 am
Delikado na 'to. Kanina pa ko naghahanap pero wala man lang akong makita. Kahit traces o ano, na makakapaglead kay Gwyn, wala talaga.
Hindi ko na alam 'yung gagawin ko bukod sa walang tigil na paghahanap sa kan'ya. Hindi ko naman matrace 'yung cellphone n'ya kasi out of range at walang server na pweding pagkonekan. Ayokong maubusan ng hope.
"Sir Xen."
Napatingin ako sa tumawag ng pangalan ko.
"We need to go back. We can't find them." One of the profs said.
Magkakasama na sila ngayon, including sir Lenard, tsaka 'yung ibang rescuers.
"What do you mean go back? We haven't find them yet." I confusedly asked.
"We'll continue tomorrow sir, we have to rest for now." The police answered.
"I won't." Diretsong sabi ko. Tsaka tumalikod sa kanila.
"Just obey us sir."
Napapikit ako. "I don't wanna rest sir. I want to continue searching. " I hesitated.
"Hindi pwede sir, kailangan n'yo munang magpahinga."
"Magpahinga?" Hinarap ko sila. "Sa tingin n'yo makakayanan pa nilang manatiling nawawala kapag nagpahinga pa tayo? What if they're dying right now? They have no food, water and everything sir."
Hindi ko na napigilang ilabas 'yung saloobin ko. Napagtaasan ko na rin sila ng boses.
"Alam namin 'yan sir, but the most important ay mahanap natin sila. "
"Kahit patay na?" Tanong ko.
"I'm sure they're still alive sir, don't worry." One of the polices said.
Mf. Pag ikaw ba niligaw ko sa nakakainis na gubat na 'to makakayanan mo? Surely not. Paano pa kaya silang dalawa na parehong babae at nag aaral palang? Things are completely different from each other so they don't have the rights to conclude.
"Just go back with us sir Xen, or you want me to end your career?"
Damn you Professor Lenard. You don't have the rights to do that.
"Let's go back and continue searching tomorrow."
Wala ulit akong nagawa kung hindi ay sundan sila sa paglalakad pabalik ng camp site.
Hindi na matantsa kung gaano ako napipikon sa prof Lenard na 'yon. Sinabi n'yang nag alalaa rin s'ya kay Gwyn kasi nga estudyante n'ya, pero bakit parang wala s'yang pake? Hindi ba dapat pinagpipilitan n'ya ring mas maiging magpatuloy na sa paghahanap at wag nang mamahinga hanggang sa mahanap namin sila?
That prof is into something which needs to be investigated.
Nakarating na kami sa camp site. Bumalik na rin muna sa city 'yung mga rescuers. At magdadala raw ng iba pang needs namin dito sa camp habang hinahanap sila.
Hindi ko sila pinansin at agad na dumiretso sa tent ko at natulog.
fw
Hindi na ako mapakali ng sobra. Hindi na mawala sa pakiramdam ko 'yung takot at kaba. Dalawang araw na akong natataranta sa mga nangyayari. At oo. Sabado na ngayon at hindi parin namin sila nahahanap. Ang mas nakakainis pa e hindi man lang pinaalam sa mga parents ng mga estudyante at iba 'yung ibinilin ng mga prof sa kanila.
Inutos nilang sabihin sa mga magulang nila na naextend ng ilang araw 'yung camp namin para macover 'yung mga nangyari. Sila na rin mismo nagsabi sa mga parents nung dalawang nawawala.
Hindi ko na alam 'yung gagawin. Ilang beses na kaming pabalik balik sa loob ng gubat at halos mapuntahan na lahat ng parte nito, pero wala parin kaming nakikita. Ilang beses ko ring nakasagutan 'yung mga pulis at ilang mga professors sa pagmamatigas kong wag huminto sa paghahanap sa kanila. Pero parang hindi sila nababahala e.
Gusto ko nalang ding maluha na. Kasi ilang araw na silang hindi nakikita. Mas malaki 'yung chance na hindi na sila buhay pa kasi wala silang kahit anong pagkain at tubig. Hinding hindi ko talaga sila mapapatawad lahat kasi ang babagal nila kumilos.
Nauubusan na ako ng hope na buhay pa si Gwyn. Sobrang natatakot na rin ako sa mga susunod na mangyayari sakaling makalabas na rito 'yung mga nangyari. Kahit 'yung namatay na estudyante hindi parin alam ng parents n'ya na wala na s'ya. Nakakabwiset na pati 'yon e sinabihan ng mga prof na kaya hindi makakauwi agad e kasi naextend nga 'yung camp.
Mf don't think about consequences. Mas lalo silang mabi-blame kapag nalaman nilang hindi naman pala naextend 'yung camp kung hindi e dahil may mga nawawala lang na estudyante gawa ng katangahan nila at may isa pang namatay.
Napaka makasarili nila at hindi na nila iniisip 'yung kapakanan ng mga estudyante nila. Nakakasama rin ng loob na mas sinasaulo nila 'yung pahinga kesa sa paghahanap sa mga nawawala.
Kung wala talaga kaming napala sa mga katangahan nila e hindi ako magdadalawang isip na sagut sagutan sila sa mga ginawa nila kahit maging dahilan pa 'yon ng pagkaalis ko sa trabaho.
"This is our last attempt in finding the two student's, let's go."
Last attempt? Gago anong last attempt? Parang hindi pa nga nila binibigay 'yung best nila sa paghahanap. Tapos dinadahilan pa nila 'yung ginawa naming paghahanap ng maaga kahit wala pang 24 hours silang nawawala. Hindi man lang ba nila naisip na ibang usapan na 'tong lugar kung saan sila nawawala? Mga engot e.
Kesa mabaliw sa kakaisip sa kung gaano sila katanga ay nagpatuloy nalang ako sa paglalakad. Nakakabisado ko na 'yung mga daan. Pati ata itsura ng mga punong nakatayo rito kilala ko na rin. Ikaw ba naman magpabalik balik diba?
Tsaka napapansin ko ring parang tinatamad na 'yung iba maghanap. Ilang beses ko pa nga sila nattyempuhang nauupo lang at pakain kain habang nasa gubat. Which is nakakainsulto for me.
This time hihiwalay ako sa kanila at pagbubutihin kong wag nila makita. Para hindi ako mapigilan sa paghahanap at hindi agad pabalikin sa site. Tsaka sinabi rin nilang last attempt na nila 'to. Last attempt my ass.
BINABASA MO ANG
HACKED: CODE X
Mistero / Thriller"She lived through screens and silence, until one call, one message, turned her world into chaos, forcing her to feel, trust, and face the darkness she'd long ignored." Story Title: HACKED Genre: Mystery - Thriller Status: COMPLETED Chapters: 100
