Nang makarating kami ulit sa bahay nila Rune ay agad kaming dumiretso sa loob. Pero nagtaka ako nu'ng sa ibang silid kami dinala ni Rune. Silid na kung saan kapareho du'n sa silid na lagi naming pinupuntahang tatlo nila Ascen. Kaparehong kapareho talaga ro'n. Mula sa mga gamit na nandito, pati rin sa ayos nito. Pareho talaga at walang pinagkaiba, pero sigurado akong nasa ikatlong silid pa yon at hindi rito sa una.
"You need something? Food? Water?" Rune asked.
"I'm good." sir Xen said.
Kasalukuyan nang nakaupo si sir Xen ngayon sa isa sa mga sofa na narito sa loob samantalang ako ay nakatayo parin.
"I need to use the bathroom." I said.
"Lika turo ko sayo." Aya ni Rune. "You stay here Xen."
"Sige lang, I'll wait." He said.
Agad naman kaming lumabas ni Rune ng silid na yon. Nakasunod lang ako sa kan'ya sa paglalakad hanggang sa pasukin namin 'yung ikatlong silid, kung sana kami palagi.
Mas lalo akong nagtaka pagkapasok do'n kasi wala talagang ipinagkaiba sa unang silid kung nasaan naroon si sir Xen ngayon.
"The reason why this and that room is the literally the same is because that room is the room we're staying with kapag kasama namin si Xen, kasi nga hindi n'ya alam na nagdadive kami sa dark web ni Ascen. And all computers and laptop inside that room is completely normal compared sa mga nandito. And the reason why we made the two rooms the same is because minsan nag aask s'ya ng picture update of what we're doing. Ayaw lang namin na maconfuse s'ya if ever na makita 'yung actual place na iba sa picture." Rune explained.
Kaya pala, intindi ko na. Tsaka mas maigi na rin 'yon. Nakwento rin kasi akin ni Ascen na takot din talaga mag dive sa dark web si sir Xen, pero hindi raw nalayo sa kanila 'yung knowledge n'ya sa hacking.
"Wait lang may kukunin lang ako rito bago ko ituro saan 'yung cr." Rune said and began getting his laptop.
"No, hindi talaga ako nac-cr."
Napatingin s'ya sa akin. "And why?"
"May kutob na ako kung bakit iba 'yung room ba pinasukan natin kaya nagdahilan nalang ako to find out, and I wanna ask if you have extra usb I can use." I said.
"I have. Wait." Naglakad s'ya palapit sa cabinet na nasa tabi ng computer set-up. "At good job sa ginawa mong dahilan para hindi tayo mahuli ni Xen." He said.
Nanatili lang akong tahimik at nakatayo.
"Here, hindi pa 'to gamit lahat." Naglabas s'ya ng ilang piraso ng USB.
"I only need one." I said and picked up a single USB from the table.
"Saan mo pala gagamitin 'yan?" He asked.
Lumapit ako sa computer na ginagamit ni Ascen. "I want to copy the file that Ascen stole in Philip's laptop." I answered.
"No Gwyn, you can't open that in your personal computer because they might trace you." Rune said.
Napaisip naman ako sa sinabi n'ya. Kaya agad kong binalik 'yung USB.
Then how the hell can I help Ascen-oh.
"Then can you wait? I'll just take a picture of the private key. I'll try decrypting it." I said.
"Sige lang Gwyn, take your time." He said.
Mabilis naman akong kumilos at tsaka binuksan 'yung computer. Wala pang isang minutong pagkabukas no'n ay agad kong binuksan 'yung naka separate na text document sa files nito.
Kinuha ko 'yung phone ko at tsaka 'yon kinuhanan ng litrato.
"Got it."
Pagkabalik ko ng phone ko sa bulsa ay agad ko rin 'yon pinatay.
"Let's go back." Aya ni Rune.
Naglakad ako palapit sa pintuan at naunang lumabas sa silid, sunod si Rune na ni-lock 'yon.
"Sorry for taking so long." Rune said and locked the door here at the first room. "Pagkain." Nilapag n'ya sa mesa 'yung mga snacks na naiwan namin nila Ascen kanina sa ikatlong silid.
"It's okay." Sir Xen said. "So how can I help?" He asked.
Naupo si Rune sa sofang nasa tabi ng inuupuan ni sir Xen. "We need to find where did that teacher put all the real footages." Rune answered while busy typing in his laptop's keyboard.
"I can do that." Sir Xen said.
"Pero bakit hinayaan n'yo pang ipabukas? Paano kung burahin n'ya na lahat ng pwede n'yong makalkal do'n?" Tanong ko.
"Sinadya ko 'yon." Sagot ni Rune. "Gusto kong maging kampante muna s'ya para kapag naibalik ko 'yung real footages kahit na naglaan na s'ya ng time bago ipagamit sa akin 'yung computer lab e mapahiya s'ya." Paliwanag n'ya.
"You can trust us in this Gwyn, kumpara sa guro na 'yon mas may alam kami sa decryption and bypassing. At hindi n'ya basta basta mabubutas 'yung mga layers of securities sa system ng CCTVs. Kahit mabura n'ya na sa files 'yung footage, may ilang copies pa rin natitira sa pinakailalim no'n." Sabi pa ni sir Xen.
Kaya pala parang nai-speechless si sir Lenard kanina nu'ng parang nanghahamon si Rune. Malayong mas may alam pala sina Rune kesa sa kan'ya na mas may gulang.
"Pero sa tingin n'yo bakit n'ya pinagdidiinan na si Ascen ang may gawa nu'ng crime?" Takang tanong ko.
"'Yan din 'yung pinagtataka namin ni Xen." Sabi ni Rune. "Kaya hangga't wala pa kaming nakikitang dahilan e paniniwalaan muna namin 'yung teacher na kaya n'ya nagagawa 'yon e concerned s'ya sa namatay na estudyante."
"Hindi n'yo ba naging prof 'yon simula first year kayo?" Tanong ni sir Xen.
Umiling si Rune. "Sa dami ng teachers sa Uni hindi ko na makilala lahat. Sa katunayan kahit subject teachers ko bahagya ko na makilala. Paano pa kaya 'yun na hindi ko pa kelanman nakakasalamuha?" Sagot n'ya.
"I see." Tugon ni sir Xen. "Pero adviser mo s'ya Gwyn right?"
Tumango ako.
"Huh? Adviser mo 'yon?" Nalipat sa akin 'yung atensyon ni Rune.
"Oo, actually nagulat ako kanina sa kan'ya. Kasi kahit ilang weeks ko palang s'yang nakakasama sa room e akala ko mabait s'ya at tahimik lang, pero hindi pala. Completely different person nga s'ya kanina para sa akin." Sagot ko naman.
Nakakalokong tumawa si Rune. "Baka naman may split personality 'yang adviser n'yo? O baka naman nagpapakitang tao lang? Pero kahit saan d'yan, parehong ayoko. Sa lahat ng professor sa kan'ya lang ako nainis ng ganito." Sabi ni Rune.
BINABASA MO ANG
HACKED: CODE X
Mystery / Thriller"She lived through screens and silence, until one call, one message, turned her world into chaos, forcing her to feel, trust, and face the darkness she'd long ignored." Story Title: HACKED Genre: Mystery - Thriller Status: COMPLETED Chapters: 100
