CHAPTER 63: LOST

30 8 0
                                    

"Can you head count? Kung by three na ba kayo lahat dito per section?" Sabi ng isang prof.

Nakabalik na silang lahat. Pero hindi parin ako mapakali.

Makalipas ang ilang minuto ay may dalawang estudyanteng lumapit sa aming mga prof.

"Sir nawawala po si Karen." Sabi nung isang estudyante.

"Same po kay Gwyneth sir."

Parang gumuho 'yung buong mundo sa narinig ko. T*ngina. Nasaan ka na Gwyn?

"Sir Xen."

Huminga akong malalim tsaka binalingan ng tingin 'yung tumawag sa akin.

"Wala bang umalis kaninang estudyante rito nu'ng umalis kami para maghanap?" Tanong n'ya.

Umiling ako agad. "Wala sir."

Kinakabahan na talaga ako at hindi alam 'yung gagawin. Gabi na at hindi ko alam kung nasaan s'ya ngayon. Gusto ko nang kumilos para hanapin s'ya, pero hindi ko alam kung saan uumpisahan.

"Check the dots and count it." Utos ng isang prof.

Agad naman akong lumapit sa nag ooperate ng laptop para icheck 'yung locations ng devices nila. Lahat ng dots ay narito na sa lugar kung nasaan kami. Binilang din namin 'yon.

"Sir, may dalawa ngang kulang at hindi na namin malocate." Sabi ng kasama ko.

Mas lalong nabahala ang lahat.

"Isa lang ibig sabihin n'yan, nakalayo sila sa limit."

Tama s'ya. 'Yung strings na nilagay namin ay 'yung range lang na kayang ilocate ng tracker namin. At kung hindi na nga malocate 'yung isang device, ibig sabihin ay nakalagpas na 'to sa nilagay naming limit.

Ibig sabihin nakalayo na si Gwyn.

"We have to find the two of them immediately but we need to go back at the campsite first and ask for rescuers."

"I'll find them now."

Napatingin silang lahat sa akin.

"No sir, we have to go back first."

"I have to find them now, one of them is very important to me." I seriously said.

"You have to listen sir Xen, kailangan muna nating bumalik sa campsite at tsaka natin uumpisahang maghanap. Hindi pweding mag isa ka lang at baka pati ikaw maligaw." Sabi ng isang prof sa akin.

"Look, I don't really care about that sir. Sorry to talk to you like this but I really have to move—"

"JUST OBEY US MR. XEN AND DON'T TALK BACK."

Napatikom 'yung bibig ko sa biglang pagtaas ng boses ni sir Lenard na sumabat sa usapan namin.

Damn you.

Simula't sapul hindi ka talaga nabigong inisin ako. Wala nang ginawa kung hindi mangealam sa iba e. Napakataas ng tingin sa sarili.

"What about the victim's dead body sir?" Sabi ng isang prof.

"Take a clear picture of her first and then carry her back to the site." Prof Lenard said. "Pag may mga pulis na then we'll lead them back here to investigate." He added.

Mf can't even tell how did the student died.

"Got it sir."

Agad namang ginawa nung isang prof 'yung sinabi n'ya. Tsaka pagkatapos ay binuhat.

"Okay let's go back."

Pagkasabi n'ya no'n ay naglakad na kami pabalik sa camp site.

Sobrang sama ng pakiramdam ko ngayon. Hindi ko na matukoy kung ano talagang nararamdaman ko. Punong puno ako ng galit, sama ng loob at kaba. Si Gwyn. Sana mahanap namin s'ya agad bago matapos 'yung araw ng camp bukas. Hindi pweding hindi namin s'ya mahanap. At kung sakaling mahanap namin ay sana buhay pa at maayos.

Kinakabahan ako kasi may possibility na mapahamak s'ya. Or worst, baka matagpuan nalang naming wala nang buhay. Pero t*ngina naman sana wag.

Ilang minuto pa ng palalakad ay nakabalik na kami sa site. Agad na sinabihan 'yung mga estudyante na wag na wag munang papasok sa mga tent nila at magpapakit. Sinabihan din silang manatili muna rito sa labas hanggang sa may dumating nang mga pulis. Tsaka para mas mapadali kung sino 'yung may gawa ng krime.

Maliwanag din dito sa site gawa ng mga ilaw mula sa mga nakatayong mga poste.

Inihiga rin muna sa isang kumot 'yung wala nang buhay na estudyante.

Nababahala talaga ako.

Isa pa 'tong professor Lenard na 'to. Sana naghahanap na ako ngayon kay Gwyn kung hindi n'ya ako pinigilan. Ayoko rin kasing matanggal sa trabaho. Pero ayoko namang isipin 'yung mga posibleng mangyari pag hindi pa ako kumilos agad ngayon.

Pweding mas makalayo silang dalawa at maligaw. Sobrang lawak ng gubat na kinalalagyan namin. Mahihirapan kaming maghanap. Tsaka hindi namin alam kung mamaya may mga tao palang pagala gala sa loob ng gubat at kursunadahin sila knowing na pareho silang babae. Isa pang dahilan kung bakit dapat maghanap na kami agad e kasi wala silang dalang pagkain at maiinom. Kung patuloy lang silang naglalakad at hinahanap 'yung daan pabalik dito, pwede silang mapagod ng sobra at magutom. Gabi na rin, paano kung lowbat dala nilang cellphone? Hindi ko na alam.

Hindi ko maimagine kung anong lagay ni Gwyn ngayon, pero sana safe lang s'ya.

"Sir paano kung lowbat lang 'yung cellphone nila kaya hindi n'yo malocate?" Biglang tanong nung isang estudyante.

"Kahit lowbat madedetect parin namin." Sagot naman ng isang prof na nasa harap ng laptop.

Kung uumpisahan naming maghanap, dapat sa limit na mismo mag umpisa at hindi na sa pinag ganapan ng activity, tsaka para walang masayang na oras.

"I already called the police, it'll jus take time for them to be here." One of the prof said.

Matatagalan pa 'yan. Hindi ko kayang manatili lang dito habang nawawala si Gwyn. Pero wala naman akong magawa at ayaw nilang mag isa akong pumunta.

Naaawa na ako sa kung anong lagay nilang pareho, mas lalo si Gwyn. Baka gutom na gutom na s'ya, o hindi naman kaya ay dehydrated na. Tsaka alam kong natatakot na rin 'yon ngayon kung sakaling buhay pa.

Pinikit pikit ko 'yung mga mata ko tsaka marahas na napasabunot sa buhok ko. Wag na wag ko dapat isipin 'yon. Buhay pa si Gwyn, malakas 'yon, kaya n'yang manatiling buhay hanggang sa mahanap namin s'ya. Pero sana naman, mapadali. Hindi ko talaga alam saan ako kukuha ng lakas para maghanap pa kung sakaling aabutin kami ng ilang araw.

Hindi. Hindi yan aabot ng ilang araw. Pagkadating dito ng mga pulis, dadalian ko talaga.

HACKED: CODE XTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon