CHAPTER 11: GIFT

108 13 0
                                        

"Open the door Ascen!" Sigaw ni Rune habang kinakatok 'yung pinto ng isang silid.

Nasa ikalawang palapag na kami ng bahay nila, at namamangha parin ako rito. Pansin ko rin maraming mga silid.

"It's open idiot." Rinig naming tugon ni Ascen mula sa loob.

Tumawa naman si Rune tsaka binuksan 'yung pinto. Halatang puro pangga-gago lang ginagawa nito kay Ascen.

"Take a seat Gwyn." Sabi ni Rune tsaka isinara 'yung pinto.

Inilibot ko naman 'yung tingin ko rito sa loob. Malawak, at walang kama. Para s'yang living room lang, ang kaibahan e mga computer nandito at kung ano ano pang gamit na ginagamit nga sa computer o may kinalaman don.

"It's good that you agreed to come along here," Ascen said while fidgeting with his phone.

"I kidnapped her, Ascen," Rune sarcastically replied.

Sa totoo lang may part na tama sya sa sinabi nya kasi hindi alam ng parents ko na inuwi nya ako rito. At hindi ko kailanman ipapaalam kasi baka mag init ulo ng kuya ko pag nalamang inuwi ako ng lalaki.

"I will believe in that right away," Ascen said, still not bothering to divert our attention.

"I'm too handsome to be a kidnapper, pero kung si Gwyn din lang naman ang iki-kidnap e I'd gladly be called a kidnapper," Rune said mischievously and gave me a sly look.

I winced. Kanina pa 'tong gagong 'to. Masyadong bolero.

"Stop that nonsense, Rune," Ascen lowered his phone.

Finally.

He stood up. "Give me a second." He said and approached the cabinet, opening it.

Maya't maya pa ay bumalik s'ya sa pagkakaupo hawak ang puting box. Nilapag n'ya 'yon sa maliit na mesang nasa harapan namin.

"You can have this." Ascen said. "It's a cellphone. But that's not just any ordinary new cellphone. It has apps and security already installed. Hindi na rin 'yan mapapasok ng kahit sinong hacker. And you'll also use that for diving with Rune and me. However, you still need our guidance every time you go in." He added.

Nakatitig lang ako sa puting box, nagdadalawang isip kung tatanggapin ko ba 'yon.

"Wag kang mahiya Gwyn, kahit isang daang phone pa i-wala mo kayang kaya naming palitan ni Ascen." Sabat ni Rune. "Besides, we prioritize your safety." Dagdag din nya.

"Rune's right. Hindi natin alam kung anong motibo nu'ng nang-hack sayo at baka pag bumili ka ng bagong phone without any security installed in it, may possibility na i-hack 'yon ulit, over and over." Sabi ni Ascen.

"Intindi ko." Simpleng tugon ko.

Sa pagtanggap ko nito, tinatanggap ko na rin 'yung pagpasok ng buhay ko sa madilim na bahagi ng mundo. Sa pamamagitan ng pagtanggap nito, tuluyan ko nang tatalikuran 'yung normal kong buhay at haharapin 'yung pang araw araw na panganib.

Hindi ko alam kung makakayanan kong harapin 'yung pang araw araw na iniisip kong nasa panganib 'yung buhay ko at anytime pweding mawala sa mundo.

Nakakatakot.

"Like what we said, Gwyn, you don't have anything to worry about. Don't think that you're in danger because we can keep you safe here." Rune assured.

Pilit akong ngumiti at tumango.

Sana nga.

"Nasubukan mo na bang i-log in 'yung student email mo?" Ascen asked. "Sure ako na hindi 'yon kasama sa mga na-hack nu'ng hacker kasi connected s'ya sa university at baka matrace s'ya."

Tama s'ya. Baka may possibility nga na mabuksan ko pa 'yon. Pero hindi naman 'yon 'yung mahalaga. Mas mahalaga 'yung personal emails ko kasi kung ano anong websites and accounts 'yung naka konek do'n. Mapa-games at social medias.

"And sa pagpasok sa dark web." Napatingin ulit ako kay Ascen. "Mag uumpisa tayo sa sabado, even though I'm busy, I'll try helping you." Dagdag n'ya.

"Thanks."

Naiintindihan ko s'ya, kasi graduating na rin s'ya gaya ng kuya ko. Kaya isa pa 'yang dahilan ba't nagtataka ako sa ginagawa n'yang pagtulong sa akin imbes na mag focus lang sa pag aaral.

"Anyways Gwyn." Naagaw naman ni Rune 'yung atensyon namin. "Anong tini-take mong course sa school natin?" Tanong n'ya.

"Cryptography and Network Security." Sagot ko

"Ooh, hindi nalayo sa course ni Ascen." Manghang sabi nya. "Anong year ka na? Parang mas bata ka kasi sa amin e." Tanong n'ya ulit.

"Second." Sagot ko.

"Ah, no wonder wala ka pang masyadong alam sa hacking. Talagang need mo pa ng guidance kasi mag uumpisa palang kayo sa majors n'yo." Sabi n'ya na s'yang ikinatango ko.

Pero 'yung nangyari sa phone ko 'yung isang magiging dahilan ba't ipagpapatuloy ko 'yung course ko hanggang sa matapos ko 'yung 4th year. Para na rin hindi na 'to maulit pa at para mas lumawak 'yung kaalama ko.

"Tsaka alam mo ba, napaka-rare ng tulad mong babae na nagkaka-interes sa cryptography. Halos lahat kasi ng babaeng nagti-take ng computer science e sa programming pumupunta." Rune said.

Naiilang akong tumawa. "Actually galing ako d'yan nung first year, pero I ended up shifting to cryptography for personal reasons." Sabi ko naman.

"Tignan mo tama ako." He arrogantly said. "Tsaka oo nga pala Gwyn." Nanatili akong nakatingin sa kan'ya. "May boyfriend ka?"

I chuckled. "Wala."

Mula nu'ng pumasok ako ng kolehiyo hindi na ako nagkaro'n ulit ng boyfriend, bukod sa sagabal e hindi ako makafocus sa ginagawa ko lalo pag may alitang nangyayari. Magdadalawang taon na akong hindi napapasok sa kahit anong relasyon, at ni minsan hindi ako nakaramdam ng paninibago at inggit sa iba.

"Bakit naman? Ang ganda ganda mo e."

Bolero talaga 'tong gagong 'to.

"Wala akong time d'yan, mas iniisip ko pa cellphone ko ngayon kesa sa iba." Sagot ko naman.

Actually mas sumasaya nga ako sa memes kesa sa thought na pagkakaro'n ng boyfriend e.

"Single din ako, baka gusto mong maging girlfriend ko."

Bigla naman s'yang binato ni Ascen ng hawak hawak nyang box na walang laman dahilan para mapadaing s'ya.

"Advertising yourself is like throwing a trash to someone that is not a trashcan." Ascen calmly said.

Sinamaan s'ya ng tingin ni Rune. "Pangit talaga ng ugali mo." Sabi n'ya. "Kaya walang nagkakagusto sayo e."

Tinitigan s'ya ni Ascen, habang si Rune ay nakatitig din sa kan'ya. Nagtititigan sila ngayon.

"Well marami ngang nagkakagusto sayo, pero I think pangit taste nila." Sabi ni Rune.

"Don't have time for that." Ascen said.

"Sus ang sabihin mo tatanda kang single kasi allergic ka sa babae." Pang aasar ni Rune.

"Stop that nonsense already, ihatid mo na si Gwyn sa bahay nila or else I might call her parents and tell them you kidnapped her."

Agad namang tumayo si Rune.

HACKED: CODE XTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon