CHAPTER 10: RUNE

114 13 0
                                        

Medyo nawala 'yung kaba ko sa mga nalaman ko mula sa kanila. Tsaka kahit papaano nagkaro'n ako ng hope para mabawi lahat ng nawala sa akin. Ang mas ikinaganda pa e same school lang kami nu'ng mga tutulong sa akin.

Hindi ko alam na may nagda-dive pala sa dark web na estudyante rin ng pinapasukan kong school. Hindi na nakakagulat kasi sinabi nilang computer science din 'yung kinukuha nila. Hindi tulad ko, graduating na si Ascen, kaya malayong mas malawak 'yung kaalaman n'ya sa akin at sabi n'ya ring dati pa talaga s'ya nag aaral tungkol sa hacking and stuffs.

Natuwa rin ako kanina nu'ng sinabi ni Ascen na hindi na magagamit ng hacker 'yung bank account ko kasi natrace n'ya na 'yon sa bank informations mismo. Problema ko nalang e kung paano 'yun mababawi lahat. Kahit na sinabi nilang matatagalan, okay lang. At kahit kailangan ko pang pumasok sa dark web gaya nila.

Hindi ko alam kung bakit pero gano'n nalang kadali sa akim para pagkatiwalaan silang dalawa. Siguro sapat na 'yung rason na mas may alam sila sa akin at dahil school mate ko lang din sila.

Napahigpit ako ng kapit ko sa bag ko habang naglalakad palabas ng school. At oo. Kakatapos lang ng last subject namin ngayong araw at pauwi na ako.

Kahit papaano nakafocus na ako sa discussion kanina at may napasok na rin ulit sa utak ko.

Pagdating ko sa bahay, susubukan kong magpabili ng bagong phone kay papa. Baka ang dami nanamang madada no'n bago ako bilhan, lalo si kuya. Aasar asarin nanaman ako no'n at sasabihin na kaya pala hindi ako nagamit ng phone kaninang umaga habang naglalakad kami papasok ay dahil sira na phone ko.

Napasinghap ako.

Alas tres palang, maaga rin kasi kaming dinismiss nu'ng prof namin, tamad ata magturo 'yon e.

Patuloy lang ako sa paglalakad, hanggang sa may biglang humintong magarang motor sa gilid ko dahilan para mapahinto rin ako. Grabe ha. Gara naman neto, mayaman siguro 'to—

"Rune?" Bulalas ko pagkakita ko kung sinong huminto.

Nakangiti n'yang inalis 'yung helmet n'ya. "Hi Gwyn, sakay na." Alok n'ya.

"Nako, malapit na bahay namin, tsaka kaya ko na maglakad, salamat nalang." Tanggi ko.

"Hindi sa bahay n'yo, sa bahay namin." Sabi n'ya. "Walang tao ro'n wag kang mag alala."

Napangiwi ako. Anong gustong ipahiwatig ng taong 'to.

Napatawa s'ya dahil sa reaksyon ko. "Naro'n si Ascen, may ibibigay lang daw s'ya saglit sayo. Ihahatid nalang kita pauwi." Pagbasag n'ya ng atmosphere.

"Malayo ba?" Tanong ko.

"Uhmm, sakto lang naman. Tsaka mabilis lang tayong makakarating do'n, wala naman masyadong traffic ngayon e." Sagot n'ya. "Ah wait."

Nanatili ako sa kinatatayuan ko. Umalis s'ya sa pagkakasakay sa motor n'ya tsaka binuksan 'yung top box at may kinuhang helmet. Tsaka lumapit sa akin, hindi ako kumibo nang bigla n'yang isuot sa akin 'yon.

Hindi ko naman mapigilang tingnan s'ya habang kinakabit 'yon sa akin. Mas pogi s'ya sa malapitan.

Napapikit ako sa mga mata ko. Ano ba Gwyn, nasisiraan ka na ng ulo.

"Ayan, sakay na." Alok n'ya.

Pagkasakay ko naman sa motor n'ya ay iniandar n'ya na ulit 'yon.

"Okay lang kahit hindi ka kumapit kasi may box sa likod, but if you want you can just encircle your arms in me." He said.

Nailang naman ako sa sinabi n'ya. "Thank you pero hindi na."

He just chuckled "Aight, I'll drive."

Pagkasabi n'ya no'n ay inumpisahan n'ya nang patakbuhin 'yung motor.

May mga nadadaanan kaming ilang mga estudyante sa gilid ng highway, at ang iba'y pinagtitinginan kami. Siguro kasi popular nga talaga s'ya sa school namin gaya ng sinabi n'ya. Hindi naman maikakaila 'yon kasi pogi s'ya, mayaman at hindi ko na alam.

Mga tulad n'ya talaga 'yung mahahalata mong makaka-gain agad ng popularity sa bawat school na papasukan n'ya. And wala akong doubt do'n.

Pero bigla kong naalala si Ascen.

Kung ikukumpara s'ya kay Rune, hindi hamak na mas pogi si Ascen. Pogi si Rune pero mas pogi talaga si Ascen. Kahit magulo 'yung buhok no'n nalitaw parin 'yung itsura n'ya. Pero kung papansinin e bilang lang mga kilos at pananalita n'ya, hindi tulad ni Rune na may kadaldalan at mataas 'yung confidence.

Napapikit ako habang dinadama 'yung hangin ng syudad na napaka-polluted. Pangit. Hindi ko tuloy ma-feel 'yung motorcycle scene sa Zankyou no Terror. Well city din 'yon pero polluted kasi ang Pilipinas kumpara sa Japan. Siguro kung nasa province pa kami e mas dama ko pa 'yung magandang simoy ng hangin, hindi tulad dito. Panira ng moment.

"We're here."

Nabalik ako sa huwisyo tsaka dali daling umalis sa pagkakasampa sa motor n'ya.

"Come here Gwyn." Lumapit naman ako sa kan'ya na nakasakay parin sa motor n'ya.

"I can take it off—oh."

Anong ginawa ng gagong 'to at bakit hindi ko matanggal.

Napatawa nanaman s'ya. "Told you." Sabi n'ya tsaka tinanggal 'yung pagkakalock ng helmet sa akin. Tsaka nu'ng ma-unlock ay tinanggal n'ya rin, tsaka inayos 'yung buhok ko.

Hindi naman ako makakibo.

"Ayan maayos na ulit." Nginitian n'ya ako. "Wait here, I'll just park this." Bilin n'ya.

Tumango naman ako at nanatili sa kinatatayuan ko.

Napalibot naman ako ng tingin sa paligid ko.

Parang nasa gitna ako ng malawak na garden dahil sa mga hamalam na nakapalibot sa sementadong paikot na daan at may fountain na walang tubig sa gitna.

Tumalikod ako.

Wow.

Ang laki nu'ng bahay na nasa harap ko ngayon, well nasa ikalawang palapag lang din s'ya gaya ng sa bahay pero hindi hamak na mas malaki at mas malawak 'to. Ibang iba rin 'yung disenyo at halatang pinaggastahan talaga ng napakalaking pera. Nakakabilib.

"Bahay namin." Napatingin ako kay Rune. "Tara sa loob?"

Tumango naman ako.

Grabe na 'yan. Alam kong mayaman s'ya pero hindi ko ini-expect na ganito kayaman. Dapat du'n palang sa motor n'ya nagka-ideya na ako kung gaano kalaki at kagara 'yung bahay nila e.

Hanggang sa loob ng bahay, puro mamahalin 'yung nandito, mula sa mga exteriors at furnaces, sa staircase at iba't ibang parte pa ng bahay. Sobrang ayos at linis din. Hindi mo talaga maiiwasang mapamangha kapag nakita mo lahat.

"Tara na sa taas, naro'n si Ascen." Aya n'ya.

HACKED: CODE XTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon