Kunot ang noong nahiga ako sa kama pagkapatay ko ng pc ko.
Sino 'yon?
Paano n'ya nalaman 'yung kagagawa ko lang na email? Isa ba s'ya sa mga hacker na nakakita ng post ko sa Facebook group na sinalihan ko? Tsaka ang mas pinagtataka ko pa, alam n'ya kung saan lugar ako malapit, pamilyar na pamilyar ako sa binanggit n'yang meet up place kasi nadadaanan ko 'yon pag pumapasok ako sa uni.
Paano?
Gano'n na ba talaga kagaling 'yung mga hacker? Pero sino naman s'ya? Bakit need pang makipag meet up para lang makilala ko s'ya?
Pero curious ako sa kung paano n'ya nagawa 'yon, sa pag send sa bago kong email at pag alam ng lugar kung saan ako malapit.
Ikinalma ko 'yung sarili ko.
Kaysa naman tuluyan nang mawala 'yung mga accounts ko, mas okay nang mag try. Bahala na d'yan.
fw
Nagising ako dahil sa mga pagkatok mula sa lahas ng silid ko.
Agad naman akong bumangon. "Gising na." Inaantok ko pang sabi.
Tumingin ako sa orasan.
5:40 am
Kinusot kusot ko 'yung mga mata ko bago tuluyang lumabas ng kwarto ko at bumaba ng hagdan patungo sa kusina at naupo sa harap ng hapag kainan.
"Musta tulog?" Tanong ni kuya habang kumakain.
"Ayos na, kumpleto na ulit." Sagot ko. Nag umpisa na rin akong kumain ng almusal.
"Mabuti naman, next time magsabi ka na ha."
Tumango ako.
Pero ayoko nang magsinungaling, wala nang next time. Sana nga lang hindi na s'ya magtanong ulit para hindi na mangyari 'yon. Kailangan ko nalang ingatan bawat kilos ko para hindi s'ya makahalata at mag alala.
Makaraan pa ang ilang minuto ay natapos na kaming kumain ni kuya at sabay na nag ayos. Pagkatapos ay nagpaalam na rin kay mama at umalis na ng bahay papasok sa paaralan.
"Bago a, hindi ka ata nagse-cellphone ngayon habang naglalakad." Pansin ni kuya habang naglalakad kami sa gilid ng highway.
Napahigpit ako sa hawak ko sa bag. "Wala akong gana ngayon." Sabi ko.
Kasinungalingan nanaman.
"Nice, mukhang nagbabago ka na. O baka naman nadala ka lang?"
Kinabahan ako sa sinabi nya. "Gusto mo bang habambuhay nalang ako nakatutok sa phone ko kuya?"
Napatawa s'ya sa banta ko. "Nagbibiro lang e."
Hindi ko s'ya inimikan at nagpatuloy lang kami sa paglalakad. Hanggang sa makarating na kami sa school.
Tinungo ko 'yung school building namin at dali daling umakyat sa ika-apat na palapag nito.
"Good morning Gwyn!" Bungad ni Lucy na nasa tabi ko na.
"Good morning." Bati ko pabalik.
"Kumusta 'yung phone mo? Nabuksan na ba?" Umiling ako dahilan ng pagbago ng ekspresyon n'ya. "Nakakalungkot naman 'yan."
Pangalawang beses n'ya nang sinabi 'yan. Imbes na mas malungkot mas naiinis ako.
"Buti at nakakayanan mo namang hindi gumagamit ng phone?"
"Kinakaya." Simpleng tugon ko.
Ba't hindi s'ya nauubusan ng tanong? Tsaka akala ko ba naboring na s'ya sa akin.
"Ah sana mabuksan mo na Gwyn." Sabi n'ya. "Balik na ako sa upuan ko, iwan muna kita rito."
Tumango ako.
Wag ka nang bumalik.
Tumanaw ako sa soccer field. May ilang mga nakatambay do'n kasi makulimlim. May ilan ding naglalaro.
Ilan pang mga minuto ay ang pagdating ng una naming professor sa araw na 'to.
"Good morning class." She greeted.
"Good morning ma'am." We all greeted back.
She then smiled. "Based on what we tackled last monday, can someone give me the first type of computer networks?"
Ayan nanaman s'ya, puro nalang recap, kaya andali naming maubusan ng oras sa kan'ya e. Mas marami pa kasing ginagawang pamimressure sa mga estudyante kesa sa pagdi-discuss.
Imbes na may matutunan ka e mabobored ka nalang.
--
Napatingin ako sa relo ko. Mag 12:30 na.
At oo, katatapos ko lang mag lunch. Tapos na rin 'yung first three subjects namin ngayong araw. Walang bago, gaya ng usual na pagtuturo nila. Sa kung gaano karami mga natutunan namin, hanggang sa kung gaano sila kaboring magturo.
Naglalakad ako ngayon patungo sa computer shop na tinatawag nilang Xanthe. Sikat 'yon dito kasi dinadayo pa ng mga taga ibang barangay. May aircon kasi sa loob tsaka high end 'yung mga computer kaya kapag bobo ka maglaro, hindi mo masisisi sa computer, malalaman mo agad na ikaw lang talaga may problema.
Nagdadalawang isip ako tumuloy lalo't delikado, pero naisip ko rin na matao sa com shop kaya baka hindi talaga ako niloloko lang.
Pagdating ko sa shop ay saktong 12:30 na.
Inilibot ko 'yung tingin ko sa loob pagkapasok ko. Pero wala akong ibang makita, puro estudyante nandito at focus lang sa paglalaro. Wala akong mahagilap na kung sino na parang naghihintay lang.
"Gwyn?"
Napatingin ako sa nagsalita. Mukhang isa s'ya sa mga taga bantay sa shop na 'to.
Tumango ako.
"Sa second floor, nando'n 'yung ka-meet mo." Sabi n'ya.
"Ah thank you po."
Tinanguan n'ya lang ako bago umalis.
Samantalang ako ay nagpasya nang umakyat sa hagdan pataas sa ikalawang palapag ng shop. Pero based sa pagkakaalam ko e, walang computers sa taas kung hindi pahingahan lang o tambayan ng maga nagbabantay dito o 'yung may ari mismo.
Pagdating ko sa taas ay nadatnan ko na naka-upo sa sofa ang isang lalaki na nakasuot ng black polo shirt. Maayos s'yang manamit pero mero'n s'yang suot na silver stud earring sa kaliwa n'yang tenga, tsaka nakasuot din ng eyeglasses.
"You're Gwyn right?" I nodded. "Sit down." Masigla n'yang alok.
Naiilang naman akong umupo. Bukod kasi sa masiyahing vibe n'ya e masasabi kong kakaiba rin 'yung taglay n'yang kapogihan.
Tahimik lang kaming dalawa, at mas lalo akong naiilang kasi nakatitig lang s'ya sa akin.
Bwiset na 'yan.
Parang ayaw n'ya pa atang tigilan, nakatitig parin s'ya na parang sinusuri bawat detalye ng pagkatao ko, mula pisikal tagos sa kaluluwa.
I then cleared my throat.
"Are you that Enigma guy?" I asked to break the silence.
"Yes!" He exclaimed.
"Jerk." Napatingin ako sa lumabas mula sa isang silid dito sa taas. "I'm Enigma."
Napatitig ako sa kan'ya. Hindi sa kapogihan, sa pananamit o kahit anong mero'n s'ya.
S'ya 'yung lalaki kahapon sa faculty room.
![](https://img.wattpad.com/cover/344311844-288-k591399.jpg)
BINABASA MO ANG
HACKED: CODE X
Misteri / ThrillerThis story revolves around a woman who, like many others, is invested in the world of gadgets, particularly computers. She cannot let a day pass without surfing the internet or playing online games. Consequently, this has caused her to distance hers...