CHAPTER 22: TENSION

110 11 0
                                        

"Gusto mo tubig?" Alok ni Rune.

Kakarating lang namin ngayon dito sa com shop. Pagod din ako gawa ng init nu'ng naglakad ako papunta rito kasi hindi ako umangkas kay Rune. Marami rin kasing pauwi nang mga estudyante kaya baka may makakita sa amin. Nu'ng una pinilit pa ako ni Rune pero napapayag ko rin.

"Gwyn?"

Nabalik ako sa huwisyo. "Ah, oo." Sagot ko.

Lumapit s'ya dala 'yung pitchel. At tsaka sinalinan ng malamig na tubig 'yung baso na nasa mesa ko.

"There."

Inangat ko 'yon tsaka ininom lahat.

"Gusto mo pa?" He asked.

"No."

Nilapag n'ya sa mesa 'yung hawak n'yang pitchel.

"May dugo ba 'yung bangkay?" Tanong n'ya.

Umiling ako. "Strangulation 'yung ikinamatay n'ya I think. May putol din kasi na cable wire na nasa lababo, tsaka wala ring kumalat na dugo." Sagot ko.

"Tama assumptions mo, kahit hindi ko nakita wala nang ibang possible na ikinamatay no'n kung hindi pananakal." Sang ayon lang ni Rune. "Pero are you really okay?"

"Yes. Thanks for asking." I answered.

"Do you want anything to eat? Oorder ako sa labas." He asked.

"Okay na ako kahit ano."

"Okay, stay here and wait for me." Kinuha n'ya 'yung helmet n'ya tsaka susi na nakalapag sa mesa. "Pag nauna palang dumating si Ascen tell him pumunta akong Jollibee." Bilin n'ya.

"Okay, take care." I said.

Nginitian n'ya lang ako bago tuluyang umalis.

Huminga naman akong malalim tsaka sumandal sa sofa.

Pinikit ko 'yung mga mata ko.

Mage-eleven am palang, hindi pa nakakalahati 'yung araw pero pagod na pagod na agad ako. Hindi ko rin inaasahang masasangkot pala ako sa krimen. Ni hindi ko nga kaano ano 'yung namatay. Hindi ko pa kilala kahit sa mukha man lang

Pero ang mas ipinagtataka ko ay kung sino at kaano ano n'ya 'yung pumatay sa kan'ya. Tsaka anong dahilan? Nakakabahala. May kaya palang gumawa no'n sa kapwa n'ya estudyante. Mas lalo akong natakot. Hindi na talaga safe ang mundo kahit saan ka mapadpad.

Pwede ring sabihin na nag suicide 'yon. Pero hindi naman ako makakita ng dahilan na gagawin n'ya ngang magpakamatay kung mabibase ako sa mga statements nu'ng tatlo kanina.

Baka nga may nakaaway lang s'ya tapos hindi n'ya lang sinasabi sa iba kung sino.

"Gwyn."

Agad kong naimulat 'yung mga mata ko.

"Ascen..." Mahina kong banggit sa pangalan n'ya.

"You okay?" He asked.

"Yeah, thanks."

Hindi s'ya umimik at naglakad sa harapan ko tsaka binuksan 'yung naka-lock na silid dito sa taas.

Maya't maya pa ay lumabas din s'ya. Naka-loose na 'yung suot n'yang necktie tsaka may hawak na laptop. Umupo rin s'ya sa sofa.

Hindi kami nag iimikang dalawa, hindi ko rin magawang magtanong sa kan'ya kasi parang occupied 'yung utak n'ya sa mga oras na 'to. At halatang parang seryoso s'ya sa ginagawa n'ya ngayon.

Ilang minuto s'yang nagtitipa sa laptop n'ya na pinasakan n'ya ng USB kanina. Naccurious na rin ako kung anong ginagawa n'ya ngayon.

He looks frustrated.

"Where's Rune." Hindi ko alam kung nagtatanong ba s'ya o ano.

"Ordered food outside." I answered.

Hindi n'ya ulit ako inimikan tsaka biglang sinara 'yung laptop n'ya at tumihaya pasandal sa sandalan ng inuupuan n'yang sofa.

"Fuck it." I heard him cursed. "We need to go to Rune's house after we eat." He said and stood up before going inside the room.

Bigla namang dumating si Rune hawak 'yung mga tinake out n'yang pagkain.

"And'yan na si Ascen right? Nasa baba na 'yung motor n'ya e." He said.

Tumango nalang ako. So nagmomotor din pala s'ya.

"We need to go to your house." Ascen said. "I need to use your computer." He added.

"Nyare sayo Ascen? Ba't parang pagod na pagod ka?" Rune asked.

"I'll tell you later, let's eat first." Seryosong sagot ni Ascen.

"Isasama ba si Gwyn?"

"Of course, involved s'ya sa case kaya dapat kasama s'ya." Sagot n'ya.

Oh. So ibig sabihin may kinalaman sa case kung bakit s'ya nagkakaganito.

"I see." Nilabas ni Rune 'yung mga inorder n'ya sa plastic at nilapag sa mesa. "Kain na Gwyn, Ascen."

Hinintay kong mag umpisa si Rune bago ako kumuha ng pagkain tsaka nag umpisa na ring kumain.

Tahimik lang kaming nakaing tatlo. Hanggang sa ilang minuto pa e natapos na kaming lahat kumain.

Hindi na nagpahinga pa si Ascen at agad na pumasok sa loob at nagbihis ng damit bago lumabas.

"Sa akin ka umangkas Gwyn."

Napatigil kami pareho ni Rune sa pagtayo.

"And why?" Rune asked.

"There are still students walking outside and they might see the both of you." Ascen answered. "Hindi ako kilala sa school kagaya mo kaya safe s'ya sa akin." Dagdag n'ya.

"I can easily clear her name if they spread it out. I can just say she's my girlfriend." Seryosong sabi ni Rune.

Tumahimik saglit.

Hindi ko alam kung bakit pero parang may namumuong tensyon sa pagitan nilang dalawa.

"You can't." Ascen said, combing his hair. "She might get in trouble. Hindi na gano'n ka safe ang mundo Rune. You have so many fans, and too much jealousy drive people to commit crimes."

"I mean I can protect her Ascen, wala ka bang tiwala sa akin."

Hindi ako makasabat sa usapan nilang dalawa. Napaka uncomfortable ng atmosphere ngayon.

"Hindi sa wala kong tiwala sayo. If you really want to protect her, then just agree. I really want to protect her too, if saying that will make you comfortable." Humarap si Ascen kay Rune. "Bakit ba pati simpleng pag angkas ni Gwyn sa akin e pinag aawayan pa nating dalawa. I only want to keep her name private just like what it is right before we met her." Naglakad s'ya sa pagitan namin.

Rune heaved a deep breath. "Okay, if you only think about her safety." He said. "Let's go Gwyn."

Naglakad na kami pababa ng hagdan.

FINALLY.

Ayoko nang maulit 'yung gano'ng tensyon, hindi ko matagalan. Paano pa kaya kapag nag away na sila mismo? Nakakabahala.

Tsaka,

Ako pa dahilan. Ayokong dumating sa point na konsensyahin ako. Ayokong masira 'yung friendship nila dahil sa akin. Bakit ba kasi masyado nilang iniisip kalagayan ko?

HACKED: CODE XTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon