GWYNETH'S POV
"This is hard than what I expected." I heard Ascen said.
"Why?" I asked.
Wala rin kasing kakausap at magtatanong tanong sa kan'ya rito ngayon na may ginagawa si Rune.
"I've already used different kind of decryption methods, and patterns, yet I still don't know what kind of encryption that guy used." He answered. "Sigurado akong alam ko 'to, my head just can't work, damn it." He cursed.
I narrowed my eyes to check the file's encryption.
For some reasons I think familiar s'ya sa akin. Ah yes.
"Kung tama pagkakaalala ko, that kinda looks like an RSA Algorithm." Hindi siguradong sabi ko.
"Oh yes, that's it." Ascen said. "Thanks."
Napatingin naman ako sa kan'ya. "Welcome."
Minsan may silbi rin pala utak ko sa mga sitwasyon na ganito.
"Sa pagkakaalam ko hindi gano'n kadali mag decrypt ng RSA Algorithm." Sabi ko, kasi nung may nakita kong gan'yan sa internet ang dami daming calculations and methods need mong i-solve para mabuksan mo 'yung encryption.
"Yep, and Philip used a modified version of RSA Algorithm, it's a complex one." Ascen said. "He used a public key for encryption and a private key for decryption." He added.
Pinapanood ko lang si Ascen sa ginagawa n'ya. Nag right click s'ya sa file at sinubukang i-extract 'yon kahit may lock. Hindi rin ako nag eexpect na may lalabas do'n kasi nga naka-lock.
Pero nagulat ako.
May isang text document na naiseparate sa encrypted file.
At nu'ng binuksan ni Ascen 'yon ay may mga lumabas na series of numbers, and naka-label 'yon as 'Private Key'.
"This is the thing that we have to decrypt using RSA Algorithm-"
*RIIINGGGGGGG*
Naagaw nu'ng tumunog na cellphone 'yung mga atensyon naming tatlo.
"Sorry about this." Ascen said and took his phone and answered the call.
Samantalang ako ay bumalik muna sa sofa at naupo. Pansin ko ring may inaasikaso parin si Rune sa isa n'yan laptop pero nakapatay na 'yung isa.
At wala pang limang minuto ay nagulat kami sa biglang pagtayo ni Ascen.
"They already watched the CCTV footage of me going through Philip's laptop, and now they want me to go back to school."
Nabahala ako dahil sa sinabi n'ya.
"How the f*ck?" Rune cursed. "I already deleted all the footages, I hacked their wifi network's system without leaving a trace, so what the hell happened?"
Halatang may galit na s'ya sa pananalita n'ya.
Doon ko lang din napagtanto kung anong ginagawa n'ya. Hinack n'ya pala 'yung CCTV sa library ng school namin para mabura 'yung footage ni Ascen.
Pero ang nakapagtataka, kung nagawa n'ya na ngang burahin 'yon, bakit napanood parin nila?
"Siguro nauna silang mag check ng CCTV kesa sa pagbura mo." Ascen said. "I should go."
Akmang maglalakad na s'ya palabas nang bigla s'yang pigilan ni Rune.
"No, wag kang pumunta ro'n, they might arrest and accused you for doing the crime." Rune seriously said.
"Kesa naman sugurin ako rito sa bahay mo? I'll just go. And if you really want to help me, come and tell them I'm with you the whole time." Ascen said.
Kalmadong tinanggal ni Rune 'yung nakahawak n'yang kamay sa kaliwang braso ni Ascen. "Of course I'll help you." He then said.
"Good, now take Gwyn home."
"No, I'll go too." I said.
Napatingin silang dalawa sa akin.
"No, you should go home. They might accused you too for being with me." Ascen said.
"I don't care, tsaka isa pa involved na ako sa case even though I'm innocent. Inosente ka rin Ascen, kahit akusahan tayo, basta ma-prove nating inosente tayo, sooner or later, maaayos din." Pagpupumilit ko. "Hindi ako takot kasi inosente ka." Dagdag ko pa habang nakatingin sa kan'ya.
"Gwyn's right Ascen, we don't care if we get involved too, we just need to work with each other." Sang ayon ni Rune.
"Okay." Nag iwas ng tingin si Ascen. "But be sure to not get in trouble because I might blame myself." He said.
"Got you bro." Rune tapped Ascen's shoulder and decided to go out.
Sumunod nalang din ako sa paglabas.
1:30 pm
Marami pang time, pero sana hindi kami magtagal do'n. For some reasons kinakabahan at natatakot ako sa mga pweding mangyari pagkatapak namin do'n.
"Mauuna ako, sunod nalang kayo ni Gwyn after 5 minutes para hindi halatang magkakasama tayo." Bilin ni Ascen.
Nasa harap kaming tatlo ng bahay nila Rune at nakasakay na pare-pareho sa mga motor. Pero hindi kagaya kanina ay kay Rune na ulit ako naka angkas ngayon.
"Sure Ascen, ingat ka." Rune said.
"The two of you too." He said. "I'll go."
Pagkasabi n'ya no'n ay pinaandar n'ya na paalis 'yung sasakyan n'ya at naiwan kaming dalawa rito ni Rune.
At kahit hindi ako masyadong nakadikit sa kan'ya rito sa likod ay nadadama ko 'yung malalalim n'yang paghinga. Gano'n din ako, at mabilis 'yung tibok ng puso.
"Akala ko talaga nagtagumpay na 'ko sa pagbura nu'ng footage kanina. Hindi ko alam na ang bagal ko parin pala talagang kumilos." Nagsisising sabi n'ya.
Malakas n'ya ring hinampas 'yung harapan ng motor n'ya dahilan para magitla ako.
"If they accused Ascen, I'll make sure they're going to regret it." Seryosong sabi ni Rune.
Hindi ko alam kung anong sasabihin ko. Hindi ko alam kung paano s'ya pakakalmahin kasi kahit ako na ilang araw palang kasama sina Ascen e kinakabahan na ng sobra, paano pa kaya 'tong si Rune na matagal n'ya nang kasama?
"Pero sa tingin mo aarestuhin ba nila s'ya?" Tanong ko.
"They might." Rune answered. "Lalo ngayon na wala pa silang nakikitang trace kung sino 'yung pumatay." Dagdag n'ya.
"That's bad." Sabi ko.
Kung basta basta nalang silang maniniwalang si Ascen nga 'yung gumawa ng crime, masasabi kong gano'n na talaga katamad 'yung mga pulis. Pero sana wag naman.
"Mahigit 5 minutes na 'yung nakakalipas, we should also go now." Sabi ni Rune tsaka iniandar 'yung motor n'ya. "Kapit ka Gwyn." He said.
"Sige, thanks."
Kumapit naman ako sa side ng inuupuan ko tsaka n'ya pinaandar paalis.
BINABASA MO ANG
HACKED: CODE X
Mystery / ThrillerThis story revolves around a woman who, like many others, is invested in the world of gadgets, particularly computers. She cannot let a day pass without surfing the internet or playing online games. Consequently, this has caused her to distance hers...