CHAPTER 78: SIR LENARD

32 10 0
                                    

"Natapos mo na 'yung assignment sa last subject?" Tanong ni Kian.

Thursday na ngayon, malapit na rin matapos 'yung first subject namin sa panghapon. Bago 'yung last tsaka kami uuwi.

"Oo." Sagot ko.

Kakatapos ko lang ding sagutan 'yung pinapagawang activity nung subject teacher namin ngayon at hinihintay nalang na matapos 'yung iba bago n'ya kami iwan dito.

Makaraan 'yung ilang minutes ay tapos na 'yung oras at sabay sabay na kaming nagpasa ng mga papel namin bago bumalik sa pagkakaupo para hintayin 'yung prof sa last subject.

"Guys wala raw si sir, pero gawin 'yung nasa module na inupload n'ya sa google classroom." Sabi nung captain namin.

Great.

Hindi na ata napasok 'yung prof na 'yon e, lagi nalang busy at may ginagawa. Pero naiintindihan naman namin. Tsaka alam kong mas gusto rin 'yon ng iba kong mga kaklase. Tatapusin ko nalang din agad para makauwi na ako. Hindi ko na paabutin ng 5 para maaga ako makarating sa bahay.

"Ilang araw nang wala si sir Lenard ah." Rinig kong sabi ni Kian.

Bigla ko namang narealize na s'ya pala 'yung subject teacher namin sa subject na 'to. Nakakapagtaka rin. Wala naman daw s'yang sinasabi sa gc na dahilan, basta hindi lang s'ya makakapasok. Pero nagiging suspicious na. Mag lilimang araw na s'yang hindi napasok dito sa university sabi nila. Hindi naman nila masabi kung may sakit kasi wala nga raw s'yang sinasabi maski sa ibang profs.

"Might be something personal." Sabi ko.

Kian shrugged. "Baka nga. Pero dapat sabihin n'ya parin na personal nga 'yon. Kaso wala e." Sabi n'ya.

Tama s'ya ron, para naman sana maging aware kami at hindi nagtataka sa pagiging absent n'ya.

"Pwede ring isipin ng iba na patay na s'ya." Sabi pa ni Kian.

Possible din 'yan lalo't wala talaga s'yang sinasabi. Napaka suspicious.

"Hindi man lang ba kaya tinry ng ibang profs na dalawin s'ya sa bahay nila." Sabi ni Kian.

"Malay ko. Baka ayaw din ni sir Lenard na puntahan s'ya ro'n kaya walang nagtatangka, kung wala nga." Sabi ko naman.

"Ang weird talaga. Buti sana kung wala s'yang mga estudyanteng maiiwan e. Tsaka wala na rin kasing natututunan 'yung iba. Kung patuloy na ganito at walang discussion na nagaganap, maoolats tayo sa midterm."

Sang ayon ako kay Kian. Kung walang self study 'yung iba maaaring wala nga silang maisagot sa exam namin. Mahirap intindihin 'yung mga taong kapag hindi pinaliwanag 'yung lesson kung saan 'yon nanggaling mismo. Wala nga ata 'tong pinagkaiba sa modular na naganap nu'ng pandemic na halos maibagsak ko na lahat ng subjects kasi hindi naman naididscuss sa amin.

fw

Pagkatapos kong magawa 'yung pinapagawa n'yang activity e pinasa ko na sa captain namin tsaka nagpaalam na. Pero mag 5 pm na rin kasi hindi ko nagawang natapos agad.

Naglalakad na ako ngayon palabas ng school. Hindi ko alam ba't ang sakit ng likuran ko ngayon, kahapon ulo. Bwiset na katawan 'to. Araw araw iba iba inaarte e— wait.

Napahinto ako sa paglalakad, nakalabas na ako ng gate. Pero may nakaagaw ng pansin ko sa kabilang bahagi ng highway. Si sir Lenard. Nakita ko s'yang bumaba sa isang sasakyan. Tsaka pumasok sa eskinita kung saan ko nakikitang umuuwi si sir Xen.

Tumingin ako kaliwa't kanan dito sa highway. At nang masiguro kong wala nang sasakyan ay agad akong tumawid.

Kahit malayo pa ko sa pinasukan n'yang eskinita e halatang halata ko na talagang s'ya 'yon. Ang ipinagtataka ko lang e kung bakit s'ya pumasok sa pinag uuwian ni sir Xen e hindi naman s'ya ro'n nakatira. Tsaka, sabi n'ya hindi s'ya makakapunta rito ngayon? Kaya bakit? Ilang araw s'yang nawala tapos randomly ko lang na makikita rito?

"Hoy Gwyn."

Nagitla ako.

"Ginagawa mo rito? Hindi naman dito daan pauwi sa bahay a?" Takang tanong ni kuya.

At oo, nakakainis. Bigla kasi s'yang lumabas sa milk teahan na nasa tapat ng campus. Hindi ko na rin napansin pa.

"Ah wala, bibili lang din sana akong milk tea pero nagbago isip ko. Uuwi na rin ako." Palusot ko.

"Tara sabay na, hinihintay lang din kita actually."

Tinanguan ko s'ya.

Kainis na 'yan. Imbes na sinusundan ko na ngayon si sir Lenard. Epal naman kasi si kuya.

"Para kang bata, mukhang binabalatan mo pa mga humilom na sugat mo." Pansin ni kuya sa akin pagkatawid naming dalawa.

"Natetempt ako e." Sabi ko. Pero nakakainis talaga timing ni kuya.

Sobrang naccurious na ako bakit bigla bigla nalang magpapakita si sir—I mean bigla bigla nalang lilitaw pagkatapos hindi pumasok ng mga ilang araw. Tsaka hindi pa sa school, kung hindi sa daan papunta sa inuuwian ni sir Xen. Pero naisip ko rin na baka something important na may kinalaman sa uni? Professors things? Gano'n kaya?

Hindi ko rin alam bakit nababahala ako. Napaka suspicious talaga ni sir Lenard at hindi ko mapredict kung anong susunod na gagawin. Tsaka simula nu'ng may nangyaring crime sa school nag iba na talaga tingin ko sa kan'ya. Baka 'yun lang din 'yung dahilan bakit masama kutob ko sa kan'ya ngayon. Mas okay kung gano'n, kasi hindi ko talaga alam kung anong gagawin sakaling may mangyari ulit na masama, knowing na nakita ko s'ya.

"Hoy Gwyn!"

Nabalik ako sa sarili ko. "Ano? Wag ka ngang nanggugulat kuya." Reklamo ko.

"Lutang ka e." Sabi n'ya. "May problema ba?" Tanong n'ya.

"May problema agad hindi ba pweding ayoko lang makipag usap sayo?" Tanong ko pabalik.

"Aba ang sama talaga ng ugali mo. Concerned lang 'yung tao e."

"Gusto ko nga kasing tumahimik muna." Sabi ko.

"Eh hindi nga ako sanay pag tahimik ka."

"Lagi naman akong tahimik kuya."

Tumahimik s'ya saglit. "Sa bagay."

Susuko ka rin pala e. Hindi nalang kasi hayaan 'yung tao kapag walang energy makipag usap.

The fact na nanggigigil ako sa kan'ya ngayon kasi hindi ko natuloy 'yung binabalak kong pag sunod kay sir Lenard at para alamin kung anong sadya n'ya ro'n. Pero sa kabilang banda, parang mali rin na gawin ko 'yon kasi hindi ko nirerespect 'yung privacy nila. Kaya baka sumakto si kuya bago pa ako makasunod sa kan'ya.

HACKED: CODE XTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon