CHAPTER 69: CLIFF

76 10 0
                                        

Rune carefully followed the direction of the strongest signal. Nakasunod lang din kaming dalawa ni Xen sa kan'ya.

"Oh I forgot to ask, do you have food in you? Or water?" Xen asked.

"Yep." I answered. Naisipan din kasi naming magdala kanina, tsaka iniisip ko rin 'yung lagay ni Gwyn. "You hungry?" I asked.

Umiling s'ya. "If ever mahanap natin si Gwyn." Xen answered. "Hindi na ako nakapagdala kasi wala na rin akong madadala." He added.

Napatango naman ako. Pero sana buhay pa nga si Gwyn.

"Dapat bago pa dumilim mahanap na natin s'ya." Xen said.

"Don't worry, I think we're near." Rune said.

Hanggang sa hindi kalayuan ay may nakita kaming unusual na hindi gaya sa mga nadadaanan namin kanina. Fallen trees, dense undergrowth, and uneven ground.

"Bangin na kapag tawid mo sa tumbang puno na 'yan." Sabi ni Xen habang tinuturo 'yung malaking nakatumbang puno.

Kita rin mula sa kinatatayuan namin 'yung bangin.

"Pero chineck n'yo rin ba sa bangin?" Tanong ni Rune.

"Gabi kami napadpad dito at sinilip sa baba, masyadong malalim at imposible rin naman daw na tumalon silang dalawa rito." Sagot ni Xen.

"Pero."

Napatingin kami kay Rune.

"Sinasabi ng device ko na dito nanggagaling 'yung malakas na signal."

Shit.

Agad naming tinawid na tatlo 'yung nakatumbang puno tsaka dahan dahang tinahak 'yung daan palapit sa bangin.

"That's high as fvck." Rune cursed. "Hindi nga maiisip na kaya nilang tumalon dito." Dagdag n'ya.

He's right. Bahagya ko nang makita 'yung ibaba, mapapansin ding walang tubig sa baba, bangin nga lang talaga 'to.

"What does your device say now Rune?" I asked.

"Down." He answered.

"You sure about that? Or you just want us dead." Xen asked.

"Dead my ass. I'm telling the truth." Rune answered.

"Stop that and help me figure out how will we get down." I said.

Agad naman nilag inilibot 'yung paningin nila sa lugar. Walang kahit ano rito bukod sa mga puno, at lupang anytime pwede nang gumuho.

"That tree."

Napatingin kami sa tinuro ni Xen.

Malaking puno na nakatumba pababa sa bangin, at sa dulo neto at may parang level ng naipong gumuhong lupa na pwede mong unang pagbagsakan kasi mababa.

"Kaya n'yo?" Xen asked.

"There's no other way so let's go." I said.

Agad naman silang sumunod sa akin patungo sa nakatumbang puno. Chineck ko muna kung hindi tuluyang mapuputol 'to kung sakaling sampahan namin. And luckily, hindi nga.

"Me first." Rune said.

Tinanguan naman namin s'ya.

Tsaka n'ya ibinulsa muna 'yung hawak n'yang device bago tumapak at kumapit sa mga sanga ng puno. Dahan dahan s'yang bumababa at nag iingat sa mga kilos. Hanggang sa marating n'ya 'yung hill-like-level ng gumuhong lupa sa dulo nito.

Tiningala n'ya kami. "I THINK IT'S REALLY DOWN HERE!" Rune shouted.

Agad naman akong bumaba. Marahan at maingat din sa pag apak sa mga sanga ng puno.

Hanggang sa marating ko na rin 'yung kinalalagyan ni Rune.

Tapos sumunod si Xen. Hanggang sa nandito na kami lahat.

Pero hindi pa tapos, hindi pa kami tuluyang nasa ibaba ng bangin pero mas nabawasan 'yung taasn nito at pwede nang talunin na hindi ka nababalian ng buto. Pero pwede kang masugatan. I don't care tho.

Nagulat sila sa bigla kong pag talon pababa.

"MF DON'T EVEN TELL!" Rune shouted.

Napangisi lang ako. Tsaka sila sumunod dalawa.

"Aight that hurts." Reklamo ni Rune.

"And this is a creepy looking cliff." Xen said.

"What does your device say now Rune?" I asked.

Binuksan ko 'yung flashlight ng cellphone ko para mas makita 'yung mga nandito. Puro puno. Baka ilang beses na gumuho 'yung lupa sa taas dahilan para mapadpad dito sa ibaba 'yung mga puno ro'n. Malalim na rin 'yung lupa na naipon dito sa ibaba at napapasukan ng mga buhangin 'yung suot naming sapatos.

"Oh shit." Rune said.

"What?" Xen and I asked.

"I lost my device." He answered. "Baka nu'ng tumalon ako rito."

Damn it.

"Then find it." I said. "It's the only thing that can help us find her you idiot." I tried to calm myself.

"I'm sorry." He said.

"Just find it." I said.

Inumpisahan naming hukayin 'yung mga buhangin na pinagbagsakan ni Rune. Imbes na si Gwyn lang hinahanap namin. Dinagdagan n'ya pa.

"Don't worry, found it." Xen said. "Don't you dare drop it again." Banta n'ya.

Finally.

"Yes boss." Sabi ni Rune tsaka inabot 'yung device tsaka pinagpag. "She's here."

Ginanahan ako at tsaka nag umpisang maghanap. Nag iba iba kami ng direksyon para mas madaling mahanap si Gwyn.

Napabilis naman ako sa paglalakad hanggang sa naging pagtakbo na.

At nung makalapit ay agad ko s'yang inalis mula sa pagkakahukay ng kalahating katawan n'ya sa gumuhong lupa mula sa taas. I also checked her pulse, but unfortunately, there's nothing.

"Who's that?" Tanong ni Rune nang makalapit sa amin.

"I think it's the other one that's also missing." Xen said.

"So all the time magkasama silang dalawa?" Tanong ni Rune. "But where's Gwyn—oh shit."

Naalarma kami sa nakita ni Rune. Sinundan lang namin 'yung tingin n'ya.

"Iwan muna natin saglit 'to rito." Xen said.

Dahan dahan ko namang inihiga 'yung malamig na katawa sa lupa tsaka dali daling tumayo papunta sa kinalalagyan ng isa pang katawan.

I think I'm about to cry.

Nakatayo kaming tatlo sa kinalalagyan n'ya ngayon. F*ck it.

"Check her pulse."

Agad namang kumilos si Rune at lumuhod sa lupa tsaka iniangat 'yung itaas na bahagi ng katawan ni Gwyn.

T*ngina. Hindi ko s'ya magawang tignan. Sobrang putla n'ya ngayon, nangingitim na rin 'yung labi. Hindi ko na maintindihan kung anong nararamdaman ko.

"She's okay." Napaangat ako ng tingin. "Tumitibok pa puso n'ya!" Rune exclaimed.

"Call the rescuers Xen and tell them our location, now." Diretsong sabi ko tsaka paupong nilapitan si Gwyn. "Gwyn." Kinuha ko s'ya kay Rune tsaka inihiga sa bisig ko. "Hey, Gwyn." Pagtatawag ko sa pangalan n'ya. "Get the water in my bag Rune." I said.

"A sec." He immediately stood up.

Don't worry Gwyn, we're here, I am here.

"Here."

"Hold it first." I said. "Gwyn, hey Gwyn." Paulit ulit kong sabi habang tinatap tap 'yung balikat at pisngi n'ya. "Gwyn."

Please wake up....

"Gwyn—"

My heart skipped a beat when she suddenly coughed.

"Ascen..."

HACKED: CODE XTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon