"I want to ask you something Gwyn."
Napatingin ako kay Ascen. "What is it?" I asked.
"Nu'ng kinuha ko 'yung cellphone mo sa bag mo nu'ng araw na narescue ka namin, I saw another phone. Is that the one that's hacked?" He asked.
Oh.
"No." I answered. "Cellphone 'yun nung Karen. I stope it—I mean hindi ko ninakaw, she gave it to me before she died. Nakita ko ring may kung ano s'yang ginawa ro'n bago n'ya binigay sa akin." Sabi ko. "Ang kaso, I can't open it because it has password. Subukan ko rin 'yung finger print n'ya pero hindi nagana." Dagdag ko pa.
Nagkatinginan naman silang dalawa ni Rune.
"Well, dala mo ba ngayon?" Tanong ni Rune.
Tumango ako. Tsaka inilabas sa bulsa ko 'yung cellphone nu'ng Karen.
"Wait." Rune said.
Pinanood lang namin s'yang pumunta sa tapat ng computer at tsaka may cord na pinasak sa phone at hindi ko na alam kung anong sunod na ginawa.
Ilang minutes din 'yung itinagal no'n bago s'ya makabalik sa pagkakaupo dala dala 'yung phone.
"It's unlocked." Rune said.
Nice. Inaasahan ko na rin 'to kaya kinuha ko nalang din kesa isuko sa mga pulis kasi baka hindi rin nila alam kung paano bubuksan. Tsaka iisipin nalang din ng parents nung namatay e nalaglag 'to sa kung saan bago s'ya namatay.
"Check the notes." Ascen asked Rune to do.
"A sec." Rune responded. "Should I read it out loud?" He asked.
"Yes." Ascen answered.
Rune cleared his throat. "Nakapatay ako ng kapwa ko estudyante. Pero hindi ko sinasadya. Hindi ko alam 'yung gagawin. Hindi ko sana magagawa 'yon kung hindi dahil sa isang box na pareho naming nahanap."
Kumunot 'yung noo ko. Tama kaya hinala ko?
"Hindi namin pinag awayan 'yung box dahil sa charm o sa kung sinong nauna. Actually nagtatalo kami dahil sa kabaliktaran no'n. Nu'ng pareho naming nahanap 'yung box e sabay din naming binuksang dalawa. Simpleng riddles lang s'ya. Pero nung nasagutan namin hindi agad bumukas, kung hindi may nagpakita na numbers na nagbibilang pabaliktad. Pinag aagawan namin 'yung box kasi sabi ro'n, bomba raw 'yon at para matigil e kailangang ilagay 'yung pangalan ng naka solve. Nu'ng una hindi kami agad naniwala na basta basta nalang maglalagay ng gano'n 'yung profs namin. Pero nag umpisa rin kaming kabahan nu'ng bigla bigla nalang bumilis kaya mas nataranta kami, ang mas nakapagpakaba pa sa amin ay bigla nalang 'yon umusok."
"Sinong bobo maglalagay ng ganitong klase ng box sa mga estudyante." Sabi ni Rune habang nagbabasa.
"Just continue it." Ascen said, eyes closed.
"Doon na kami mag umpisang magtalo. Naisip ko rin kasi na baka hindi talaga prank lang 'yon, baka may estudyanteng random na inilagay lang do'n 'yon, knowing na may nangyaring krimen nu'ng nakaraang week. Hindi ko na alam 'yung mga sunod kong ginawa. Hinampas ko ng bato 'yung ulo n'ya hanggang sa nawalan s'ya ng malay at tuluyang namatay." Rune paused. "Inihiga ko s'ya sa paanan ng puno kung saan namin nahanap 'yung box. Tsaka ko nilagay 'yung name n'ya at tumigil nga 'yung countdown tsaka bumukas. Pero walang kahit ano sa loob kaya mas lalo akong kinabahan sa nagawa ko. Sinubukan kong ilock 'ulit 'yung box tsaka nag umpisang magbilang pababa ulit 'yung countdown. Tapos nilagay ko 'yung pangalan ko, at bumukas din. Ginawa ko ulit 'yon at pangalan naman ng iba kong kaklase 'yung nilagay ko, tumigil din. Pati names ng mga nakilala ko sa camp gumana, pati kuya ko na nasa 4th year na sa computer science din gumana. Pero ang mas ipinagtataka ko, nu'ng nilagay ko 'yung name ng kaibigan ko na nasa ibang department, hindi bumukas 'yung box. Hindi ko alam kung bakit. Naisip kong baka naka design talaga 'yung box na 'yon sa mga estudyante ng computer science pero bakit pati 'yung mga nasa higher years na hindi naman kasama sa camping? Nakapagtataka."
Ibinaba ni Rune 'yung phone sa mesa.
"That's weird." Rune said.
Iba pala 'yung hinala ko. Kabaliktaran pala no'n 'yung nangyari. At talagang nakakasira ng ulo isipin kung bakit may prof na gagawa no'n—
"Hindi kaya may kinalaman din 'yung gumawa sa riddle ng Codex 'yung gumawa sa box na 'yon?" Takang tanong ko.
"Maybe." Ascen answered. "Maaaring may gusto talaga silang ipahiwatig sa mga estudyante." Dagdag n'ya.
Pero ano naman 'yon? Tsaka bakit sa amin pa? Tatlong estudyante na mula sa computer science 'yung namatay. Hindi ko alam kung coincidence lang ba 'yung mga nangyayari at 'yon 'yung nakatadhana sa kanila, o hindi naman kaya'y may nananadya talagang gawin lahat ng 'yon.
"Pero bakit parang tayong mga computer science students lang 'yung puntirya nila?" Tanong ni Rune.
"Probably because the member of Codex is a professor of Computer Science? I don't know." Ascen said. "Pero may clue na tayo na isa nga sa mga prof 'yung kabilang sa Codex."
"Hindi nga lang natin alam kung member lang ba 'yon o 'yung current leader nila mismo." Sabi naman ni Rune.
"Hindi ko iniexpect na 'yung Codex mismo lalapit sa atin." Sabi ni Ascen. "Problema nalang natin kung paano natin sila tutukuyin." Dagdag n'ya.
"Well may clue na tayo na isa sa mga prof." Sabi ni Rune. "At sa department pa natin mismo. Hindi na rin nakakagulat, knowing na all about computers 'yung way nila sa paggawa ng illegal things."
Biglang bumilis 'yung tibok ng puso ko nang biglang inangat ni Ascen 'yung mukha n'ya at tumingin sa akin. What's with his sleepy eyes?
"Sorry to put you in this kind of situation Gwyn." He said.
Nailang naman ako. "Hindi ba mas okay 'yon para aware na rin ako sa mga mangyayari? Tsaka wag na kayong mag sorry, wala akong pinagsisisihan sa mga nangyayari, kapag kasama ko kayong dalawa alam kong safe ako." Sabi ko.
Totoo 'yun. Totoong gagawin talaga nila lahat para lang mapanatiling safe ako. Una palang alam ko nang kaya nilang gawin 'yon kaya ang dali ko ring naibigay 'yung tiwala ko sa kanila. At sa araw araw na nakakasama ko sila, mas nagiging buo 'yon.
BINABASA MO ANG
HACKED: CODE X
Gizem / Gerilim"She lived through screens and silence, until one call, one message, turned her world into chaos, forcing her to feel, trust, and face the darkness she'd long ignored." Story Title: HACKED Genre: Mystery - Thriller Status: COMPLETED Chapters: 100
