"Rune dito nalang, baka makita ka ni kuya pag hinatid mo pa 'ko sa bahay e." Sabi ko.
Agad n'ya naman itong inihinto sa gilid ng highway. At gaya kanina, pagkababa ko ay s'ya ulit nagtanggal nu'ng helmet ko na s'yang dahilan ba't ako naiilang.
Good thing walang masyadong tao rito, o mga estudyante. Baka kasi pag nakita ako e bigla akong pag usapan.
"Ikaw unang naiangkas ko." Bigla n'yang sabi tsaka iniandar 'yung motor n'ya. "And gusto ko 'yon." Nginitian n'ya ako
Hindi talaga s'ya nabigong bolahin ako. Sa napakaikling span ng araw ilang beses n'yang pinabilis 'yung tibok ng puso ko, hindi romantically. Kasi sino namang hindi bibilis 'yung takbo ng puso pag ganitong lalake na 'yung babanat banat sayo diba? On the other hand, nagiging delusional lang ata ako.
"Aight, I'll go Gwyn, nice meeting you also." He said.
Tumango ako. "Thank you rin sa paghatid, ingat ka." Sabi ko.
"Wag kang gan'yan baka ma-fall ako sayo." Sarkastikong sabi n'ya dahilan para mapangiwi nanaman ako.
Tumawa s'ya. "See you bukas!"
Tumango nalang ulit ako tsaka s'ya pinagmasdang makalayo. At akmang lalakad na ako pauwi nang biglang may umakbay sa akin na kung sino.
"Saan ka galing at bakit pauwi ka palang." Sabi n'ya.
Inalis ko 'yung mabigat n'yang braso sa balikat ko. "Masama bang gumala gala muna bago umuwi." Palusot ko.
"Sus, gumala raw, baka mamaya nakipag date ka ha."
Nagpatuloy na kami sa paglalakad ni kuya pauwi. Pansin ko kasing 4:30 na and release na nila kaya natyempuhan pa n'ya ko rito. At buti nalang saktong nakaalis na si Rune, kung hindi ay baka magka-giyera sa bahay.
"Anong pinagkaiba no'n." Sabi ko kay kuya.
"So nakipag date ka nga?"
Sinamaan ko s'ya ng tingin. "Wala nga akong jowa kuya paano naman ako makakaro'n ng ka-date?"
"Malay ko baka sinisikreto mo sa amin." Sabi n'ya.
"Wala namang dahilan para isikreto ko sa inyo kasi darating din 'yung panahon na malalaman at malalaman n'yo parin kahit anong tago ko." Sabi ko naman.
Sa mga past relationships ko hindi ko talaga naranasang magtago ng relasyon, lahat nalalaman nila kuya at ng parents ko, pero hindi pa ako nag uuwi ng kahit sino. Tsaka lahat sila takot rin kay kuya, kaya pinapakisamahan nalang din ng maayos. Isang dahilan din ba't tinamad na ako pumasok sa relasyon ngayong nasa tamang edad na ako. Mas strict pa kuya ko kesa kay papa e.
"Mukhang tatanda kang single."
Malapit na kaming makarating sa bahay.
"Kung gan'yan nga ang mangyayari ay hindi ba dapat nagse-celebrate ka." Sabi ko.
Tumawa s'ya. "Hindi ko naman sinabing ayaw kong magka boyfriend ka Gwyn. Ang gusto ko lang e 'yung kaya kang ipagtanggol in case nasa panganib ka kasi pag nagkapamilya na ako mawawalan na ako ng time sayo."
Napatango tango naman ako. "Ang tagal mo namang magkapamilya kung gano'n."
Hinampas n'ya ako sa braso ko. "Ikaw Gwyn tigilan mo ko sa mga gan'yan mo. Concern lang naman 'yung tao." Panenermon n'ya. "Basta pag naghanap ka e 'yung ilalayo ka sa panganib hindi 'yung idadala ka mismo ro'n." Dagdag n'ya.
"Tanda tanda ko na para sabihan mo n'yan. Hindi ba dapat mas pinoproblema mo muna sarili mo kasi pati ikaw single parin hanggang ngayon." Pang aasar ko. "Nagtataka na ako kuya kung bading ka ba talaga o wala lang nagkakagusto sayo."
Mas lalong sumama 'yung tingin n'ya sa akin. "May nililigawan ako Gwyn, 'yung pinakamatalino sa amin." Sabi n'ya.
Napatawa ako. "Wow ha, taas naman ng standards mo kuya, salungat sa buong pagkatao mo."
"Ang sama talaga ng ugali mo, gusto mo bantayan nalang kita hanggang sa tumanda ka na?"
Mas lalo akong napatawa. "Banta ba 'yan? Parang gusto ko pang gan'yan nalang 'yung mangyari e." Tumatawang sabi ko.
Sa totoo lang may naiuwi na ring babae si kuya sa bahay. Pero isa lang 'yung naging close ko, the rest puro ilang at sama ng tingin lang naibigay sa akin.
Well pogi naman si kuya, walang ikinalayo sa kapogihan ni Rune. Pero hindi tulad ni Rune walang pake si kuya sa pananamit o pag iitsura n'ya, minsan nga pumapasok s'yang hindi naglalagay ng pabango, powder, hindi rin nagsusuklay. Tsaka isang linggong puro white t-shirt lang suot. Kala mo pastor e.
Ilang minuto pa ng paglalakad ay nakarating na kaming dalawa sa bahay. Dumiretso ako sa silid ko at agad na nagbihis tsaka naupo sa harap ng pc. Tinabi ko 'yung keyboard tsaka nilapag ko lang din sa mesa 'yung box na naglalaman ng cellphone na bigay ni Ascen kanina.
Pagkabukas ko no'n ay lumitaw ang hindi ko alam kung anong brand ng phone, pero wala s'yang pinagkaiba sa mga nabibiling phone sa malls. Wala rin kasing kahit anong naka print sa box at plain white lang. Pero gaya ng mga phone na nabibili sa labas ay may kasama na rin itong case, earphone at charger. Tinignan ko rin 'yung specs at masasabi kong kaya n'yang pagsabay-sabayin 'yung honkai, genshin, pgr, at iba pa.
I pressed the power button and it immediately turned on.
Walang nagpakita sa screen nung binuksan ko 'to, diretso home na. Para lang din s'yang normal na phone. Pero sabi nga ni Ascen, mas secured na 'to at hindi mapapasok ng kung sino sinong hacker which is much better.
Hindi na rin ako mag aalala sakaling mapunta ako sa hindi ko alam na site. Kasi karaniwang gano'n 'yung nagiging dahilan ba't nagkaro'n ng virus mga phones natin, 'yung basta bastang pagpasok sa mga websites na may unknown proxies.
Pumunta ako sa playstore ng hawak kong phone tsaka nag download ng ilang apps. Habang hindi ko pa nababawi 'yung accounts ko e mag uumpisa nalang ulit ako, pero gagamit na ako ng dummy user name para hindi madaling makilala. Tsaka kahit ilang mga araw palang na walang memes e nanghihina na ako agad. Haha.
Need ko nga lang munang mag mass adding ng friends para mas enjoy mag sharedposts. Ayoko namang tumatawa lang akong mag isa.
Gumawa ulit ako ng bagong email na may backups para madali kong mabawi sakaling mawala ulit, tsaka dito ko na rin muna iba-bind 'yung gagawin kong pansamantalang social media accounts.
BINABASA MO ANG
HACKED: CODE X
Mystery / ThrillerThis story revolves around a woman who, like many others, is invested in the world of gadgets, particularly computers. She cannot let a day pass without surfing the internet or playing online games. Consequently, this has caused her to distance hers...