CHAPTER 83: THE ONE

35 11 0
                                    

Nagpakawala ako ng buntong hininga. Tsaka tinitigan ng matagal 'yung screen ng computer.

Paano na. What do I need to do to obtain that password. Sino ba talaga 'yung tinutukoy n'ya? Why does it need for Xen to do that? Gano'n na ba talaga kahalagang malaman ko kung sino 'yon? Sino bang nagugustuhan ko?

"I want to ask you something weird Rune." I said.

"Go, what is it." He said.

Huminga akong malalim "What does it feel to fall in love."

Bigla kaming kinain ng katahimikan.

"Really Ascen? Ngayon mo pa talaga naisip 'yan sa ganitong sitwasyon?" Hindi makapaniwalang tanong ni Rune.

Damn this jerk.

"May kinalaman 'yon dito, I'll tell you soon just answer me." Sabi ko.

"Oh okay." He said. "Hmm, ano nga bang pakiramdam....." Napaisip s'ya. "Iiklian ko nalang, malalaman mong nagkakagusto ka na sa tao, if you experience intense emotions, constantly think about the person, feel a strong desire for closeness and connection, and prioritize their happiness. Tapos, nagiging concerned ka na sa kan'ya all the time that you even want to sacrifice everything just to secure her safety." Rune explained.

Intense emotions, constantly thinking about, feel a strong desire for closeness and connection, prioritizing their happiness.... started being concerned all the time...

"Tapos kung may nararamdaman kang pagbabago sayo simula nu'ng dumating sya."

Bumilis 'yung tibok ng puso ko sa sunod na sinabi ni Rune.

"Akala ko kasi wala na talaga s'yang balak kumilala ng iba, natatakot ako ng sobra na baka kapag nawala na kami e mag isa nalang s'ya. Ayoko namang pilitin 'yung anak ko sa bagay na ayaw n'ya kaya gan'to nalang ako sobrang sumaya nu'ng nalaman kong kaibigan ka n'ya."

"Kahit hindi mo s'ya ibilin sa akin sisisihin ko parin sarili ko sa pagkawala n'ya. Kasi nakikita kong s'ya 'yung nagiging dahilan bakit may improvements ka na."

"He's right about that Ascen. Kahit ako gano'n 'yung gagawin. Ibilin mo man s'ya sa akin o hindi e gagawin ko rin lahat para hindi mapahamak si Gwyn knowing na s'ya nagiging dahilan ng mga pagbabago mo."

"Basta ingatan mo lang si Gwyn."

Mas lalong bumilis 'yung tibok ng puso ko.

They're all right. Marami talagang nagbago sa akin simula nu'ng dumating s'ya. S'ya 'yung naging dahilan bakit nakaramdam ako ng mga bagong emosyon na hindi ko pa nararamdaman dati. Ang dali kong naging komportale sa tabi n'ya. Tuwing titingin ako sa kan'ya at magtatama 'yung mga mata namin ay parang may kung anong nagliliparan sa loob ko. Pakiramdam ko safe ako kapag and'yan s'ya. Hinahanap hanap ko na rin s'ya na halos hindi pa ako makatulog kapag hindi ko s'ya nakikita. S'ya lang din 'yung taong nakakuha agad ng tiwala ko. Natatakot din akong mawala s'ya.

"Can you.....not look just for a while." I said.

Hindi kumibo 'yung dalawa pero naramdaman kong naglakad sila paalis sa likuran ko.

Humigpit 'yung pagkakahawak ko sa mouse. Tsaka isa isang pinindot 'yung bawat letter ng name n'ya sa keyboard.

Tinitigan ko 'yon ng matagal. Ang bilis na rin ng tibok ng puso ko. Ngayon ko lang 'to naramdaman, hindi ako sigurado pero kinukutuban ako rito. Ayokong mag expect, hindi ko alam kung bakit natatakot akong masaktan bigla. Hindi ko alam kung bakit naaapektuhan ako sa nadadama ko.

Huminga ulit ako ng malalim.

Is this what they call falling in love?

I clicked it.

I then immediately closed my eyes on what happened next. It opened.

So si Gwyn 'yung tinutukoy n'ya. Wala rin ibang pumasok sa utak ko habang pinapakinggan 'yung mga sinabi ni Rune kung hindi si Gwyn lang. Ang bilis ng tibok ng puso ko. Hindi ko pa talaga 'to nararamdaman dati. Wala rin talaga akong kaide ideya kung ano ang pakiramdam nang mahulog. Hindi ko alam na ganito pala.

Sinapo ko 'yung dibdib ko. Ayaw tumigil. Damang dama ko 'yung pagtibok.

"You opened it!"

Nagulat ako sa biglang pagsulpot ni Rune sa likuran ko. "Damn you." I cursed.

Napasinghap naman ako nu'ng maramdaman ko 'yung presensya ni Gwyn sa kabila. Now I can't look at her the same way as before anymore. Parang naiilang na ako. Even though I haven't told her yet. Tama nga, gusto ko s'ya. Nahulog na talaga ako sa kanya. Wala man lang akong kaide ideya sa mga nangyayari. Naaanxious na rin ako na baka kinukutuban s'ya sa akin sa mga kinikilos ko samantalang ako e walang alam at iniisip na normal lang 'yon.

Kaya pala hinahanap hanap ko s'ya. Kaya pala hindi ako mapakali kapag wala s'ya. Kaya pala sobrang natatakot at nababahala ako kapag may nangyaring masama sa kan'ya. Nahulog na pala ako.

"Anong sagot Ascen? Paano mo nahulaan?" Masiglang tanong ni Rune.

Napalunok ako. "None of your business." I said.

Ayoko pang sabihin, nahihiya ako. Hind ko rin alam kung anong magiging reaksyon nilang dalawa, lalo na si Gwyn. Baka isipin n'yang weird ako. Baka hindi n'ya ako magustuhan. Nakakatakot.

"Akala ko ba sasabihin mo sa akin?"

"I didn't said I'll say it now." I said. "Sasabihin ko soon." Dagdag ko pa.

"Duga mo naman." Reklamo n'ya.

"Just be thankful that he opened the file that easy Rune."

Naramdaman ko ulit 'yung tibok ng puso ko sa biglang pagsasalita ni Gwyn. Damn it.

"Yes ma'am." Sabi naman ni Rune. "Iisipin ko nalang na talagang matalino si Ascen at nagawa n'yang sagutin agad."

Nagkakamali s'ya ro'n. Kahit gaano ka katalino kung hindi ka pamilyar sa feelings mo, hinding hindi mo masasagutan 'yon. Kung tutuusin mas magandang gawin 'yon as encryption, 'yung wala kang ilalagay na algorithms, pahihirapan mo nalang humula 'yung magbubukas.

Sa case namin ni Xen. Binigyan n'ya na ako ng clue. Nabuksan ko 'yung encryption and at the same time nalaman ko kung anong nararamdaman ko, kay Gwyn.

Para akong nasa ere ngayon. Gusto kong ngumiti pero mas maiging pigilan ko nalang muna. Hindi ko talaga alam na ganito pala 'to. Hindi ko alam na ganito pala kasarap sa pakiramdam 'yung nararamdaman ng iba. Nakakatuwa. Hindi ko iniexpect na 'yung isang tulad ko na laging manhid, e magkakaroon din ng pagkakataon na maramdaman 'to.

HACKED: CODE XTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon