"Here, you can use my shirt and shorts. 'Yung mga isusuot mo bukas pagpasok sa school e mamaya ko nalang ibigay kasi inutusan ko pang pumuntang mall 'yung katulong, kasama na ro'n 'yung panloob. Tsaka nag base nalang din ako sa paano ka manamit. Trouser tsaka loose shirt right?" He asked.
Tumango ako. Actually men's trouser 'yung sinusuot ko e, hindi 'yung sa mga pambabae na wide leg.
"Wag kang mag alala, sinabi ko naman sa katulong na mag base s'ya sa suot mo ngayon. S'ya na bahala." Paninigurado n'ya pa para mas mapanatag ako.
"Okay lang naman sa akin kahit ano. Tsaka babayaran ko nalang bukas 'yon." Sabi ko.
"Wag na. Hindi ko kailangan ng pera." Tanggi n'ya.
Sa bagay, baka nga kaya mo pang bilhin bahay namin e.
"Iwan na kita muna saglit dito sa loob para makapagbihis ka na." Sabi n'ya.
Pagkatango ko e lumabas na s'ya ng silid n'ya kaya inumpisahan ko nang magbihis. May full length mirror din dito sa loob kaya tumayo ako sa harap no'n at pinagmasdan 'yung repleksyon ko.
Laki ng damit n'ya. Halos hindi na rin makita 'yung short na suot ko.
Napatingin naman ako sa table na nandito. May mga nakapatong na pabango na magkakaiba 'yung size pero parepareho ng kulay at brand. May powder din, suklay at kung ano ano pang pang-ayos ng mga lalake. Tsaka, pantali ng buhok?
Kumunot 'yung noo ko dahil do'n. Ba't mero'n s'ya neto? Ako na babae wala pa kahit isang pantali ng buhok sa bahay e, tsaka hindi naman kasi ako nagtatali ng buhok.
Napatingin ulit ako sa salamin.
Pero what if...
Pumulot ako ng isang pantali ng buhok tsaka kinuha 'yung suklay. Sinuklay ko lang din 'yung buhok ko tsaka itinali ng may saktong taas. Pagkatapos ay sinuklay ko rin 'yung front and side bangs ko na magkaiba ang pantay— I mean hanggang kilay 'yung bangs ko sa harapan at kapantay naman ng tenga ko 'yung nasa side. Hindi kasi ako mabubuhay ng walang bangs.
Pagkatapos ay pinagmasdan ko ulit 'yung sarili ko sa salamin. Ang weird. Hindi talaga ako sanay na tinatali 'yung buhok ko. Parang ang uncomfortable kapag naka show 'yung tenga.
Hindi ko nalang pinansin 'yon at binuksan na 'yung pinto.
Nagtama naman 'yung paningin namin ni Rune. Parehong hindi umimik at nakatingin lang sa isa't isa.
Nandito ba s'ya all the time? Tapos ang tagal kong nasa loob?
"Bagay mong magtali ng buhok." Pansin n'ya.
Nag iwas naman ako ng tingin. Kanina pa 'ko pinapahiya ng taong 'to.
"Thanks, pero hindi ako sanay na nagtatali." Sabi ko.
"Then get used to it." He said.
Tumango nalang ako. "Nagtaka kasi ako kung bakit ka may pantali ng buhok do'n e lalake ka." Sabi ko.
"Hindi pantali ng buhok 'yon by the way." He chuckled.
"Ano pala?" Tanong ko.
"Pera."
Kinunutan ko s'ya ng noo dahilan ng pagtawa n'ya.
"Mukha lang akong nagbibiro pero hindi." Sabi n'ya. "Komportale ka ba sa damit ko? Ang laki sayo a."
"Ayos lang." Sagot ko naman.
"Tara ro'n sa hq." Aya n'ya tsaka kami nag umpisang maglakad.
I CAN'T JUST IGNORE THE FACT THAT THE THING I USED TO TIE MY HAIR IS FOR HIS CASH.
Gano'n na ba talaga karami 'yung pera n'ya at kailangan pang itali? Gusto ko nang mamatay sa hiya.
"Ah wait, kuha na ako ng makakain." Sabi n'ya.
"What if sa baba nalang tayong kumain?" Tanong ko.
"Wag na, upo ka nalang d'yan." Sagot n'ya.
Tumango ako tsaka naupo ulit sa gaming chair sa harap ng computer.
Damn it, where am I.
Lagi nalang nauudlot 'yung mga ginagawa ko, nakakainis na.
Need ko na palang i-identify 'yung mga results ng each bit. Aabutin nanaman ako ng ilang oras nito, 9 pm na rin.
Pero bago ko pa ulit umpisahan 'yung pagsusulat ay bigla nang dumating si Rune. Tumayo agad ako para tulungan s'yang ihain 'yung mga dala n'yang pagkain.
"Mahirap ba 'yung ginagawa mo?" Tanong n'ya.
Nag umpisa na kaming kumain. "Sobra, pero malapit na akong matapos. Ang dapat ko nalang alalahanin e kung gagana ba 'yon." Sagot ko.
"Okay lang kahit hindi Gwyn, basta you did your best." Rune said.
"Hindi pwede, need kong may maiambag para mapalaya si Ascen." Sabi ko.
Tsaka nakakawalang gana rin talaga pag kasama ko si Rune tapos wala si Ascen na lagi n'yang kasama. I mean parang may kinalaman pa ako sa paghihiwalay nilang dalawa. Tsaka....nasasabik na rin akong maibalik 'yung presensya n'ya rito.
"Kahit maging safe ka lang Gwyn, okay na kami ni Ascen do'n." Sabi ni Rune habang nakain.
"Safe ako Rune, wag kayong mag alala ro'n. Tsaka natatakot din ako na baka dumating sa point na maging dahilan ako ng pagtatalo n'yo, gaya nu'ng nakaraan." Hindi ko magawang tuningin sa kan'ya, kasi baka pagtawanan n'ya ako at isiping napaka delusional na.
Marahan s'yang napatawa. "Actually hindi ako seryoso sa pananagot kay Ascen nu'ng mga time na 'yon. Sinubukan ko lang ipagpilitan na ayokong iangkas ka n'ya para malaman ko kung papayag ba s'ya agad sa akin o ipagpipilitan n'ya ring sa kan'ya ka aangkas."
Hindi ako nakaimik sa sinabi n'ya.
"Wala pa kasi kaming naging kaibigang iba ni Ascen bukod kay Xen. Tsaka sa buong buhay naming magkasama, hindi ko pa s'ya nakitang lumapit sa babae para kausapin sila. Lahat e sila mismo 'yung nalapit. Kumpara sa akin mas maraming nagkakagusto sa kan'ya, lalo sa shool na pinasukan namin nu'ng junior high." Pagkukwento n'ya. "Pero wala e, ayaw n'ya ng atensyon lalo sa mga babae. Tsaka puro computer lang nasa utak no'n."
Kahit hindi n'ya rin sabihin lahat 'yon e mahahalata ko na talaga kay Ascen na sa computers lang naikot 'yung mundo n'ya. Hindi rin s'ya masyadong nagsasalita lalo pag hindi naman importante. Tapos parang wala ring pake sa paligid o 'yung mga tao sa paligid n'ya mismo.
"Kaya nagtaka ako nu'ng malaman kong may tutulungan s'yang babae, tutulungan naming dalawa to be exact. At ikaw 'yon." Rune said. "Akala ko nga itataboy ka n'ya agad, pero lately napapansin ko na ring may improvements s'ya." Dagdag n'ya. "Tsaka pansin mo bang may ibinulong s'ya sa akin bago s'ya dinala sa police station?" Tumango ako. "Ibinulong n'ya sa akin na bantayan ka habang wala s'ya."
Napatigil ako sa pagnguya.
"Well hindi ko pa nakikitang main love 'yung taong 'yon kaya hindi ko alam kung interested ba s'ya sayo o hindi. Pero hangga't hindi s'ya nagsasabi ng malinaw, sa akin ka muna."
Napalunok naman ako sa sinabi n'ya. Kapal din talaga ng lalaking 'to, kala mo pag aari ako e.
"Biro lang." Bawi n'ya naman.
Pero,
Hindi ko talaga alam kung bakit ang lakas ng epekto sa akin nu'ng sinabi n'ya about sa ibinulong ni Ascen. Kung bakit need n'ya pang ibulong para hindi namin marinig. Ipabantay ako kay Rune habang wala pa s'ya?
"Speaking of Ascen." Napatingin ako kay Rune. "Birthday n'ya sa friday."
BINABASA MO ANG
HACKED: CODE X
Misterio / SuspensoThis story revolves around a woman who, like many others, is invested in the world of gadgets, particularly computers. She cannot let a day pass without surfing the internet or playing online games. Consequently, this has caused her to distance hers...