CHAPTER 4: THE GLITCH

67 9 0
                                    

Bumangon ako mula sa pagkakahiga at umupo tsaka sumandal sa headboard ng kama ko.

Unknown: Message

Nagumpisa na akong magtaka. Virus ba 'to? Gaya nu'ng mga lumalabas sa web pag nagsu-surf ako? Or 'yung mga ad na bigla bigla nalang nagpa-pop up?

Kaysa mabaliw kakaisip ay binura ko 'yung notif tsaka nagpatuloy sa pag-scroll.

Pero hindi pa lumilipas ang isang minuto ay may nag pop up ulit at kapareha nu'ng nagpakita kanina.

Mas kinabahan ako sa mga oras na 'to. Hindi pweding may lumabas na ganitong notif, bukod sa naka silent at do not disturb 'yung phone ko e may ad blocker akong ininstall na matagal ko nang ginagamit.

Lumunok ako tsaka nagdadalawang isip na pinindot 'yung notif.

Sa unang mga segundo ay walang nangyari, parang nag click lang ako ng bubble na kusa ring nawala. Pero maya't maya pa ay biglang namatay 'yung phone ko.

Bumilis 'yung tibok ng puso ko tsaka umalis sa pagkakasandal sa headboard ng kama at ibinaba sa sahig 'yung dalawa kong paa paharap sa pinto ng silid ko.

Sinubukan kong i-long press 'yung power button ng phone ko.

Nanginginig akong ginagawa 'yon. Hanggang sa bumukas din. Medyo nawala 'yung kaba ko.

Pero agad ding bumalik dahil sa biglang naging puti 'yung buong screen ng phone ko. Maya't maya pa ay may mga numbers at letters nang lumalabas at mabibilis na umiikot ikot sa screen. Naggi-glitch na rin at nagva-vibrate.

Kinakabahan na ako ng sobra at hindi alam ang gagawin. Hindi pa 'to nangyayari sa cellphone ko. Dati pangkaraniwang lock lang 'yung nangyayari, pero iba na 'to.

Hanggang sa nawala 'yung mga umiikot na strange symbols, at may nag pop up sa whole white na screen.

"Your digital life is not as secure as you think. Danger awaits if you proceed. The dark web unveils secrets you may wish to remain hidden."

~AnOnyMoUsX

PROCEED        or       SHUT DOWN FOREVER

Napalunok ako.

Walang ibang option na pweding pindutin sa screen. Hindi na rin gumagana 'yung home button at power button. Kung pipindutin ko 'yung proceed baka naman malagay ako sa panganib, pero hindi ko naman pweding pindutin 'yung isa kasi baka hindi ko na mabuksan pa 'to.

Napapikit ako tsaka nagpakawala ng malalim na paghinga.

Bahala na d'yan!

Hindi nagdadalawang isip na pinindot ko 'yung proceed. Pero walang ibang nangyari kung hindi ang biglang pag litaw ng isang logo na pamilyar na sa akin. Logo ng Dark Web. Tsaka ito biglang namatay.

Paulit ulit kong pinindot 'yung power button pero ayaw na talagang mabuksan.

T*ngina.

Naiinis kong nilapag sa kama 'yung phone ko tsaka pumunta sa harap ng pc at binuksan 'yon. Nadagdagan 'yung kaba ko na'ng makita kong wala ng lock 'yung pc ko, it means na-log out 'yung Microsoft account ko rito.

Dali dali akong pumunta sa browser tsaka tumungo sa Facebook. Pero naka log out na rin lahat. Sinubukan kong i-log in 'yung facebook pero hindi mabuksan. Pati sa g-mail, naka-log out na rin lahat mapa-student email ko. Gago naman.

Tumayo ako tsaka lumabas ng kwarto ko at tumungo sa sala sa baba. Nadatnan ko silang tatlo ro'n na nanonood ng tv.

"Ma pahiram nga saglit ng phone mo." Nanginginig kong sabi.

"Oh anong nangyari sayo? Ba't tagaktak 'yang pawis mo at parang nanginginig ka pa?" Takang tanong ni mama.

"Wala ma, kakalaro ko lang 'to. Pero ma pahiram na." Sagot ko.

"Tigil mo na nga 'yan Gwyn, nakakapag alala na itsura mo kakalaro oh." Sabi ni kuya.

"Wag ka na ngang sumabat kuya."

Agad kong kinuha 'yung phone ni mama tsaka mabilis na umakyat ng hagdan pabalik sa silid ko.

Kung hindi ko mabuksan 'yung phone ko ay hindi ko mareretrieve 'yung emails ko. May dalawa akong sim at naka-bind 'yon both sa dalawa kong email para maka-receive ako ng code if ever need ko palitan 'yung passwords.

Binuksan ko 'yung lagayan ng sim ng phone ko pati ng phone ni mama, tsaka tinanggal pareho 'yung sim cards. Tapos nilagay ko 'yung dalawa kong sim sa phone ni mama. Huminga akong malalim bago 'yon binuksan. At naghintay saglit.

Napalunok ako.

Walang service.

Napasapo ako sa sintido ko.

Kagat labing inalis ko 'yung dalawa kong sim card tsaka ibinalik 'yung kay mama. Tsaka bumalik sa baba at ibinalik 'yon kay mama. May narinig din akong mga tanong mula sa kanila pero hindi ko na naiintindihan.

Nasa taas na ulit ako.

Ano ba kasing nangyari? Bakit phone ko pa? Sa dinami dami ng pweding pasukan? Virus ba 'yon? Bakit may dark web?

Habang hilot hilot 'yung sintido ko gamit 'yung kaliwa kong kamay ay bumalik ako sa website sa pc ko at gumawa ng bagong pansamantalang email. Tsaka nag search kung anong pweding gawin para mabuksan ulit 'yung phone ko at mabawi 'yung mga karga nito.

Hindi naman pweding ipagsawalang bahala ko nalang 'yon. Kahit sabihin na nating pwede akong bilhan ng bagong phone. Hindi 'yon ang gusto ko. Gusto kong mabawi 'yung mga emails at accounts ko. Nando'n lahat ng personal informations, bank accounts, at memories ko. Halos kalahati ng buhay ko naro'n. Hindi ko alam gagawin ko kapag napunta 'yon lahat sa wala.

Buti sana kung mabubura na talaga 'yon lahat, okay lang. Pero paano kung hawak hawak na 'yon ng kung sino? Pwede n'yang gamitin 'yung buong pagkatao ko para manloko ng iba. Pwede ring maging subject ako sa iba't ibang crimes.

Hindi na bago sa akin ang dark web, napag aralan na namin 'yon, hindi lang sa school. Naging interested din ako dati ro'n kaya alam ko 'yung mga panganib na dala nito pag pinasok mo. Kaya ni minsan hindi ako nagtangkang i-penetrate 'yon kasi ayokong malagay sa panganib buhay ko.

Pero bakit gano'n? Wala naman akong ginagawa? Sino namang gumawa no'n sa cellphone ko? At bakit ako pa? Wala naman akong naaalalang kagalit ko, wala naman akong kaaway. Kung sa mga kaklase ko e wala pa naman akong kakilala. Kung sa first years naman wala rin akong kilalang may sama ng loob sa akin do'n.

Sino at bakit?

HACKED: CODE XTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon