"Oh what a surprise!" Bungad ni prof Lenard.
Narito na kami ngayon sa loob ng auditorium. Marami na ring mga patay na katawan 'yung nandito. Duguan na 'yung sahig. Kinikilabutan ako sa nakikita ko.
"Mukhang sarili mo pang kaklase nakahanap sayo." Pansin n'ya. "Good job Lucy." Pamumuri ni sir. "You can now go out." He ordered.
Tumango naman si Lucy at mabilis na lumabas ng auditorium. Damn that girl.
"Nakakalungkot lang na ang bilis naubos ng boxes at hindi ko inaasahang masasagot ng iba." Sabi n'ya.
Then that's good.
"Isa nalang natitira ngayon at nakasalalay sayo ang buhay ng lahat." Kinabahan ako sa sinabi n'ya. "Lahat ng mga naunang puzzles ay sinadya naming gawing madali lang at kahit sino pweding sagutin. Pero etong last, naka disenyo sa lahat ng bomba na natitirang nakatanim sa university nito. At kapag hindi mo nasagot, lahat 'yon ay sabay sabay na sasabog at walang matitira rito." Paliwanag n'ya.
Ngumingisi na s'ya ngayon. "Ang malas mo naman Ms. Gonzales at sayo pa napunta 'yung pinakamahirap na puzzle imbes na sa dalawa mong kasama."
Hindi ako kumibo.
"Listen Gwyn, calm yourself there, we will help you no matter what happen." Sobrang nababahala na si Ascen sa boses n'ya.
"Hahanap ako ng kuryente para magamit ko laptop ko at unahan s'ya bago mapasabog 'yung bomba kung sakaling hindi masolve ni Gwyn 'yung puzzle." Rune said. "Alam kong inoff lang nila somewhere 'yung fuse." He added.
"Move faster Rune, lalapit ako sa auditorium. Mangingialam ako kapag may mangyayaring masama."
"No Ascen, wag kang lalabas kahit anong mangyari." Sabi ko. "I'll try handling it myself, ayokong mapahamak ka dahil sa akin." Mahinang sabi ko.
"No, hindi ko kakayanin kapag ikaw naman 'yung nawala. Tsaka sisiguraduhin kong pareho tayong maliligtas kapag nangialam ako." Sabi n'ya.
"Ascen." Banggit ko sa pangalan n'ya. "I'm okay." Sabi ko.
"Mukhang pati ikaw kinakausap ang sarili ha? Sakit n'yo na ba 'yang tatlo?" Sarkastikong tanong ng prof.
"Mas okay nga atang gano'n nalang 'yung sakit na mero'n ang isang tao kesa sayo na kahit diyos hindi ka na magagamot." Sabi ko.
Hindi s'ya nakaimik agad.
"Talagang matatapang din kayo ah." Sabi n'ya. "Mga walang respeto."
"Bakit deserve mo pa bang irespect sa kabila ng mga nagawa mo? Mas masahol ka pa sa hayop e." Sabi ko.
"Okay lang, roast me all you want. Mamamatay ka rin naman na mamaya e." Kalmadong sabi n'ya.
"Hindi mo sure." Sabi ko naman.
"Take care Gwyn." Ascen said. I can feel his voice trembling.
"I'm okay." Mahinang sabi ko para marinig nila.
"Naka charge na ako." Rune said.
"Good, start defusing them now." Ascen ordered.
"Yep, working on it. And there are still 20 left." He said. "This godd4mn prof really put large amounts of bombs. I wonder when and how did he put these here." Rune said.
"Maybe kada weekends, we don't know." Ascen said. "Hindi na 'yon mahalaga Rune, just start defusing all of them so that we can secure Gwyn's safety."
Tumahimik bigla 'yung line ng communication namin.
"But what if, they just shoot her head." Rune said.
Napalunok ako.
"I'll make a move before they do that."
"No Ascen, pati ikaw mapapano kung sakali." Sabi naman ni Rune.
Hindi ako makaimik. Nanghihina na talaga ako ng sobra. Ang bilis ng tibok ng puso ko ngayon. Natatakot na talaga ako, paulit ulit pero 'yon lang talaga 'yung nadadama ko ngayon, walang iba. Hindi ko na alam kung anong gagawin ko. Ang gulo na rin ng mga natakbo sa utak ko. Pinipilit ko kasing ipredict kung ano 'yung mga susunod na mangyayari pero lumalabo 'yung pag iisip ko at hindi mapicture 'yon. Mas lalo akong kinakabahan.
"Just do you work. Damn it." Ascen cursed.
"Ascen, wag kang magpadalos dalos, alam kong sobrang nag aalala ka na kay Gwyn, gano'n din ako, pero just trust her and me. Malay mo she can solve the puzzle no matter how hard it is. Tsaka binibilisan ko na pagkilos dito, I'll try helping you, so wait for me. Hindi pweding mag isa ka lang na susugod do'n." Bakas na rin ang pag aalala sa boses ni Rune ngayon.
Tanging pagtipa lang ni Rune 'yung naririnig ko sa earpiece at walang nagsasalita.
"Mukhang maiihi ka na sa sobrang kaba Ms. Gonzales." Natatawang sabi ng prof.
"Circus clown." I said.
Nagbago agad 'yung reaksyon n'ya. "Pare pareho ba kayo ng utak o nasa iisang lugar lang kayo ng pinagtataguan?" Napipikon n'yang tanong.
"None of your business." Sabi ko.
"Mukhang marami ka ring sugat—ooh, ikaw siguro 'yung nagtatago sa sumabog na bomba kanina." Sabi n'ya.
"Wrong." I said. "At pag ayaw n'yong maniwala, go check the corpse there."
Napatango tango naman s'ya. "Well okay, if you say so." Sinenyasan n'ya 'yung mga tao na nasa harap na may hawak na baril.
Dalawa sa kanila 'yung lumapit sa akin na may dalang strange boxes. Tsaka 'yon inilapag sa mesang nasa harapan ko kasama 'yung ibang mga bagay na pweding gamitin sa pag solve ng puzzle.
Wala pang nakalagay sa device. Hindi ko alam kung ganito lang ba talaga 'to at mamaya magpapakita 'yung problem kapag nag start na 'yung countdown o wala talagang mero'n dito at huhulahan ko lang 'yung isasagot ko with only 1 attempt. Ina, sana naman hindi.
"Alam mo namang nakasalalay sayo lahat ng buhay ng mga nandito diba?" Parang baliw s'yang tumawa. "Dapat galingan mo sa pag solve n'yan." Sabi n'ya.
Kahit hindi mo naman ako sabihan gagalingan ko parin. Makikita mo, papatunayan ko sayong mas magaling pa 'yung isang estudyante lang kesa sayo na mamamatay tao at leader mismo ng napakasahol na organization. Pagkatapos neto ilalabas namin sa publiko lahat ng bahong mero'n ka at buburahin ka sa mundo. Hindi mo deserve mabuhay dito. Dahil sayo marami nang buhay 'yung nasayang. Hindi ko na rin maimagine kung anong magiging reaksyon ng mga magulang nila kapag nalaman 'yung nangyari sa mga anak nila. Hindi ko hahayaang madagdagan pa 'yung malalagas na buhay.
At kung sa akin nga nakasalalay 'yon ngayon, ikinagagalak ko pa.
BINABASA MO ANG
HACKED: CODE X
Mystery / Thriller"She lived through screens and silence, until one call, one message, turned her world into chaos, forcing her to feel, trust, and face the darkness she'd long ignored." Story Title: HACKED Genre: Mystery - Thriller Status: COMPLETED Chapters: 100
