CHAPTER 43: INFO

47 11 0
                                    

Ilang segundo s'yang napatitig sa akin.

"I don't easily trust people." He said. "Pero kung kaya n'yo ngang gawing safe 'yung lagay n'ya e pagkakatiwalaan ko kayo ng buo."

Gumaan 'yung pakiramdam ko sa sinabi n'ya.

"Alam namin 'yan, kung kinakailangang kuhanin pa namin loob mo e hindi kami magdadalawang isip na gawin." Sabi ni Rune. "Napalapit na kami kay Gwyn, madali nalang para sa amin 'yung protektahan s'ya." Dagdag n'ya.

Ngumiti naman 'yung kuya ni Gwyn. "Talaga ba?" Tanong n'ya.

"Oo, mabait si Gwyn, hindi madaldal tulad ng ibang mga babae. Marami rin s'yang positive traits na nakikita naming dalawa." Sabi pa ni Rune.

"Hindi ko alam na may mga tulad n'yo pa pala." Sabi n'ya. "Hindi ko rin inaasahang nasa higher years pa magiging kaibigan n'ya."

"Well, wala naman s'yang kapareha ng year na may malawak ng knowledge sa computers, lalo sa hacking. I just took the opportunity to help her." I said. "I also gave her a new phone to use."

Hindi makapaniwalang tumingin s'ya sa akin. "Sobra na ata 'yan. Sasabihin ko nalang na ibalik n'ya, papabilhan ko nalang s'ya ng bago." Sabi ng kuya n'ya.

"No. It's okay." Tanggi ko. "Marami nang naambag sa amin si Gwyn kahit ilang araw palang namin s'yang nakakasama, that phone isn't enough to thank her."

Not physically. Kung sa akin, unti unti na akong nakakakita ng improvements sa sarili ko. Marami akong nakikitang possiblity na maiaalis ko 'yung sarili ko sa walang buhay kong mundo. Bawat araw ko unti unti na ring nababago. At mula 'yon nu'ng dumating s'ya sa circle namin.

"Kung tutuusin do'n palang napasalamatan n'yo na s'ya." Sabi n'ya. "Gwyn's having difficulties in having relationship with others mula nu'ng tumuntong s'ya sa college. Nakakabahala na puro pag aaral kang ginagawa n'ya na kahit dalawa o tatlong mali lang sa quiz nila e nadedepress s'ya." Pagkukwento n'ya. "Nu'ng first year s'ya wala man lang kaming naririnig na kwento mula sa kan'ya tungkol sa pakikisama n'ya sa iba. Hindi rin gumagala, hindi nalabas to be exact."

Nag conclude na rin ako na may gan'yan ngang nangyari sa kan'ya. Kaya rin nu'ng una ko s'yang nakita sa faculty room, parang wala rin s'yang pake sa mga nakapaligid sa kan'ya. Karaniwan pag ako 'yung unang nag aapproach sa babae e tinitake advantage nila 'yon para akitin ako o mas mapalapit sa akin kaya ni minsan hindi ko ginawang kumausap ng babae. Pero s'ya hindi. Ako unang nag initiate ng conversation pero hindi man lang s'ya nagpakita ng interes, not until sinabi kong kaya ko s'yang tulungan sa problem n'ya.

"Kaya ngayon, kung nagkaroon nga s'ya ng kaibigan ulit, ikinagagalak ko pa." Sabi n'ya. "Kahit na mula kayo sa higher years." Tumawa s'ya ng marahan. "Pero paano pag grumaduate na kayong dalawa? Wala nanaman s'yang kasama."

"I can work in this university as a prof in computer science until she graduates."

Napatingin silang dalawa sa akin.

"Seryoso ka ba d'yan?"

I nodded. "Hindi problema ang pera sa akin kahit hindi ako maghanap ng trabaho, pero kung kinakailangan para may makasama s'ya, ikinagagalak ko ring gawin lahat." Sagot ko.

Napangiti naman s'ya ulit. "Grabe na talaga 'yan, hindi ko na alam kung paano kayo pasasalamatang dalawa. Hindi ko alam kung anong mero'n sa kapatid ko at nagagawa n'yo 'yan para sa kan'ya."

Well, I don't know about Rune but for me, my life's changing with Gwyn by my side.

"Actually hindi big deal sa amin 'yon. Kaya okay lang talaga." Rune said.

"Well thanks about that. Sa pagdala n'yo palang sa kan'ya rito e panatag na ako." Sabi n'ya. "I'm Gyro by the way, 4th year na rin, taking Industrial design sa fine arts." He introduced.

Baliktad sila ng course ni Gwyn.

"I'm Rune, 3rd year, taking Programming Fundamentals."

"I'm Ascen, also a 4th year, taking Cyber Security and It." Pagpapakilala ko nanaman.

"Oh parepareho pala kayong computer science, that's why." Gyro said. "Thanks for taking care of my sister again. Hindi ko rin s'ya matutukan ngayon kasi puro out of school na ginagawa namin sa course na tinitake ko."

"It's okay, we can handle her." Rune said.

"Thanks again."

fw

"Uuwi ka Ascen?"  Tanong ni Rune.

Kasalukuyan kaming nasa parking lot ng school. Iniwan na rin namin si Gwyn don na natutulog parin at kasama na 'yung kuya n'ya.

Ang gaan ng pakiramdam ko.

Maybe being able to talk about what I really feel. Hindi ko rin alam anong nagtulak sa akin para gawing panatag 'yung kuya n'ya na kasama kami ng kapatid n'yang si Gwyn.

"Hoy Ascen."

Tinapik ako sa braso ni Rune. "Oh?" Tanong ko.

"Uuwi ka sa inyo?" Tanong n'ya.

"Saan?"

"Sa bahay n'yo?"

"Hindi." Sagot ko naman.

Sa computer shop lang ako ngayon. Hindi rin muna ako papasok at magpapahinga muna—

"Rune."

"Opp?" Nagsusuot na s'ya ngayon ng gloves n'ya.

"That Andrew guy mentioned Codex. Nu'ng dumaan s'ya sa gilid ko kanina bago s'ya dalhin ng mga pulis."

Napatigil si Rune sa ginagawa n'ya at sumandal muna sa motor n'ya. "Codex?"

I nodded. "Seems like he knows about it." I said. "There's a possibility na may kinalaman ang Codex kaya nagawa n'yang pumatay. Pweding binilog 'yung ulo n'ya sa pamamagitan ng pag offer sa kan'ya ng pera. Tsaka baka sa kanila rin galing 'yung ginamit n'yang drug." Dagdag ko pa.

"Then if the Codex is involved, sa tingin mo malapit lang sa atin 'yung kinalalagyan nila?" Tanong ni Rune.

"Possible, if totoo ngang involved sila." Sagot ko. "Possible din na sila na 'yung naghack sa phone ni Philip tsaka kinuha lahat ng pictures at binigay kay Andrew na s'ya nang nagkalat."

"Pero kung Codex nga, bakit hindi man lang nila ginawang secured 'yung si Andrew o tinuruan man lang kung paano mas magagawang untraceable at unhackable 'yung device n'ya? Ang dali ko ngang napasok." Nagtatakang tanong ni Rune.

"Baka sinadya nila 'yon. Para ipaalam na nasa malapit lang 'yung Codex at nagbabanta na rin."

Hindi nakaimik agad si Rune.

Kahit ako, nababahala na. Parang pweding pagtagpi tagpihin lahat ng mga nangyayari, mula sa pagka hack ng phone ni Gwyn hanggang sa case.

"Edi mas kailangan nating maging alerto, tsaka kumilos na agad para maunahan natin sila."

Tumango ako.

Pero ang ipinagtataka ko pa, bakit sa akin no'n sinabi 'yung Codex? Nakarating din ba sa kan'ya 'yung news na nagnakaw ako ng file sa laptop nung biktima? Nakakapagtaka.

HACKED: CODE XTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon