CHAPTER 45: BIRTHDAY GIFT

43 9 0
                                    

"Okay ka na?" Tanong ni Lucy.

Kakarating ko lang sa classroom namin. Maaga aga pa pero 11 pa 'yung pasok namin. Mas maigi na ring ganito kaagang pumasok kesa sa late.

"Okay na." Sagot ko.

"May kumakalat palang balita Gwyn."

Napatingin ako kay Lucy. "Anong balita?" Tanong ko.

"Lagi mo raw kasama si kuya Rune Eldric, 'yung halos crush ng lahat dito." Sagot n'ya. "Baka naman ikaw din 'yung inangkas." Dagdag n'ya.

Binaling ko 'yung tingin ko sa bintana habang sapo sapo ng kaliwa kong kamay 'yung baba ko. "Wala akong alam d'yan."

"Hindi naman imposibleng magkagusto s'ya sayo e, maganda ka kasi Gwyn." Sabi ni Lucy.

Hindi na bago sa akin 'yung gan'yang compliment, pero hindi rin naman ako nababother sa kung anong itsura ko sa iba. Kahit magmukha pa akong crocodile.

Mas maganda nga ata maging crocodile nalang e. Naka stay lang sa iisang lugar tapos pakain kain lang. At higit sa lahat, hindi nilalapitan ng mga tao.

Sarap pala maging crocodile.

Napapatawa naman ako sa naiisip ko. Baliw.

"Hindi na ako magugulat pag 'yung news e kayo na."

Napatingin nanaman ako kay Lucy. "Labo." Simpleng tugon ko.

"Sus, hindi nga malabong magkagusto s'ya sayo." Sabi n'ya.

"I mean malabong magkagusto ako sa kan'ya." Paglilinaw ko.

"Ikaw ha, pakipot ka pa." Pang aasar n'ya. "Sa bagay, mukha kang lalake kung manamit, babae ba gusto mo?"

Tinaasan ko s'ya ng isang kilay. "Straight ako." Sagot ko.

"Eh ano namang mga type mo sa lalake? O baka naman hindi ka attracted sa both genders at may narcissistic self ka?"

Ba gara rin 'tong babaeng 'to.

"Wala akong npd, and attracted ako sa mga lalake. Hindi lang si Rune 'yung type ko." Sagot ko.

Bwiset na narcissistic 'yan. Mukha bang baliw na baliw ako sa sarili ko at sasabihan ako ng gan'yan. HAHAHAHA.

"Kung gano'n, ano palang mga type mo?" Tanong n'ya.

Napatingin ulit ako sa soccer field, sa labas ng bintana mula rito sa ika apat na palapag.

"Type ko?" Pabulong na tanong ko sa sarili ko.

".....Ibinulong n'ya sa akin na bantayan ka habang wala s'ya."

"......lalo kay Ascen na sinabing kung grumaduate na s'ya e susubukan n'yang magtrabaho bilang professor ng Com Sci sa school natin hanggang sa grumaduate ka, at para makasama ka parin."

Napailing iling naman ako. Bakit pumasok sa utak ko mga 'yon?

Si Ascen?

"Pst Gwyn!"

Nabalik ako sa sarili ko. "Ah, ano na ulit 'yon?" Tanong ko.

Nag pout si Lucy. "Lagi ka nalang nai-zone out." Sabi n'ya. "Tinatanong ko kung anong type mo sa mga lalake." Tanong n'ya.

"Ah.." Bilis ko nga ata talaga maging lutang. Napapadalas na rin. "Hindi ko alam, tsaka wala pa akong time para d'yan." Sabi ko.

"Bakit naman? Hindi ka pa ba nagkakaroon ng boyfriend dati?" Interesadong tanong n'ya.

HACKED: CODE XTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon