CHAPTER 88: THE MEETING

56 10 0
                                        

Huminga akong malalim, tsaka pinagmasdan 'yung repleksyon ko sa full length mirror na narito sa silid ko. Suot ang black jogging pants, black tshirt at puting rubber shoes. Naka suot din ako ng cap, tsaka 'yung messenger bag ko. Nakakabit na rin sa kanang tenga ko 'yung earpiece na binigay ni Ascen at naka konek n sa cellphone ko na bigay n'ya rin.

9 am na.

Ang bilis ng tibok ng puso ko. Kinakabahan ako kagabi pa. Hindi ko alam kung bakit pero kinukutuban ako sa araw na 'to. Pakiramdam ko may hindi magandang mangyayari. Pero sana naman kutob ko lang. Pero wala na rin akong tiwala sa sarili ko, kasi 'yung huling kinutuban ako ng masama e nangyari talaga. Nakakatakot.

"Alis na po ako!" Paalam ko.

Hindi ko na sila hinintay pang sumagot at lumabas na ng bahay. Tulog pa si kuya. Nag prisinta rin s'yang ihahatid ako pero tinanggihan ko.

Huminga akong malalim pagkasara ng gate. Tsaka nag umpisang maglakad sa gilid ng highway patungo sa uni.

Nababahala talaga ako. Ewan ko kung bakit. Parang ang bigat ng pakiramdam ko. Dahil ba makikita ko nanaman si sir Lenard? Sana nga 'yon lang 'yung dahilan at wala ng iba.

Buti nalang nakatulog ako kaagad kagabi kahit ang daming iniisip. Kung sakaling may mangyari nga ngayon at wala akong sapat na tulog, mas malalagot ako.

Hindi ako makapag focus sa paglalakad. Ang kulimlim din. Parang may nagbabadyang ulan sa kalangitan pero at the same time wala naman. Parang ang gloomy ng araw na 'to. Dumadagdag pa sa kabang mero'n ako.

Sana talaga walang mangyaring masama.

Ilang minuto pang paglalakad ay nakarating na ako sa uni. Pero agad akong nagtaka, walang guard. Hindi ba dapat kahit sabado mero'ng guard kasi may mga nagtitake ng NSTP na first years dito ngayon?

Nagpatuloy ako sa paglalakad, hanggang sa matanaw ko 'yung soccer field. Mas lalo akong nagtaka. Walang kahit anong estudyante ro'n na nagtitake ng ROTC. Wala kaya silang pasok ngayon? Tsaka, mula rito sa labas pansin kong nakabukas lahat ng pinto sa bawat building kahit wala namang pasok ngayon.

Kahit nagtataka ay ipinagpatuloy ko nalang 'yung paglalakad hanggang sa marating ko na 'yung auditorium. Mula palang sa labas dinig ko na 'yung ingay ng nga estudyante. At mas lumakas pa nu'ng nakapasok na ako.

Inilibot ko 'yung paningin ko sa loob para maghanap ng kaklase—

"Dito."

Napatingin ako sa nagsalita. Si Kian. Agad akong naglakad pasunod sa kan'ya. Tapos pareho na rin naming narating 'yung lugar kung nasaan nakaupo 'yung iba pa naming mga kaklase.

Umupo na rin ako. Napatingin ako sa buong auditorium dito sa loob.

Marami nang estudyante. Hindi na mabilang. At pansin kong bawat section ay may kan'ya kan'yang designated areas. Napatingin ako sa relo ko. It's now 10.

"Nilock 'yung gate."

Napatingin ako sa katabi ko, na alam kong kaklase ko pero hindi ko alam kung anong pangalan.

"Sino nag lock?" Takang tanong ng katabi n'ya.

"Hindi ko alam, pero sure akong hindi 'yon guard. Parang bago lang s'ya rito. Tsaka ang mas nakapagtataka, sa loob nilock hindi sa labas." Sagot nito.

T*ngina.

Naagaw ng atensyon namin 'yung biglang pagtunog ng mic sa harap. Tsaka lumabas si sir Lenard hawak hawak ito at isang folder. Wala ring ibang prof na nandito sa loob. S'ya lang talaga.

"Good morning CS students!" Masiglang bati n'ya. Dinig na dinig sa mga speakers na nandito 'yung boses n'ya.

Sabay sabay namang bumati 'yung mga estudyanteng nandito.

Ang bilis na talaga ng tibok ng puso ko. Hindi ko alam kung anong mararamdaman ngayon. Nagtatalo 'yung mga pakiramdam ko.

"Glad that you're all here today." He said. "But before I'll start everything, I want every class monitor of each section to have a headcount of their classmates."

Agad namang tumayo 'yung bawat class monitor sa bawat section, kasama 'yung captain namin na isa isa kaming binilang.

"And if you're done, come here at front." Prof Lenard ordered.

Isa isa namang pumunta sa harapan 'yung mga nagbilang kung ilang estudyante bawat section ang mero'n ngayon. Tsaka rin sila bumalik.

"Hmm.. mukhang marami paring umabsent ha." Sabi n'ya. "Nakakalungkot naman at hindi nila mararanasan 'yung saya na ipararanas ko sa inyo ngayon."

Iba 'yung tono ng boses n'ya ngayon habang nagsasalita sa harap. Para talaga s'yang may binabalak gawin.

"Why is he talking like that." Kian said.

I shrugged. "That's also my question." I said.

"Napaka suspicious n'ya lately. Hindi mapredict kung anong binabalak n'yang gawin."

Napatingin ako kay Kian. "Kinukutuban ka?" Takang tanong ko.

"Actually oo, kasi nu'ng araw na namatay si sir Xen, nakita raw s'ya na pumunta ro'n kung saan s'ya nakatira. Pero wala naman silang sapat na evidence para mapatunayan 'yon." Marahan lang akong nakikinig. "Tsaka talagang nakakapagtaka 'yon kasi apat na araw s'yang hindi pumasok dito tapos mero'n s'ya nu'ng araw na namatay si sir Xen."

Napatingin ako sa harap. So hindi lang ako 'yung nakakita sa kan'ya. Mero'n ding iba. At hindi lang ako 'yung nagdududa sa kan'ya ngayon, pati si Kian. 'Yung iba kaya? May idea kaya sila sa kung anong mga sunod na mangyayari ngayon?

"Mas nakakapagtaka ngayon na bakit kailangan n'ya pang ipalock 'yung gate. Kung for educational purposes nga talaga 'to, dapat iiwan n'yang bukas 'yung gate at hahayaang tumanggap ng mga late. Pero hindi. Tsaka wala ring NSTP subject 'yung mga first years kahi cs students lang naman 'yung nandito. Wala ring guards sa main gate. Sarado 'yung gate sa likod. Tapos nakabukas lahat ng school building." Mahabang sabi ni Kian.

Napansin n'ya rin kung anong mga napansin ko kanina. Pareho kaming kinukutuban ngayon.

"But it's okay, marami parin naman kayong mga nandito and we can make the activity!" He exclaimed.

Anong activity naman kaya? At bakit kinakailangang kasama kami lahat mula first years hanggang 4th years? Nakakapagtaka na talaga. Parang wala man lang kamalay malay 'yung iba sa nangyayari ngayon. Hindi sila nababahala o ano. Hindi tulad namin ni Kian na kanina pa nagtatanong sa isa't isa sa kung anong nangyayari ngayon at sa kung anong binabalak ng prof na 'to.

HACKED: CODE XTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon