EPILOGUE

55 4 0
                                    

A year has passed since we successfully erased the Codex organization from the darkest corner of the web. It has also been a year since the untimely demise of Sir Xen. And more than a year has gone by, since Ascen and I confessed our feelings for each other.

Hanggang ngayon hindi ko parin makalimutan 'yung mga nangyari. Mula nu'ng nakilala ko sila hanggang sa sama sama naming tinapos 'yung Codex. Hindi ko parin makalimutan 'yung takot at kabang naramdaman ko nu'ng mga panahon 'yon. At lalong hindi ko parin makakalimutan 'yung saya na naramdaman ko nu'ng malaman kong pareho kami ng nararamdaman ni Ascen. Nakakatuwa. At mula rin nu'ng araw na 'yon, nadiscover ko na 'yung pakiramdam na 'kinikilig', na araw araw kong nararamdaman tuwing kasama ko s'ya.

Pagkatapos nu'ng nangyari na 'yon, pinaayos agad 'yung university. Tsaka nahuli na rin 'yung ilang members ng Codex sa pamamagitan ng informations na binigay namin sa mga pulis. Nabigyan na din ng hustisya 'yung pagkamatay ni sir Xen. Pati na rin 'yung mga namatay pang ibang estudyante.

Hanggang ngayon, alam kong kahit ilang araw, linggo o taon pa ang lumipas, alam kong tatatak parin sa memorya ko 'yung mga nangyari.

Lahat ng 'yon naging dahilan ng pagbabagong naganap sa akin. At hindi ko pinagsisisihan 'yung mga nangyari. Naiintindihan ko na 'yung word na purpose at naranasan ko mismo 'yon nu'ng mga panahong 'yon.

Nagpakawala ako ng malalim na paghinga.

"Sabay ka na ba sa akin?" Tanong ni Rune.

Nandito kaming dalawa ngayon sa Xanthe at hapon na, pero 2 pa kasi pareho pasok namin.

Tumango ako. "Ayokong maglakad, mainit." Sagot ko.

Napatawa naman s'ya. "Parang dati pinipilit pa kita e, ngayon parang nagkukusa ka na." Sabi n'ya.

"Natural, wala nang dahilan pa para itago nating naangkas ako sayo." Sabi ko naman.

At oo, alam na rin naman ng lahat sa uni na magkakaibigan kami e. Gladly, hindi naman kami naissue, pinupuri pa nga kami actually, lalo ng mga profs dahil sa ginawa namin year ago.

"Sige tara na, mag aalas dos na e." Aya n'ya.

Tumango lang ulit ako tsaka sumunod na sa kan'ya sa pagbaba ng hagdan tungo sa labas. Dumiretso lang din kami sa garahe na nasa tabi lang ng shop at naka disenyo talaga sa motor nilang dalawa.

Third year college student na ako ngayon, Fourth year naman si Rune, at grumaduate na si Ascen. Ang bilis ng panahon. Next school year ako na rin 'yung gragraduate. Tsaka 'yung kuya ko, nagtatrabaho na rin ngayon bilang interior designer at mas naging busy. Totoo ngang nawawalan na s'ya ng oras sa akin gaya ng sabi n'ya dati, pero intentionally 'to kasi raw may taga bantay na ako.

"Sakay na." Sabi n'ya.

Agad naman akong umangkas at hindi na nag abala pang mag suot ng helmet kasi malapit lang naman mula rito sa Xanthe 'yung uni.

Napatingin ako sa relo ko. 1:55. Malelate na nga talaga kami. Pero okay lang sa akin, hindi naman siguro magagalit 'yung prof.

Masasabi kong mas naging busy na rin ako ngayon sa pag aaral, kasi mas marami na kaming ginagawa at need na talagang mag focus sa mga majors namin. Nakaka pressure nga sobra, pero naaayos ko rin naman since may tumutulong sa akin sa mga ginagawa ko.

"Takbuhin mo na, baka sermonan ka n'yan." Natatawang sabi ni Rune.

Agad akong bumaba. "Ikaw ang dapat gumawa n'yan." Sabi ko naman. "Una na ako Rune, salamat!"

Kinawayan n'ya lang ako. Tsaka ako mabilis na naglakad paakyat ng hagdan sa school building namin. Sana wala pa 'yung prof.

Mabilis ko lang na tinahak 'yung hagdan at hallway. Hanggang sa makarating na ako sa classroom namin. At sa inaasahan, lahat sila nakatingin sa akin ngayon. Pati 'yung prof na natigil sa pagdi-discuss.

"You're late Ms. Gonzales." Sabi ng prof.

Napakamot naman ako sa ulo ko tsaka naglakad papunta sa proper seat ko.

"Tell me Ms. Gonzales, why are you late today?" He asked.

Parang nakakalokong nakangiti ang lahat sa akin. Pagsusuntok suntukin ko kayong lahat e.

"Answer me Ms. Gonzales."

Isa pa 'to. "Sorry sir Ascen, it's Rune's fault." I answered.

At oo, pinanindigan n'ya nga 'yung sinabi n'ya kay kuya dati na mag aapply s'ya rito bilang professor hanggang sa maka graduate ako at mabantayan n'ya rin at the same time. Nu'ng una akala ko magiging masaya 'yon, pero habang natagal naiinis lang ako sa kan'ya kasi lagi n'ya akong inaasar tuwing may subject kami sa kan'ya. Tsaka hindi ko rin iniexpect na iba s'ya maging boyfriend, at oo boyfriend ko na s'ya, mag iisang taon na rin kami. Napaka higpit n'ya na pati si Rune pinagseselosan n'ya. Pero hindi ko naman s'ya masisisi, kahit ako kapag may kasama s'yang ibang estudyante o profs para na akong sasabog sa selos e.

"Thanks for answering, I'll punish him later." He said.

Nak ng. Mukhang may mangyayaring bangayan nanaman mamaya. Mas napapadalas na rin pagtatalo nila e, pero hindi 'yung seryoso. Tsaka hindi parin naman nagbabago si Rune, mas lumala pa nga ngayong dalawa na kami ni Ascen. Lagi n'ya kaming binubully na dalawa at maski ako nakikisabay na sa pagbabangayan nila.

"We'll, continue the discussion, so better listen Ms. Gonzales." He said.

Naiirita na ako sa kaka Ms. Gonzales n'ya sa akin dito sa uni, pero pag nasa bahay kami o s bahay nila, o basta nasa labas, kung ano anong call sign tinatawag sa akin. Ibang iba rin 'yung personality n'ya rito kumpara sa labas ng school. Talagang alam n'ya ilugar 'yung mga bagay bagay.

I love him so much tho.

Thanks to sir Xen. Dahil sa kan'ya nabago buhay ko. At dahil sa kan'ya nakilala ko si Ascen. Wala na akong mahihiling pa. Hindi ko alam na sa pamamagitan ng pagkahack ng phone ko ay matatamo ko 'to lahat. Hindi ko alam na dahil do'n nagkaroon ako ng mga kaibigan na pinahalagahan ako ng sobra. Wala sa expectations ko lahat ng nangyari, pero thankful ako.

Baka nga kapag may nangyaring masama, hilingin ko nalang ulit na ma-hack 'yung phone ko at umayos ulit ang lahat.

End.

HACKED: CODE XTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon